Maureen's point of view Nandito kami sa rooftop ng hospital. Ilang minuto na siyang tahimik habang ako naman ay hinihintay siyang magsalita. Alam ko naman na masakit para kay Yzekiel ang sinabi ni Zyreen. Napatayo ako nang tuwid dahil hinarap niya ako. "Sampong milyon para layuan mo ang anak ko. Bayad sa pagpapalaki niyo sakanya, wag na wag ka ng magpapakita sa kanya. Sabihin mo sa harap niya na ayaw mo na sa kanya kaya ka aalis," seryosong sabi niya. "Anong-" "Saktan mo ang damdamin ni Zyreen para magalit siya sayo at sumama siya sa akin. I want you out of our life, Maureen. Hindi kita papahirapan at ipapakulong tulad ng gusto ko dahil ayokong saktan ang anak ko. Ikaw na lang ang lumayo," deretchang sabi nito. Umiling-iling ako habang nakatingin sa kanya. "Hindi ko iiwan ang anak

