Chapter 1: The Line We Must Never Cross

2135 Words
Ang amoy ng bagong pulidong marmol, mamahaling pabango, at sariwang bulaklak ay nakakapaso sa ilong ko habang nakatayo ako sa gilid ng malawak na pasilyo, mahigpit na nakakapit sa laylayan ng puting apron ko. Pangalawang linggo ko na sa Laurent Estate, pero parang kahapon lang noong unang tumapak ako rito takot na takot, laging nakayuko, at pakiramdam ko bawat galaw ko ay sinusuri ng mga mata ng mga litratong nakasabit sa dingding. Dito ang bawat patakaran ay parang batas na hindi pwedeng labagin. Walang ingay. Walang labis na galaw. Walang tumitingin nang diretso sa mata ng mga amo. At higit sa lahat walang pwedeng lumapit, makipag-usap, o kahit mangarap na maging malapit kay Hayden Laurent. Siya ang nag-iisang tagapagmana ng Laurent Group of Companies, ang lalaking kinatatakutan ng buong mundo ng negosyo. Sinasabing sa edad na bente-otso, nagawa niyang palawakin pa lalo ang imperyong iniwan ng mga magulang niya, tinatanggal ang sinumang humaharang sa daan niya nang walang pag-aalinlangan. Walang nakakaalam ng tunay niyang ugali bihira siyang ngumiti, bihira siyang magsalita nang higit sa kailangan, at laging parang may malaking pader sa pagitan niya at ng ibang tao. Pero kahit gaano pa siya katakot, kahit gaano pa kataas ang pader na nakapalibot sa kanya... hindi ko mapigilang hanapin siya ng mga mata ko tuwing nasa parehong bahay kami. "Serene! Huwag kang nakatayo diyan na parang rebulto! Linisin mo na ang silid-kainan bago dumating si Sir Hayden galing sa meeting!" sigaw ni Aling Myrna, ang head maid, habang mabilis na naglalakad palapit sa akin. Ang boses niya ay mababa pero matalas, parang ayaw niyang marinig ng iba pero sapat na para mapatalon ako. "Opo, Aling Myrna. Pasensya na po," sagot ko at yumuko nang bahagya bago kumuha ng basahan at simulan ang trabaho. Ang mga kamay ko ay nanginginig nang kaunti laging ganito kapag nalalapit na ang oras na uuwi na siya. Parang may kakaibang kuryente na bumabalot sa buong mansyon kapag alam naming darating na siya, parang ang hangin ay nagiging mas mabigat, mas mainit, mas puno ng kaba. Habang pinupunasan ko ang mahabang hapag-kainan na gawa sa mamahaling kahoy na hindi ko man lang alam ang pangalan, hindi ko mapigilang mag-isip. Ano kaya ang iniisip niya tuwing mag-isa lang siya? Masaya ba siya sa ganitong buhay napapaligiran ng lahat ng luho pero walang sinumang makalapit sa kanya nang totoo? Bakit parang laging may lungkot sa mga mata niya kahit na ang tigas ng mukha niya? Napahinto ako saglit nang marinig ang tunog ng malaking bakal na pinto sa baba. Ang boses ng mga guard, ang huni ng mamahaling sasakyan, at pagkatapos ang pagbukas ng pinto at ang mabigat matatag na yabag na pamilyar na sa akin kahit na ilang beses ko pa lang itong narinig. Agad akong tumalikod, ibinaling ang buong atensyon ko sa pagpupunas ng mesa, siguraduhin kong nakayuko ako nang maayos at hindi makikita ng sinuman na namumula ang pisngi ko. Ang puso ko ay parang gustong tumalon palabas ng dibdib ko, mabilis at malakas, parang kahit siya ay maririnig ito. Narinig ko ang paglapit ng mga yabag. Huminto ito ilang hakbang lang mula sa kinatatayuan ko. "Anong ulam ngayon?" tanong niya. Ang boses niya ay mababa, malalim, parang umaalingawngaw sa buong silid, at may kakaibang gasgas na parang galing sa pagod o galit. Napalunok ako alam kong hindi niya ako kinakausap dapat ay si Aling Myrna ang sasagot pero wala kase siya hinanap ko siya ng tingin sa gilid, pero wala siya doon. At bago pa ako makapag-isip ng gagawin, naramdaman ko ang paglapit pa niya. Lumipas ang ilang segundo ng katahimikan. Pakiramdam ko ay tinititigan niya ako mula ulo hanggang paa. Ang init ng tingin niya ay parang humahaplos sa balat ko kahit na hindi niya ako hinahawakan. "Tanong ko," ulit niya, mas mariin na ngayon. "Sino ang nakatalaga dito?" Wala na akong choice. Dahan-dahan akong tumingala nang kaunti, sapat lang para makita ko ang sapatos niya, ang gupit ng pantalon niya, bago dahan-dahang umakyat ang tingin ko hanggang sa makita ko ang mukha niya. At doon, natigilan ako.oeotNakasuot siya ng itim na suit na perpektong bumagay sa kanya, ang puting polo sa loob ay nakabukas ang unang butones, ang kurbata ay medyo nakaluwag na parang galit na galit siya rito. Ang mukha niya ay seryoso, ang panga ay nakakuyom, ang kilay ay nakakunot pero ang mga mata niyang kulay tsokolate na ngayon ay parang nag-aapoy habang nakatingin sa akin. Hindi ko agad nakapagsalita. Nakalimutan ko lahat ng dapat kong sabihin, lahat ng nasa isip ko. Ang tanging naririnig ko lang ay ang t***k ng puso ko at ang paghinga niya. Napansin kong lalong nagdilim ang tingin niya. Humakbang siya nang isa pa palapit, hanggang sa naramdaman ko ang amoy niya mamahaling pabango na may halong amoy ng ulan at usok, amoy na magiging kinahuhumalingan ko nang hindi ko namamalayan. "Bingi ka ba?" tanong niya, hindi pasigaw pero sapat na para mapatalon ako. "P-pasensya na po, Sir!" agad akong yumuko ulit, ang init ng mukha ko ay parang nasusunog na. "Ako po si Serene Cruz, Sir. Ang ulam po ngayon ay sinigang na baboy at pritong isda, Sir. Pasensya na po kung hindi ako agad nakasagot—" Tumigil ako nang maramdaman kong huminto siya sa harap ko. Dahan-dahan niyang iniangat ang kamay niya. Napapikit ako, akala ko papaluin niya ako o itutulak niya ako palayo pero ang mainit na dulo ng daliri niya ay dahan-dahang dumampi sa baba ko, dahan-dahan niyang itinaas ang mukha ko hanggang sa mapilitan akong tumingin nang diretso sa kanya. Ang lapit niya......sobrang lapit ramdam ko ang init ng hininga niya, ang bawat detalye ng mukha niya na hindi ko nakikita mula sa malayo ang maliliit na peklat sa gilid ng kilay niya, ang pagkislap ng ilaw sa mata niya, ang kapal ng pilikmata niya. "Serene," banggit niya ang pangalan ko nang mabagal, parang sinusubukan kung paano ito tumutunog sa dila niya. Ang boses niya ay nagbago nawala ang galit, napalitan ng kakaibang tono na parang... pagnanasa? Hindi, imposible. Siguro ay nag-iimahinasyon lang ako. "Bakit parang laging natatakot kang tumingin sa akin?" Hindi ako makahinga. Ang daliri niya ay nanatili sa baba ko, mainit at matigas, at ang simpleng hawak na iyon ay parang nagpapadala ng kuryente sa bawat ugat ng katawan ko. "Bawal po kasi, Sir," sagot ko nang mahina, ang boses ko ay nanginginig. "Bawal po kaming tumingin nang diretso sa inyo. Bawal po kaming lumapit. Bawal po kaming... lumampas sa linya." Tinitigan niya ako nang matagal, parang sinusuri ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko. Dahan-dahan siyang ngumiti isang ngiting hindi nakararating sa mga mata niya, ngiting puno ng misteryo at bagay na hindi ko maintindihan. "Ang linya," bulong niya, at mas lalo pang lumapit, hanggang sa balikat ko ay dumikit na sa dibdib niya. "Sino ang gumawa niyan? Sino ang nagsabi na hindi pwedeng tawid-in?" "Ang... ang mga patakaran po ng bahay, Sir," sagot ko, parang nawawalan na ako ng lakas. "Ang mga patakaran ko," itinama niya, ang daliri niya ay gumapang nang dahan-dahan mula sa baba ko hanggang sa pisngi ko, humahaplos nang napakalambing na parang ako ang pinakamahalagang bagay sa mundo. "At ako ang nagtakda niyan. At kung ako mismo ang gustong baguhin... may karapatan ka bang humadlang?" Napasinghap ako sa sinabe niya at hindi ako makapagsalita. Ang sitwasyon na ito ay hindi dapat nangyayari. Ako ay katulong. Siya ang amo. Magkaiba ang mundo namin, parang lupa at langit. Pero sa sandaling iyon, parang nawala ang lahat ng pagkakaiba. Parang kaming dalawa lang ang tao sa buong mundo. Biglang bumukas ang pinto sa pag bukas non ay agad akong umatras palayo sa kanya nang mabilis, ang mukha ko ay sobrang pula na. Si Hayden naman ay dahan-dahang tumayo nang tuwid, ibinalik ang kamay niya sa likod, at ang dating malambing na tingin ay napalitan na ulit ng matigas at walang emosyon na tingin ng CEO. Nakita namin si Aling Myrna na nakatayo sa pinto, gulat na gulat, hindi alam kung ano ang nakita niya. "Sir Hayden," bati niya nang yumuko nang malalim. "Pasensya na po, hindi ko po alam na nandito na kayo. Ihahanda ko na po agad ang pagkain niyo." Tumango lang si Hayden, hindi man lang tumingin sa kanya. Ang tingin niya ay nanatili sa akin, matalim at puno ng mensahe na hindi ko mabasa. "Kain na ako," sabi niya, pero bago siya umupo, huminto siya saglit sa tabi ko at bumulong sa paraang ako lang ang makakarinig: "Hindi pa tayo tapos mag-usap, Serene. Huwag mong isipin na makakatakas ka lang nang ganoon." Pagkatapos ay umupo na siya sa dulo ng mahabang mesa, kinuha ang kubyertos, at nagsimulang kumain na parang walang nangyari. Pero ako nakatayo pa rin ako doon, ang puso ko ay parang sasabog, ang balat ko ay parang nagniningas pa rin sa lugar kung saan niya ako hinawakan. Natapos ang kanyang pagkain nang tahimik. Walang ibang salita, walang tingin pa. Pero sa tuwing titingin ako nang palihim, nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin. At sa bawat pagkakataon na iyon, parang lalong lumalalim ang panganib na nasa pagitan namin. Nang matapos siya, ibinigay niya ang plato niya sa akin. Nang abutin ko ito, nagdikit ang mga daliri namin. Mabilis lang, parang kidlat, pero ramdam ko ang init nito hanggang sa dulo ng pagkatao ko. "Linisin mo ang opisina ko mamaya," utos niya bago lumakad palayo. "Bago ka matulog. Walang ibang kasama. Ikaw lang." Hindi ko nasagot. Nakatingin lang ako habang lumalayo siya, hanggang sa mawala siya sa paningin ko. "Anong tinitingin-tingin mo diyan?" sigaw ni Aling Myrna habang nililigpit ang mesa. "Mabuti pa magtrabaho ka na! Huwag kang mangarap ng bagay na hindi mo makukuha. Ang mga tulad natin ay nasa lugar lang natin. Huwag mong hahayaang malito ka sa tingin ng amo. Marami na ang naalis dito dahil sa ganyang katangahan." Alam kong tama siya. Alam kong dapat akong matakot, dapat akong umiwas, dapat akong tumanggi. Pero habang hawak ko ang plato na hawak din niya kanina, naramdaman ko ang kakaibang kaba sa tiyan ko. Gusto ko siyang tanggihan. Gusto kong magtago. Pero ang totoo... ang totoo ay gustong-gusto kong pumunta. Gusto kong makita siya ulit. Gusto kong malaman kung ano pa ang sasabihin niya, ano pa ang gagawin niya. Nang dumating ang gabi, tahimik na ang buong mansyon. Lahat ng ibang staff ay natutulog na. Dahan-dahan akong umakyat patungo sa private office ni Hayden. Hawak ko ang basahan at timba, pero ang kamay ko ay nanginginig habang inaabot ko ang hawakan ng pinto. Bago ko pa ito buksan, narinig ko ang boses niya mula sa loob. "Pumasok ka na, Serene. Alam kong nandiyan ka na." Huminga ako nang malalim, pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Binuksan ko ang pinto at pumasok. Nakatayo siya sa harap ng malaking bintana na nakaharap sa buong siyudad, nakatalikod sa akin. Ang ilaw sa kwarto ay malabo, pinapainit ng liwanag ng mga ilaw ng siyudad. "Isara mo ang pinto," utos niya nang hindi lumilingon. Sinunod ko. Nang sumara ang pinto, naramdaman kong parang nakulong na ako. Walang makakakita sa amin. Walang makakaalam ng mangyayari. Lumingon siya at sa pagkakataong ito, wala na ang pagpigil, ang tingin niya ay puno ng pagnanasa, matindi at nakakabighani, parang handa na siyang kainin ako nang buo. "Alam mo ba kung gaano katagal kong pinipigilan ang sarili ko?" tanong niya habang dahan-dahang lumalapit sa akin. "Mula noong unang araw na nakita kitang pumasok dito, alam kong magiging problema ka. Alam kong ikaw ang magiging kahinaan ko." Napalunok ako. "Sir... hindi po dapat ito—" "Hayaan mo akong magpasya kung ano ang dapat at hindi," putol niya. Nang makalapit siya ulit, inabot niya ang kamay ko at inilagay sa dibdib niya, para maramdaman ko ang mabilis na t***k ng puso niya. "Hindi lang ikaw ang natatakot, Serene. Pero hindi na ako makakapigil pa. Hindi na ako kayang maging amo mo lang kapag nasa harap kita." Ang mga salita niya ay parang lason at gamot nang sabay. Alam kong mali ito. Alam kong kapag tinanggap ko ito, wala nang balikan. Pero ang init ng hawak niya, ang katotohanan sa mga mata niya parang hinihila ako nito palapit nang palapit. Hinawakan niya ang bewang ko, hinila ako palapit hanggang sa dumikit ang buong katawan namin. Ang bawat haplos niya ay parang sunog sa balat ko, ang bawat tingin ay parang pangako ng bagay na matagal ko nang hinihiling nang hindi ko alam. "Sa labas ng kwartong ito, ako ang iyong amo," bulong niya habang ang labi niya ay dumadampi sa tenga ko. "Pero dito... dito, ikaw ang magdidikta. Ikaw ang pag-aari ko. At ako ang magiging iyo." Hindi ko na nasagot. Ang tanging nagawa ko lang ay pumikit at hayaan ang sarili kong mahulog mahulog sa bawal na pag-ibig, sa mapanganib na laro, at sa lalaking alam kong sisira at bubuo sa akin nang sabay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD