Interesting, huh?
"Hoy, ano nangyari sa 'yo? Kanina pa kami kumakaway sa harapan mo, pero nakatulala ka lang sa pinto."
Nawala ang waitress sa isip ko nang marinig ko ang sinabi ng mga tropa ko. Dalawa sila na narito na ngayon sa bar, sina Gian at Kyle. "Sit down. Ano pa ang hinihintay ninyo?" sagot ko lang sa kanila.
"Sabog ka na yata, p're. Lasing ka na ba agad? Mabilis naman kami na nakarating dito sa bar na ito, ah?" biro pa sa akin ni Gian.
"Tangina mo, manahimik ka nga. Alam ko na agad ang susunod mo na sasabihin. Aasarin mo lang ako dahil sa video na kumalat," sagot ko muli sa kaniya. Kaya naman ay agad silang tumawa. Si Kyle naman ay naglagay na ng mga alak sa bawat baso namin. Nagsimula na akong mag-inom kanina habang iniisip ang waitress na hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik dito.
"Sa susunod kasi, get a room! Para walang makaka-video sa inyo! Gusto mo kasi lagi na agaw atensyon ka, eh," pang-aasar pa sa akin ni Kyle.
"Gago ka ba? Hindi ko naman kasalanan na hindi ko trip 'yong babae na nag-video sa amin. Inggit siguro 'yon. Malay ko ba na gusto niya rin na mahalikan ko siya. Kadiri ang itsura niya, 'no!"
"Grabe naman si Mr. Handsome na kaibigan natin. Nakakarma ka tuloy at navi-videohan! HAHAHAHA!"
Inilingan ko na lang ang mga kaibigan ko at saka uminom. Gusto ko sana na malasing ngayon, pero malakas ako uminom. Bilang lang sa daliri ko ang mga panahon na nalasing ako. Hindi pa 'yon nauulit muli. Pero wala naman talaga akong dahilan ngayon para magpakalasing.
"Nakakita na ako kanina ng mga chix sa baba. Totoo nga na maraming chix dito. Pero parang mga good girls lahat, eh. 'Yong mga hindi party girls at gusto lang mag-inom mismo ng alak. Parang karaoke bar nga lang 'to," kumento naman ni Gian.
"Tambayan ko ito matagal na. Maganda rin dito mag-chill, eh. May mga nakakalaplapan na nga ako dito na mga waitress," kwento ko. "Oh! Sakto waitress 'yong nakita ko kanina na sobrang ganda. Pero hindi ko 'yon ituturo sa 'yo. Baka mamaya ay agawan mo pa ako sa kaniya."
Nginisian ko naman siya. "Don't touch her because she's mine already. Bago mo pa siya nakita ay nakausap ko na siya rito kanina pa. Alam ko na kung sino 'yang maganda na waitress na tinutukoy mo. Kaya huwag mo nang balakin pa na umaksyon doon, dahil sa akin na siya."
"KAYA KA PALA NAKATULALA HA! Inaabangan mo siguro siya na bumalik, 'no? Ang bilis mo talaga sa mga magagandang babae. Pero sa tingin ko ay hindi easy-to-get ang isang 'yon. Sa tingin mo ba ay makukuha mo siya ngayong gabi?" tanong pa sa akin ni Kyle.
"Kung mukhang masungit at hard to get, sa tingin ko ay hindi makukuha ni Raiden ang babae na 'yon," dagdag pa ni Gian.
"Kahit pa magpustahan tayo ngayon. I will bet my new car. Matitikman ko ang waitress na 'yon ngayong gabi," hamon ko naman sa kanila. Dahil kampante ako na bibigay sa akin ang babae na 'yon. Siguro pinakitaan niya lang ako ng ganoong kalamig na ugali kanina. Pero alam ko naman na pakipot lang ang mga ganoong klase ng babae. Kaya hindi rin ako papayag na hindi ko siya matitikman ngayon.
"Oh, sige! Payag ako d'yan. 'Yong bagong kotse ko rin ang ipupusta ko na hindi mo matitikman ang waitress na 'yon."
Magsasalita pa sana ako nang may biglang pumasok sa kwarto namin ngayon at mas lumawak ang ngiti ko nang makita na bumalik dito ang waitress na pinag-uusapan naming tatlo ngayon. Seryoso lang ang mukha niya at inihahanda sa lamesa namin ang mga pulutan na in-order namin.
"Hey, Miss.... Would you like to come with me--"
Hindi ko naituloy ang gusto ko sana na sabihin sa kaniya nang bigla siyang magsalita. "Sayang lang ang pakikipagpustahan mo sa kanila dahil matatalo ka lang. Sayang naman ang bago mong kotse kung ibibigay mo lang sa kanila. Wala akong balak na sumama sa 'yo sa kung saan man at wala rin akong balak na magpatikim sa 'yo. I think I already said it to you earlier that I am not a part of the products of this bar. I won't tolerate your attitude. Kaya huwag mo akong babastusin o kahit na sinong mga waitress dito. Pero kung payag naman sila na magpabastos sa 'yo, why not? Desisyon nila 'yon. Pero ibahin ninyo ako sa kanila."
I was speechless. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya dahil sa pangbabara niya sa akin na hindi ko inaasahan. Napahiya pa ako sa harap ng mga tropa ko, tang ina. Pera yata ang gusto ng babae na ito, eh. Tumayo naman ako at hinarap siya.
"Magkano ba ang gusto mo? Kaya kitang bigyan na kahit na anong halaga."
"I have money too."
"Kaya ko pang doblehin ang pera na mayroon ka."
"I can double the money that you have too."
Napapanganga na lang ako dahil sa mga isinasagot niya sa akin. "I-Ikaw ba ang may-ari ng bar na ito? Kaya ko pang bilhin ang bar na ito. O baka naman hanggang salita lang ang pagyayabang mo sa akin? I knew it."
"You don't need to know what I am here in this bar."
Aalis na sana siya matapos niyang sabihin sa akin 'yon, pero agad ko siyang pinigilan. Hinawakan ko ang kaniyang braso. Malamig niya lang ako na tiningnan. Magsasalita pa sana ako pero hinawakan naman ni Kyle ang braso ko, malamang ay para pigilan na ako.
"Hayaan mo na ang waitress na 'yan, Raiden. She is not worth of your time and our time. Naiistorbo lang ang kasiyahan natin. She's not even that pretty. Maraming mga babae ang magkakandarapa sa 'yo at mag-aagawan pa sa 'yo." sambit niya sa akin.
Inalis ng waitress ang pagkakahawak ko sa kamay niya at tuluyan na siya na umalis sa kwarto namin. Hindi pa rin ako makapaniwaa sa mga isinagot niya sa akin kanina. Kaya naman ay napaupo na lang ako bigla. "Ha! Akala ba niya ay titigilan ko siya? Hell, no! Kilala niyo ako. Ngayon lang ako na-challenge ng ganito. Hindi ako papayag na hindi ko makukuha ang kung anong gusto ko."
"What's wrong with you, Raiden? Marami namang mga babae d'yan na mabilis mo lang matitikman at makukuha. 'Wag mo nang sayangin pa ang oras mo sa babae na 'yon. Ayaw niya, eh. Pabebe siya. Kaysa naman i-harass mo pa, e 'di mo naman gawain ang gano'n," medyo pangaral naman sa akin ni Gian.
"I won't do that. Hindi ako namimilit kapag ayaw sa akin. But I will make sure na siya ang magkukusa na gustuhin ang katulad ko. Hindi niya kasi ako kilala. Hindi niya alam kung anong klaseng lalaki ako."
I will make sure na ipapakilala ko sa kaniya kung sino ang ni-reject niya!
Nagpatuloy na lang kami sa kasiyahan namin. Lumipas ang oras at nauna ko nang pinauwi ang dalawa kong tropa. Ako naman ay nagpunta sa counter at saka tinanong kung ano ang pangalan ng waitress na nakausaap namin kanina. Hindi ko na siya naabutan dahil tapos na raw ang shift niya ngayong gabi. Mabuti na lang at alam ng lalaki na nasa counter kung sino ang waitress na inaalam ko na pangalan.
"Her name is Anasha Ferrer, Sir. May I ask why you are asking for her name?" tanong pa sa akin ng lalaki.
"I like her."
'Yon na lang ang isinagot ko sa kaniya at agad na akong umalis sa bar na 'yon. Sumakay na ako sa sasakyan ko at saka kinuha ang cell phone ko. Anasha Ferrer, huh? Madali lang naman na malaman ang mga impormasyon na tungkol sa kaniya.
I searcher her name on the social media to find her accounts. Pero walang lumabas na kahit na anong account. Napakunot tuloy ang noo ko. Taga-bundok ba ang babae na ito at wala siyang social media account na kahit na isa? O baka naman mali lang ang pangalan na ibinigay ng lalaki na nasa counter? Ugh! O may posibilidad din na baka naka-private ang account ng waitress na 'yon. Kung tama man ang naisip ko na 'yon, ang misteryosa naman niya kung gano'n.
Tinawagan ko na lang ang sekretarya ko at siya na ang inutusan ko para kumuha ng mga impormasyon na tungkol sa babae na 'yon. Hindi ako papayag na hindi ko siya makikilala.
Anasha Ferrer... I will make sure to get you. I will taste you! Hindi ako papayag na hindi ko makukuha ang gusto ko. Lalo na at ito ang unang beses na ni-reject ako ng isang babae!