Chapter 2

1313 Words
Napaka init naman talaga rito sa Pilipinas. Nakakamiss ang lugar kahit ganito. "Manong para po sa tabi," sabi ko sa driver ng tricycle. Pagbaba ko pa lang sa tricycle ay tuluyan na akong napangiti ng makita ko ang gate ng bahay namin. - It's nice to be back. Nakangiti akong nakatingin sa bahay namin. At hindi agad pumasok, hinayaan ko muna ang sarili kong pagmasdan ito. Hindi ito kalakihan pero napakaganda naman hindi tulad ng dati na kahoy kahoy lang. Masaya ako at may nangyayari sa paglayo ko, maayos ang lagay ng pamilya ko. "MAU MAU IKAW NA BA YAN?" sigaw ng kapitbahay namin, agad siyang lumapit sa akin, " Grabe hiyang sayo ang pangingibang bansa. Kuminis ka at mas lalo kang gumanda. Ang tagal mong nawala, Mau. Kamusta ang Canada? siguro dami mo ng ipon no? Dolyares ba naman ang sinasahod mo. Grabe ang tagal mo ring nawala. Butis nakatagal ka sa ibang bansa." Nakangiti lang ako. Hindi ko na kasi maintindihan ang ilang sinasabi ni aling Tisang sa bilis niyang magsalita. "Salamat po. Oo nga po aling tisang. Anim na taon din akong nawala. Haha kaka miss ang Pinas. Kamusta po?" Sagot ko sa unang tanong niya. 'Di ko na sinagot ang huling tanong niya. Di ko naman kasi masasabing ang dami kong ipon. Sakto lang naman, pinadpadala ko kasi ang sahod ko. "Okay naman. Nakapag patayo na ng maliit na carinderia. Ang dami nang hindi mo alam na nangyari sa tagal mong nawala," chismosa alert na naman. "Haha alam ko na 'yan aling tisang tsaka na tayo magkwentuhan at mukhang mahaba haba ang kwento niyo sakin. Mauna na ako sa loob namiss ko sina kambal at ang magulang ko," sabi ko sabay kumuha ng isang box ng chocolate at binigay sa kanya. Narinig ko pa siyang nagpasalamat. Kumaway naman ako at pumasok sa gate namin. Bukas naman ito kaya dumeretcho ako sa pinto ng bahay. Bakit kaya ang tahimik. ~knock knock~ "ATE, MAMA, PAPA!!! TAO PO!" Sigaw ko. Wala akong narinig na sagot kaya nilakasan ko ang pag katok, "TAO PO. HELLO, TAO PO!" "Hanla sino ba yan eh ka aga aga naman mangapit bahay," napangiti ako ng marinig ko ang boses ni mama. Namiss ko siya. Pagbukas ng pinto ay hinanda ko na ang ngiti ko, "Mama ko. Namiss po kita," sabi ko at agad ko siyang niyakap nakita ko pa ang gulat sa mukha niya. "Maureen----" hinawakan nya ang mukha ko at hinarap sa kanya, " Maureen, anak ko ikaw nga. Hanla namiss kita ang tagal mong hindi umuwi. Pasok ka bilis, bakit di ka nagpasabi na uuwi ka? ZAUREEN, HALIKA RITO. NANDITO NA ANG KAMBAL MO. ZAUREEN!!! BUMALIK NA ANG KAMBAL MO!!" Natawa ako ng hindi magkandaugaga si mama sa paghawak sakin. Haha 'di niya alam kong hihilain niya ako sa kusina o papaupuin. Natawa na lang ako sa kinikilos niya. Namiss ko siya namiss ko silang makasama. Ang hirap kaya manirahan sa ibang bansa na wala ang pamilya mo. Wala kang makakasama pag pagod ka na. Nakita ko si ate Zaureen na nagmamadaling bumaba sa hagdan. "Kamballll kyahhhh namiss kita," niyakap ko siya pabalik paglapit niya sakin. Ate ang tawag ko sa kanya dahil nauna siyang nilabas sa akin ng labing limang segundo. "Na miss kita ate. Di mo ko gustong kausapin sa phone. Si mama at papa lang ang kumakausap sa akin. May nagawa ba ako?" Tanong ko at kusa ng tumulo ang luha ko. Bago ako umalis ay okay naman kami. Pero pagkatapos ng isang taon ay naging madalang kong kausapin nya ako. Hindi din siya sa sumasagot sa messages ko. Hanggang sa tuluyan niya na akong binaliwala. Gusto kong umuwi pero nakapirma ako ng kontrata. Hindi din ako pinayagan ng boss ko na umuwi kaya nagkasya na lang ako sa mga kwento ni mama. Ilang beses kung pinilit na kausapin siya. Pero lago siyang umaayaw. "Sorry. Patawarin mo si ate. Nahihiya lang ako sayo. Wala akong mukhang maipapakita," umiiyak na din na sabi niya. Pinaupo ko siya dahil 'di magtigil ang luha niya. Tumingin ako kay mama at umiiyak na din. "Ate, okay na. Wag ka ng umiyak," pagpapatahan ko sa kanya, " Ma, anong problema?" Tanong ko kay mama. Walang nagsalita sa kanila at patuloy na umiiyak. Niyakap ko si ate dahil patuloy ang paghingi niya ng sorry. Hindi ko alam kung sa pambabaliwala niya sa akin o mas may malalim pa ruon. "Hindii ako galit, Ate. Okay na. Tahan ka na, nagtampo lang kasi ayaw mo akong kausapin. Pero 'di ako galit," sabi ko dito para tumigil siyang umiyak. "Mommy bakit ka po umiiyak?" Napatingin ako sa batang kakababa lang ng hagdan. "MAAAA, HUWAG MONG SABIHING KAPATID KO YAN. NAGKA ANAK PA KAYO NI PAPA. MAMA NAMAN ANG TANDA NIYO NA NI PAPA NAKUHA NYO PANG---- ARAY KO PO!" natigil ako ng tumayo si mama at batukan ako ng malakas. "Loko kang bata ka, anong tingin mo sa akin baliw? Pamangkin mo 'yan. Anak ng kambal mo," sabi ni mama. Natigilan naman ako at napatingin ng pabalik balik sa bata at kay Ate na tumigil na sa pag-iyak at malungkot na nakatingin sa 'kin. "P-paano? Kailan pa? B-bakit 'di ko alam? Bakit walang nagsabi sa akin? Mama, bakit hindi niyo sinabi sa akin?" Sunod sunod na tanong ko sa kanila. Lumapit ang bata kay Ate, " Mommy bakit ka po umiiyak?" "Napuwing lang si Mommy, Anak. Batiin mo muna si tita Maureen mo. Kambal ko siya. " sabi nito sa bata. Lumapit sakin ang bata ang hinawakan ang kamay ko," Ang ganda ganda niyo naman po, Tita. Kamukhang kamukha mo po si mommy. Ako po pala si Zyreen Bernabe po," pakilala nito sakin. Tinignan ko si Ate. " Paliwanag ka," sabi ko at hinarap ang pamangkin ko. Lumuhod pa ako para magpantay kami. "Ilang tao ka na Zyreen?" "Four po," sagot niya. "Ah ang ganda mo naman. Kumakain ka ba ng chocolates? Dami kong pasalubong na dala," sabi ko dito na nakangiti. Madami talaga akong chocolates na dala dahil mahilig ako at ni Ate Zaureen sa matamis. "Opo, Tita. Mahilig po ako sa chocolates lagi kasi akong binibilhan ni Mamita. Thank you po," sabi nito. Kinurot ko pa ang pisngi nito bago hinarap si mama. "Mama-" agad naman naintindihan ni mama ang gusto kong mangyari. Agad tumayo si mama at hinila na si Zyreen dala ang bagahe ko. Ilang minutong walang nagsalita samin ni Ate. 'Di ko din alam kong saan ko gustong simulan ang pagtatanong. Ilang taon akong nawala at hindi ko alam na may pamangkin na pala ako. Wala akong alam sa nangyari. Ang alam ko lang maayos sila. "Anong nangyari, Ate? Intern ka sa isang malaking kumpanya bago ako umalis. Bakit---anong..." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng nag umpisa siyang umiyak. "Ate hindi ako galit. Nagtataka lang ako," mahinang sabi ko. Si Ate yung magaling at matalino. Ako naman ambisyosa lang hindi katalinuhan kaya sumama ako sa kaibigan ko nung pumunta siya sa Canada. Duon ako nagtrabaho ng kung ano-ano hanggang sa mapadpad ako sa SCLIncorp. "Minahal ko ang anak ng boss ko. Kasalanan ko," umiiyak na sabi niya. Hindi ako nagsalita at hinintay ang sasabihin niya pa. "Hindi ko sinasadya. Nagmahal lang ako. Mahal na mahal ko siya kahit alam kong may girlfriend na siya. Kahit alam kong mas matanda siya sa 'kin, mahal ko siya." natigil siya sa pag iyak at mapait na ngumiti bago tumingin sakin. " Ate anong n-" "Sinabihan niya ako na 'di niya ako mahal at kailan man 'di nya ako magugustuhan. Sinabihan niya ako na tigilan ko siya kasi mahal na mahal niya ang girlfriend niya. Naging desperada ako. Kambal, kasalanan ko. Sa kagustuhan kong mahalin niya ako. Gumawa ako ng paraan para makasama siya, 'yun ang gabing may nangyari sa amin, gabing ginusto ko...hindi ko pinagsisihan kahiy sa huli ako 'yung talo...sa huli nasaktan ko si Mama at Papa."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD