Maureen's point of view Narito kami ngayon sa airport dahil ihahatid ko si Jack paalis ng bansa. "I'm leaving, take care of yourself. Don't forget to call me if anything happens," paalala nito. "Oo naman," nakangiting sabi ko. "Ikamusta mo ako kina Iya at Paula huh. Pakisabi na sobrang miss ko na sila." Tinignan niya ako nang mariin. Alam ko naman na nag-aalala siya lalo na at alam niya ang plano ko. Ilang beses niya akong sinabihan na bumalik na lang ng Canada at siya na raw ang bahala sa passport ni Zyreen pero tumanggi ako. Hindi ako aalis hangga't hindi ko naigaganti ang kambal ko. "I'm worried about you," mahinang sabi nito. "Ano ka ba! Kaya ko na, parang hindi mo naman ako kilala. Hindi ko hahayaan na saktan niya ako," sabi ko sa kanya. "I trust you. Protect your heart," maka

