“I will now present to you the Equinox Hotel’s new project,” panimula ko sa conference meeting namin ngayon. Nakatayo ako sa harapan ng mga board members at ng mga chairperson dito sa loob ng conference room. Miski si Radley ay narito ngayon upang panoorin ang ipiprisinta ko. Hindi na ako nagulat na narito si Radley. Alam ko naman na si Dad ang nag-utos sa kaniya na pumunta rito upang manood. Para siguro kapag palpak ako sa proyekto na ‘to ay agad na niyang iaanunsyo na ibibigay na niya kay Radley ang Equinox Hotel. ‘Di rin naman ako papayag na mangyari ‘yon. Kaya naman ay grabe ang paghahanda ko para sa araw na ‘to. Narito rin si Mom para manood sa akin. Sinusuportahan niya ako. Tiningnan ko naman si Anasha na nasa gilid ko. Siya ang namigay ng mga kopya ng proyekto ko sa lahat ng mga

