ASHFORD 9: BUSINESS PARTNERS

1310 Words

"So... ano na ang gagawin ko na trabaho ngayon dito?" tanong naman ni Anasha sa akin nang dalhin ko na siya rito sa Equinox Hotel. Narito kami ngayon sa opisina ko. Dalawa lang kami na narito ngayon sa loob dahil wala pa naman ang sekretarya ko. Nakatayo lang siya sa harapan ko, habang ako naman ay prenteng nakaupo na. "I... don't know," sagot ko. Hindi ko rin naman alam kung ano bang trabaho ang dapat na ibigay ko sa kaniya. Dahil sa totoo lang ay biglaan ko lang din naman na nasabi kagabi ang alok ko sa kaniya na magtrabaho rito sa hotel ko. Wala ako masiyadong ideya kung ano ba ang kakayahan ng babae na ito. Baka nga wala pa itong maitulong sa akin dito sa kumpaniya ko. "Huh? Inalok mo lang ba ako ng trabaho dahil trip mo?" ramdam ko na ang inis niya nang tanungin niya ako ng ganoon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD