Maureen's point of view "Tita mommy dito na po tayo titira?" tanong ni Zyreen. Tumango na lang ako at inalalayan siyang pumasok sa bago naming titirahan. Isang linggo na ang nakalipas ng mailibing sina Mama, Papa at Ate. Napagdesisyunan 'din namin ni auntie na iwanan ang lugar dahil kailangan namin matanggap ang nangyari. At hindi yun mangyayari pag mananatili kami dun sa bahay na puno ng ala ala nila. Sa una hindi ako pumayag na iwan ang bahay, pero ayaw ring matigil ng luha ko pag napapatingin ako saan mang sulok ng bahay. Sa isang buwan ko silang nakasama ang dami na ding ala ala na kasama ko sila duon. Hindi ko alam kong kailan ko masasabing okay na ako. Peero alam ko na kailangan kong tatagan ang sarili ko dahil nakasalalay sa akin ang pamangkin ko. Mula ngayon alam ko na siya na

