“Have we met before, Miss?” tanong ni Radley kay Anasha nang matapos na ang presentasyon ko. Medyo malayo ako sa kanila dahil nakikipag-usap pa ako ngayon sa ibang mga board members. Isa-isa ko silang pinapasalamatan sa pagsuporta nila sa unang proyekto ko. Pero kahit na nakikipag-usap ako sa kanila ay nakatuon pa rin ng bahagya ang atensyon ko kay Anasha. Ayoko na mawala siya sa paningin ko. Marami pa naman ang mga malalanding board members, lalo na at ang iba pa rito ay halos mga kasunod ko lang ng edad at ‘di pa naman gano’n katanda. Tila ba binabantayan ko ang bawat kilos ni Anasha. Pero hindi ko inaasahan na lalapitan siya ng kapatid ko at tatanungin ng gano’n. “I don’t think so, Sir,” sagot lang ni Anasha sa kaniya. Patuloy pa rin ang pakikipag-usap ko sa mga matatatanda. Pero ‘d

