Maureen's point of view Inayos ko muna ang sarili ko para hindi mababakasan na umiyak ako. Pagkalabas ko ng kusina hinanap ko Tito Robert. Nakita ko siya na buhat si Zyreen at nagtatawanan kasama si Tita Eliza. Kita ko rin kay Zyreen na komportable siya sa mag-asawa. Hindi ko alam, ang tangaa ko at hindi ako nag-search. Bakit hindi ko nalaman na si Eliza pala ay isang Zoren at anak nito si Yzekiel. Sa una pa lang sanan nagtaka na ako dahil sa pagkakahawig ni Zyreen kay Yna. Tadhana na mismo ang naglalapit kay Zyreen sa pamilya ni Yzekiel. Tadhana ang gumagawa ng paraan para sumaya si Zyreen sa piling ng Lolo at Lola nito. "Ate Maureen, halika rito. Picturan ko kayo ni Twinny," tawag sa akin ni Yna na katabi na ang mga magulang nito at si Zyreen. Ayokong lumapit pero ayoko namang tangg

