Maureen's pov Papunta na kami ngayon sa YZ hall kung saan gaganapin ang party. Parehas kami ni Zyreen na naka-white dress dahil gusto nito na parehas kami ng kulay na suot. Si Nathalie naman ay nakasuot ng sexy red dress hindi ko alam kung nanadya siya dahil alam naman nitong birthday ng bata ang pupuntahan pero kulang na lang makita pati kaluluwa nito. Samantalang 'yung unang dress na napili ko na labas ang cleavage binawalan ni Yzekiel. Nag-message sa akin si Jack na nasa venue na sila. Alam ko kung sino ang tinutukoy nitong sila kaya mas nakaramdam ako ng kaba. Pagdating namin sa harap ng venue ay sinabihan ako ng organizer na ako ang unang lalabas at susunod si Yzekiel, Nathalie at Zyreen para sa grand entrance. "Mommy sabay tayo," paki-usap ni Zyreen. "Sabay ka kila Daddy-" "Sabi

