Maureen's point of view Nakakainis talaga ang kwagong maniac na 'yun. Kumain lang ako sandali tapos nakuha ng umalis ng hindi ako kasama. Haller, sexytary niya kaya ako. Dapat kasama niya ako sa meeting niya ngayon. Wala akong ginawa kundi maglaro sa computer dahil wala naman akong kailangan gawin, natapos ko na ang pinapagawa ng kwago kong boss kaninang umaga. Napatayo ako ng bumukas ang elevator, akala ko si Yzekiel pero isang gwapong at matangkad na lalaki ang pumasok. "Good Afternoon, Sir. I am Maureen Bernabe the CEO's secretary, how may I help you?" Bati ko sa lalaki paglapit niya sa harap ng mesa ko. Mukha siyang playboy base sa pormahan at sa kung paano niya ako tignan. Nakita ko rin ang pagbaba ng tingin nito sa katawan ko. "A sexytary," nakangising sabi nito bago binalik ang

