Author's point of view "Matunaw ang Mommy ko, Tito Dave. Kanina ka pa po nakatingin sa kanya," puna ni Zyreen kay Dave na nakatingin lang kay Maureen na natutulog sa sofa. "She's so beautiful," bulong ni Dave. "Maganda po talaga si Mommy, kambal niya po 'yung totoong Mommy ko na nasa heaven na. Parehas silang maganda at mabait," proud na sabi ni Zyreen. Napaharap naman si Dave kay Zyreen dahil sa narinig. "Totoong Mommy?" Nagtatakang sabi ni Dave. Iniisip ni Dave na baka namali lang ang narinig niya. "Opo," sagot ni Zyreen na naglalaro ng barbie. Binuhat ni Dave si Zyreen at medyo lumayo sa pwesto ni Maureen. "Sino ang totoong Mommy mo?" Tanong ni Dave. "Mommy Zaureen, 'yung kambal ni Mommy Maureen. Wala na siya at iniwan niya na ako, kinuha na siya sa akin ni Papa Jesus. Pero bi

