ASHFORD 14: THE REAL POSITION

1713 Words

[ANASHA FERRER’S P.O.V.] I knew it… Kamanyakan na naman ang naiisip ng lalaki na ‘to kaya gano’n na naman ang banat niya sa akin kanina. Bakit pa ba ako nag-expect na nawawala na ang kamanyakan niya? Oo, ang lamig ng trato niya sa akin nitong mga nakaraan pa na araw. Hindi rin naman ako isang manhid para ‘di ko ‘yon maramdaman. Hindi rin ako tanga na ‘di ‘yon mapansin. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit biglang lumamig ang trato at pakikitungo niya sa akin. Ang naisip ko pa nga ay baka dahil lang seryoso siya at gano’n ang ugali niya kapag nagtatrabaho. Professional siya kapag dating sa trabaho. Pero ngayon ko lang napagtanto na baka ‘di niya nagustuhan ang sinabi kong naikumpara ko siya sa kaniyang nakatatandang kapatid. "Tsk. Bakit hindi ka na lang humanap ng ibang babae

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD