Bumalik ako sa opisina at naabutan ko si Dad na may kausap sa kaniyang phone. Si Anasha naman ay tinuro ko sa kaniya kung nasaan ang kwarto ko rito sa hotel at binigay ko rin sa kaniya ang key card ko. Hindi ko alam kung mahirap ba siya o ano. Hindi naman sa pangja-judge. Pero kahit na may mawala roon sa kwarto ko o may ninakaw siya ay ayos lang sa akin. Dahil kaya ko naman na bumili ulit ng ganoong gamit. May mga ganoon kasi na babae na magkukunwari na hard-to-get. ‘Yon pala ay magaling lang na mangloko. Pagbibigyan ko siya dahil maganda at sexy naman siya. Sana masarap din siya mamayang gabi. Nagpadala ko rin ako ng isang guard na magbabantay sa labas ng kwarto ko. Hindi ko siya pinapwesto sa mismong labas. Sinabihan ko siya na dapat ay nakikita niya kung lalabas ba si Anasha sa kwarto

