“Galit na galit ba sa ‘yo ang tatay mo?” natatawang tanong sa akin ni gagong si Larissa. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
“Tang ina mo. Manahimik ka na nga d’yan. Lalo lang akong naba-badtrip dahil sa ‘yo. Bakit ka ba napadpad dito sa hotel ko?” inis naman na sagot ko sa kaniya. Mas tinawanan naman niya ako.
Narito kasi siya ngayon sa Equinox Hotel ko. Si Larissa ay ang childhood best friend ko. Noon nga ay inaakala na ng mga kaklase namin na kami na raw ang magkakatuluyan kapag tumanda na kami. Pero hinding-hindi naman ‘yon mangyayari. Mas lalaki pa nga pumorma sa akin ang isang ‘to. Tsaka magkaibigan lang talaga kami mula pa noon. Hindi rin siya ang tipo ko. Pero masaya ako kapag kasama ko siya. Dahil naikekwento ko ang lahat-lahat sa kaniya. Masaya rin siya na kasama at ‘di siya maarte. Pakiramdam ko nga ay mas malakas pa siyang uminom ng alak kaysa sa akin.
Pero may mga kaibigan ako na mga lalaki, syempre. Sila ang mga nakakasama ko sa wild bars at hindi itong si Larissa. Kahit papaano ay babae siya kahit na boyish siya na kumilos at umakto.
“Nang mabalitaan ko ang tungkol sa kumalat na scandal mo na ‘yon ay agad akong dumeretso rito. Iniwan ko ang paintings ko para sa ‘yo, ‘no. You should be grateful dahil nagawa pa kitang bisitahin dito sa hotel mo.”
Sinamaan ko lang siya ng tingin. “Mas masaya pa ako kung wala ka rito. Umalis ka na nga. Wala akong available na kwarto para sa ‘yo. Tsaka wala nang libre sa panahon ngayon. Kung magche-check in ka rito, siguraduhin mo lang na magbabayad ka.”
“Huwag ka ngang kuripot. Dalawang dekada na tayo na magkasama. Hindi ko nga alam kung bakit nakilala pa kita. Pero masaya ka naman na bwisitin. Sa susunod kasi ay ‘wag kang magpapahuli na nakikipag-make out sa public places! Nang sa gano’n ay ‘di ka navi-video—”
“Shut up, Larissa! Damn you!”
Tawang-tawa pa rin siya kahit na binato ko na siya ng unan ng sofa dito sa opisina ko. Malakas talaga mang-asar ang isang ‘to. Kung sabagay ay malakas din naman akong mang-asar sa kaniya.
Alam naman niya kung anong klase ng lalaki ako. Kaya alam ko rin na hindi mangyayari na magugustuhan niya ako. ‘Di rin naman siya gano’n kainosenteng babae. Wala pa man siyang nagiging boyfriend o kung ano man ang trip niyang gender ng magiging kasintahan niya, pero may alam naman siya tungkol sa mga sèx stuffs. Hindi na rin naman kami bata. Pero hindi naman ako ‘yong tipo ng lalaki na ikekwento sa kaniya ang mga experiences ko. Alam niya lang kung ano ang mga ginagawa ko sa mga babae na nakakalandian ko.
“Anyways, ano na ang balak mo ngayon? Galit na si Tito sa ‘yo, kaya malamang ay kailangan mong gumawa ng paraan para makabawi ka sa kaniya. Ikinumpara ka pa pala niya kay Kuya Radley.”
“I don’t know and I don’t care. E ‘di kunin niya na sa akin ang Equinox Hotel. Nang sa gano’n ay wala na akong responsibilidad pa. Mas makakapagsaya na ako sa buhay ko.”
Tito na ang tawag niya kay Dad, dahil matagal na rin naman siyang kilala ng mga kapatid at magulang ko. Mula rin naman sa mayaman na pamilya si Larissa. Hindi lang halata dahil sa klase ng pananamit niya.
“Raiden, you know that you can’t do that. Right? Alam mo naman na sa oras na bawiin na sa ‘yo ni Tito ang Equniox Hotel ay mawawalan ka na rin ng pera. Paano mo pa maitutuloy ang kasiyahan na sinasabi mo, kung wala ka nang pera?”
“Tsk. Money can’t buy happiness, you know?”
Nakita ko naman na inirapan niya ako. “Stop being sarcastic. Sige nga. Pumunta ka sa isang bar ngayon at magsaya ka roon nang hindi gumagastos ng kahit na piso. I dare you.”
Hinamon pa talaga niya ako. Tsk! Malamang wala namang libre ngayon na alak. Kaya kailangan na bayaran. Kung sabagay… Pati nga ang mga babae na nakakalandian ko minsan ay kailangan ko pang bayaran para lang matira ko sila. E kasiyahan ko ‘yon… May punto nga ‘tong si Larissa.
“Fine, fine. You won. Oo na. Gagawa na ako ng paraan para maging good shot ulit kay Dad. Happy now?” sagot ko na lang sa kaniya.
Mataas lang pride ko. Pero kailangan ko pa rin naman talagang gawin at sundin kung ano ang gustong mangyari ng ama ko. Ayoko naman na maging katatawanan ako para sa ibang mga tao na nakakakilala sa akin at sa pamilya ko.
Nagpaalam na si Larissa na aalis na siya dahil may mga kailangan pa siyang gawin. Talagang binisita niya lang ako saglit. Ako naman ay wala na rin namang gagawin muna at gusto ko rin muna na magliwaliw, kaya naman ay niyaya ko ang mga kaibigan ko na magpunta sa bar.
“Saang bar tayo iinom? Baka naman mahuli ka pa ng Daddy mo. Bago pa lang ang bar scandal mo, ah?” sambit sa akin ng tropa ko. Tinawagan ko sila ngayon para yayain.
“May alam akong bar na tago lang pero masaya doon. Marami rin mga chix. Kaya tara na. Hindi tayo makikita ni Dad doon.”
“Oohh! I like that. Tara. I-send mo na lang ang location sa amin at doon na tayo magkita-kita.”
Pinatay ko na ang tawag at agad nang nagmaneho papunta sa bar na ‘yon. Doon ako madalas na umiinom kapag hindi maganda ang araw ko o ‘di kaya ay gusto ko lang mapag-isa. Chill bar lang siya at hindi masiyadong matao. Tapos hindi rin siya agad na mahahanap ng mga tao. Depende na lang kung talagang magsi-search sila tungkol sa mga tagong lugar na bar dito.
Nauna na ako na nakarating doon. Hihintayin ko na lang ang mga kaibigan ko na dumating. Pumasok na ako sa loob at naghanap ng pwesto. Ang maganda pa sa bar na ‘to ay bawat kwarto ang inuman. Pero ang kwarto naman ay salamin ang buong paligid na nakaharang. Kaya nakikita pa rin ng lahat ng mga tao roon ang nasa loob ng bawat kwarto. Lamesa, mga upuan, at videoke lang din naman ang nasa loob ng kwarto. Pero malawak ‘yon at pwedeng magsayawan pa.
Wala pa masiyadong tao nang makarating ako. Ang tugtog dito ay sakto lang, hindi rock. Pero nakaka-relax. May nag-asikaso na agad sa akin at nauna na muna ako na um-order ng mga alak at pulutan namin. Habang naghihintay na ma-serve sa akin ang mga ‘yon ay may pumasok na babae sa loob. Agad akong napatingin sa kaniya. Kapag kasi narito ako sa bar na ‘to ay iba-ibang mga babae ang nagagalaw ko rito. Mga waitress. Kaya ang iba nga ay kilala ko na. Pero nagulat pa ako ng bahagya nang makita na hindi pamilyar sa akin ang babae na pumasok dito ngayon.
Pero aaminin ko na sobrang nagandahan ako sa kaniya. Pati sa hubog ng katawan niya ngayon ay naaakit ako. Ang buhok niya ay bagay na bagay sa kaniya. Wala rin siyang makeup sa mukha niya, natural na ganda lang ang mayroon. Waitress ba siya rito? Bakit ngayon ko lang siya nakita?
“Good evening, Sir. I would like to inform you that your order, Blue Saraceni Wine is not available this time. Would you mind if you change your order?”
Pati ang boses niya ay sobrang ganda! Hindi pabebe. Medyo may kalaliman ang boses niya. Pero hindi siya ngumingiti sa akin ngayon. Seryoso lang ang boses niya. Ang mga waitress na nakakausap ko rito ay nakangiti na agad at nagpapa-cute pa sa akin. Pero kakaiba ang babae na ‘to.
“Would you mind if I take you as my order?” banat ko agad sa kaniya.
Pero mas nagulat ako sa isinagot niya sa akin. “I am not a product from this bar. So, watch what you will say.”