Chapter 13

575 Words
CHAPTER 13 Nang makarating kami sa headquarters ng BHO, ay kaagad naming sinabi kay Poseidon ang nangyari. Ilang mga agents ang ipinadala nila sa bahay upang siguraduhing wala ng kahit na ano pang ginawa doon ang lalaking nakita ko kanina. Sumama sa kanila si PJ na kahit anong gawin kong pilit ay hindi nagpaiwan dito sa BHO. Madali lang namin nabuksan ang netbook kahit na may password pa ito. Napag alaman namin na isa pala ang lalaki sa aking mga fan. The difference is, he's obssesed with me. May mga video diary pa siya kung saan sinasabi niya ang mga nainis niyang gawin sa akin. "His name is Darwin E. Padilla. Patay na ang mga magulang niya bata pa lang siya. Graduated sa highschool na valedictorian, c*m laude sa College, walang asawa at ni minsan ay hindi nag ka girlfriend. No criminal records, that we know. Anyway we can dig further at baka may mahanap tayo. Hindi gawain ng baguhan ang mag kabit ng basta basta ng bomba." mahabang paliwanag ni Poseidon na hawak ang files ni Darwin. Madali niya lang nagawang kumuha ng background information dito dahil sa nalaman na namin kung anong itsura nito. Wala naman kasi siyang pangalan na inilagay sa netbook. Ang laman lang non ay mga larawan ko. Mga larawan na sinusundan ang bawat galaw ko.Mmaging ng kasal ni Mishy ay meron din akong patagong kuha. "I know him." Lahat kami ay napatingin kay Mishy. Titig na titig ito sa larawan ni Darwin. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko rito. "Not that I know him personally pero familiar ang pangalan niya at saka ang mukha. Ewan ko nga kung bakit hindi mo siya matandaan eh." Tinuro niya ang monitor. "Remember kat? Nung fashion show mo nung 17 ka? Umatend kami ni PJ tapos may lumapit na fans sayo at nag pa-picture. He's one of them. Niyakap ka pa niya at nag pakilala, ang kaso masyado kang busy makipag asaran kay PJ kaya hindi mo siya masyadong napansin. Ako naman nakatingin sa kaniya dahil iba yung pag kakatingin niya sayo." "Then we need to find him." Seryosong tumingin ako kay Poseidon. "He almost killed, PJ. Kung kailangan kong dumihan ang mga kamay ko para lang mahanap siya, gagawin ko." "No need for that." Napatingin kami sa pintuan kung saan madilim ang anyong nakatayo roon si PJ habang hawak-hawak ang isang lalaking pilit na kumakawala mula sa kaniya. Nakatali ang mga kamay ng lalaki at may suot-suot na blind fold. "How?" tanong ko sa kaniya. "It's simple. I made BHO's whole system, things like this is just like a glitch in a system. Madaling hanapin, at madaling tanggalin." Napangiti ako. Okay din pala na magkaroon ng super genius na boyfriend. Well, kung iyon ang tawag sa kung ano ang meron sa amin. Mukhang nabasa naman ni PJ ang iniisip ko dahil nakakaunawang ngumiti siya sa akin. "We'll talk about it later. Sa ngayon kailangan muna natin itong dalin sa Interrogation Room." Nauna na siyang lumabas habang kinakaladkad si Darwin. Kaming mga naiwan sa loob ay nakatulalang nakatingin sa pintuan na nilabasan niya. Kaya pala nabuo ang salitang hindi dapat ginagalit ang taong tahimik. "Wow." namamanghang sambit ni Mishy. Lumingon sa akin si Poseidon habang kumikinang-kinang pa ang mga mata niya. "Ipagpapatayo kita ng monumento. Napangiti mo si PJ." Natatawang tumayo ako. "Halika na nga. Baka tinotorture na ni PJ ang isang iyon kung hindi pa tayo susunod." I made PJ smile again. I must be doing something good dahil binibigyan na ako ng maagang pamasok ni Lord. Promise po magpapakabait pa po ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD