bc

Billionaire's Mistress

book_age16+
5.7K
FOLLOW
32.3K
READ
billionaire
revenge
second chance
tragedy
twisted
city
cheating
enimies to lovers
virgin
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Iiwan ang masaya at magandang trabaho para matupad ang isang PANGAKO.

Makikipaglaro sa laro na puso ang nakataya.

Papasok sa malaking pagkakamali para sa pamangkin na iniwan ng yumaong kambal.

Siya si Maureen Bernabe ang babaeng pumayag maging kabit ng isang mayamang lalaki.

Magsisisi ba siya sa pinasok?

Magkakaroon ng happy ending?

o

Masasaktan at iiyak sa huli?

Pasukin ang mundo ni MAUREEN BERNABE

the "BILLIONAIRE's MISTRESS" !

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Busy ako kanina sa pagtingin ng mga damit na iuuwi ko sa Pilipinas para sa magulang at kambal ko kaya lang hinila ako ng kaibigan s***h boss ko. Ngumisi sa akin si Jack at sinabing, "What? Don't worry, I'll accompany you after the meeting." "May magagawa pa ba ako? Boss kita kailangang sundin, haitz kung hindi lang kita boss!" inis na sabi ko, "pero boss naman day-off ko. Next time sa working days ka manghila, ah! Mahiya ka sa isang araw na day off ko na nakukuha mong sirain." Tumawa ito sa sinabi ko. Siya si Jack Serrano ang boss ko rito sa Canada. Secretary niya ako mula ng mag-umpisa ito sa company ng tito niya na may-ari ng company na pinagttrabahuan ko, ang Smith Clothing Line Incorporation(SCLInc.) Si Jack ay isang Fil-Am, hindi rin matapobre at sumasabay sa trip ng mga empleyado niya gaya ko. Kaya siguro naging magkaibigan kami. Boss at empleyado sa loob ng kompanya pero pag wala sa trabaho Jack lang tawag ko dyan. "Pssst Jack, matagal pa ba yung ka-meeting mo?" tanong ko sa kanya. Narito kami sa loob ng isang Restau sa Canada. Dito ang meeting place sabi ni Jack. Hindi niya ako sinagot at busy sa phone niya. Kaloka, sinama lang ata ako nito para hindi siya magmukhang loner. May lalaking huminto sa harap namin. Tumayo si Jack kaya tumayo na din ako. "Calvin it's nice to see you again," bati ni Jack sa lalaking tinawag niyang Calvin. Hmm, ma itsura rin. Tisoy. "Yeah, it's been a while, " sabi niya, sabay tingin sa akin, "who is this beautiful young lady next to you?" Nilahad ko ang kamay ko at ngumiti, " Good morning, Sir. I am Mr. Jack's secretary, Maureen Bernabe." Tinignan niya ako nito mula ulo hanggang paa kaya napatayo ako ng maayos at hinila ang dress ko pababa. Naaasiwa ako kung paano niya ako tignan. Mukhang nakahalata naman si Jack sa panaka-nakang pagtingin ni Mr. Calvin sa akin. "Let's start?" sabi ni Jack kay sir Calvin. Agad naman itong pumayag at umupo. Pero agad din niyang binalik ang tingin sa akin. "You are pretty to be a secretary. Model suits you more. You have the face of an angel and the body of a model!" ngumiti lang ako sa pagpuri nito. "Looks like you are stunned by my secretary, Mr. Calvin." naiiling na pahayag ni Jack. "I am, " ngumiti ito sa akin at binalik kay Jack ang tingin, "does the qualification of being a secretary of your company include being beautiful and sexy?" "Not at all," sagot ni Jack, bago niya ako hinarap at bumulong, "mas makakabuti kung duon mo na lang ako hintayin sa kabilang table. Hindi maalis ang tingin niya sa 'yo." Agad naman akong sumang ayon at nagpaalam ng maayos sa dalawa. Lumipat ako sa pwesto na malapit sa kanila. Habang kumakain napatingin ako sa lalaking kakapasok ng restau. Matangkad, magulo ang buhok, naka sunglass, nakasuot ng polo na bukas ang tatlong butones. Ang gwapo niya, ang tangos ng ilong at ang labi parang...masarap halikan. Shit, kailan pa ako natutong mag describe ng lalaking unang beses ko pa lang makita. Kailan pa ako nag nasa? Inikot ng lalaki ang tingin sa buong restau. Mukhang pag kakatagpuin. Napako ang tingin niya sa likod ko. Binaba ko ang tingin ko nung makitang sa gilid ko ito dadaan. Pati ang paglalakad may dating. "A married man," naiiling kong bulong nang makita ko ang singsing sa daliri nito. May asawa na pala. Hindi halata, mukha kasi itong seryoso at gugustuhing maglaro ng babae kaysa magpakasal. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagkain na nasa harap ko habang hinihintay si Jack. Naiiling pa rin ako sa sarili ko. Kung paano ako magnasa kanina sa lalaking may asawa na pala. You can't blame me though, that guy is sizzling hot. "Hey, earth to miss Maureen Bernabe. My beautiful secretary," natatawang sabi ni Jack, na nasa harap ko na. "Ang tagal mo naman," sabi ko. "kala ko hindi ka na matatapos duon." "Haha, napaka mainipin mo naman." Tumayo ako para makaalis na kami. Agad naman itong umakbay sa 'kin ng makalapit ako sa kanya. Siniko ko ang tiyan niya. "Bigat ng kamay mo ipapabuhat pa sa akin," irap ko rito. "Boss mo pa rin ako," natatawang sabi niya. 'Yan ang lagi niyang sinasabi, hindi naman ako takot. "Day off ko at wala tayo sa office kaya isang simpleng mamamayan ka lang sa paningin ko," anas ko at nauna na. "Haha, ang highblood mo naman. Libre kita, hintayin mo ako saglit." sabi nito at nagmadaling umalis. Sanay na sanay na 'yan sa akin. Pag nasa office naman kami alam ko kung saan ako lulugar. Pag day-off ko lang talaga ako ganito sa kanya. ... "Hon, I'm not ye-" "That's bullshit, Nathalie. We've been married for two years, and now you are telling me that you are not yet ready to have a child!?" Galit na sabi ni Yzekiel sa kanyang asawa. Pumunta si Yzekiel sa Canada para sunduin ang asawa at ibalik sa Pilipinas. "Hon intindihin mo naman ako. Kaka-23 ko lang last month. Hindi pa ako handang magka-anak," nakiki-usap na sabi ni Nathalie kay Yzekiel. "I didn't force you to marry me, Nathalie. As my wife, it is your duty to bear my child!" Tumayo si Yzekiel at hinarap ang asawa. "Hon, please. You know how much I love you. I still want to fulfill my dream of becoming a famous model, that won't happen when you get me pregnant," pilit na paliwanag ni Nathalie kay Ezekiel. "You should have thought of that before you agreed to marry me and take my last name, " nagtitimping sabi ni Yzekiel sa asawa. "You said you love me! if you really love me you should support me in my chosen career," mahinang sabi ni Nathalie, "sabi mo dati susuportahan mo ako sa lahat ng gusto ko. Bakit ngayon hindi mo ako magawang suportahan sa gusto ko?" Nakatingin lang si Yzekiel kay Nathalie. Ilang minuto ang lumipas bago ito nagsalita. "I'll give you a month to think. Think carefully, Nathalie. I love you but I won't wait long for you to be ready to bear my child," seryosong sabi ni Yzekiel sa asawa. Umiiyak na iniwan ni Yzekiel si Nathalie. Natigil sa pagpasok si Yzekiel sa kotse niya ng mamataan ang isang babae na nakasandal sa isang kotse. "A beautiful morena," bulong ni Yzekiel na patuloy pa rin ang panunuri sa katawan ni Maureen. I wanna take a shower with her and do some stuff. - ani ni Yzekiel sa isip niya habang nakatingin sa dalaga. Nakita niya na may lumapit na lalaki dito at pinagbuksan papasok sa kotse. "Nice ass," sabi ni Yzekiel, kagat labi ito na nakatingin sa likod ng dalaga, "lucky bastard for having such a tease."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

His Obsession

read
72.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook