Author's point of view
"I'm sorry miss Bernabe ginawa namin ang lahat pero hindi na kinaya ng katawan niya sa dami na din ng dugo na nawala sa kanya at nagkaroon ng komplikasyon sa ulo niya," 'yan ang bungad sa kanya ng Doctor ng magising siya.
"HINDI TOTOO 'YAN. LALABAN ANG ATE KO! HINDI NIYA IIWAN ANG ANAK NIYA! DOCTOR KA DI BA BAKIT HINDI MO GAMUTIN ANG ATE KO!" sigaw nito habang umiiyak. "N-nakiki usap po ako, g-gawin niyo ang lahat. K-kailangan ko ang Ate ko, k-kailanagn pa siya ng anak niya. N-nakikiusap po ako, please."
Nagwala si Maureen at agad pinuntahan si Zaureen sa morgue kung saan tinuro ng isang nurse.
Nanghihina siyang napa-upo ng makitang wala ng buhay ang kambal niya. Hindi niya alintana na madumi ang sahig.
Tulala siya nakaupo at nakasandal sa pader habang nakatingin sa bangkay ng Kambal. Hinayaan niyang tumulo ang luha niya habang tulalang nakatingin sa bangkay.
Walang tigil ang pag-iyak niya ng makitang dinala na rin ang bangkay ng kanyang Papa at Mama.
Patuloy lang ang pagluha niya habang nakatingin sa tatlong taong mahalaga sa kanya na wala ng buhay.
"A-ang dadaya niyo. Hanggang sa huli kayo pa rin ang magkakasama, h-hindi niyo man lang ako binigyan ng mahabang oras para makasama kayo. Sana-sana sinama niyo na lang ako, "
Pati ang pulis na gustong makausap si Maureen ay awang awa rito. Hinayaan nilang mapag-isa ang dalaga.
"K-k-kung alam ko lang na mangyayari 'to. Sana- sana hindi ko kayo p-pinayagang umalis...sana buhay pa kayo. S-sana na h-hindi ko pa binayadan ang l-lupa. S-sana. . . puutangeenng s-sana 'yan, " umiiyak na sabi nito.
Nakatingin lang si Aling Tisang kay Maureen habang umiiyak. Awang awa siya sa dalaga sa nangyari rito.
Lumapit si Maureen sa bangkay ng Ama nito at umiiyak na yumakap.
"P-papa- Papa n-naman eh. B-bakit mo ako iniwan, b-bkait hindi ka l-lumaban para sa akin? b-bakit umigay ka agad. P-papa a-ang sakit po, s-sobrang sakit bakit niyo ako iniwan. B-bakit tatlo kayo!? h-hindi niyo ba naisip na m-matagal niyo akong hindi nakita, b-bakit iniwan niyo ako. P-papa balik ka na, m-malungkot ang anak niyo oh. A-ayaw niyo na ba akong makasama? A-ayaw niyo ba sa akin? Papa g-gising na po," umiiyak na sabi nito.
Nanghihinang humiwalay si Maureen sa pagkakayap sa kanyan Ama at lumipat sa kanyang Ina.
"M-ma, mama ko- m-mama," bulong ni Maureen habang umiiyak na niyuygyog ang Mama nito. "M-mama g-gising na, g-gutom ako. I-ipagluluto mo ako di ba, m-mama naman k-kailangan pa kita. B-bakit sumama ka kay P-papa? M-Mama gising na, i-ipapasyal pa kita. S-sabi ko naman sayo akong bahala sa inyo, bakit- TANGEENNNAAA!"
Hagulgol si Maureen at niyakap ang ina. Ilang minuto itong nakayakap habang paulit ulit na sinasabi nitong mahal niya ito.
"M-mama, mahal na mahal po kita. M-mahal na mahal," bulong nito.
Tahimik na umiiyak si Maureen habang nakatingin sa bangkay ng kambal. Ayaw nitong lumapit at patuloy lang ang tulo ng luha. Inabot siya ng isang oras bago nilapitan ang kambal. Nanginginig ang kamay nito na hinawakan ang mukha ng kambal, hinaplos niya ito at umiiyak na hinalikan sa noo.
"P-pagod ka na? B-bakit mo iniwan ang anak mo? B-bakit mo ako iniwan? A-ate n-naman, b-bakit sumama ka kina Mama at Papa. S-sana kinaya mo para kay Zyreen. A-ate s-sama mo na ako. K-kunin mo na ako, g-gusto ko ng sumama sa inyo. N-nagtrabaho ako para sa inyo, k-kinakaya ko dahil sa inyo. B-bakit i-iniwan niyo ako, 'yan ang tanong ko. B-bakit? D-daming tanong Ate, a-ang daming b-bakit?" umiiyak na sabi nito
"A-aalagaan ko siya," huling bulok nito at hinalikan sa noo ang Papa, Mama at Ate niya bago tumalikod na umiiyak. Pinilit niyang kumalma pero hindi mapigilan kaya napahawak na lang siya sa dibdib niya.
Umuwi si Maureen sa bahay na nanghihina. Hindi niya alam kong anong dapat maramdaman. Halo halong emosyon ang gustong lumabas. Hindi niya alam ang gagawin niya. Tahimik niyang ipinikit ang kanyang mata at umiiyak na nag-iisip.
' s**t, kung panaginip to. Please, gisingin nyo na ako. Hindi pwedeng mawala sila, hindi pwedeng iwan nila ako. Kung panaginip ito sana magising na ako. Ibalik niyo na ang pamilya ko, ibalik niyo na sila at hindi nila ako pwedeng iwan. Ibalik niyo ang Papat Mama ko pati si Ate.'
'PUUTTTAANGGGG INNNNAAAAA,G-GISINGIN NIYO AKO. HINDI PWEDE!!!"
" Tita bakit ka po umiiyak?" tanong ng batang Zyreen ng makita niya ang Tita niya na tumutulo ang luha kahit nakapikit.
Minulat ni Maureen ang mata at nakita niya si Zyreen na kakahatid ng kapitbahay nila.
Nakiramay ang kapitbahay bago umalis.
Nakatingin lang si Maureen sa bata. Naaawa siya rito dahil ang bata pa para mawalan ng ina.
"Tita, umiiyak ka po? 'Di pa po ba umuuwi si mommy?" Inosenteng tanong ni Zyreen kay Maureen.
'Di na nakayanan ni Maureen at agad niyakap ang pamangkin. Umiiyak siyang yumakap.
"Zyreen, sorry. Sorry," paulit ulit na sabi nito kay Zyreen, "I'm sorry."
"Tita bakit ka po nagsosorry? 'Wag na po kayong umiyak." Pagpapatahan ni Zyreen kay Maureen.
Inupo ni Maureen ang pamangkin sa hita niya habang hinahaplos ang buhok nito, pinunasan niya ang luha niya. Pinipigilan niya ang luhang gustong kumawala at hinarap si Zyreen.
"Aalagaan kita, Pangako. Hindi kita pababayaan, Ikaw na lang ang meron ako," bulong nya rito.
"Tita nasaan po si Mommy? Hindi pa po ba sila nakauwi ni Mamita at Lolo?" Tanong ni Zyreen.
Pinunasan ni Maureen ang luha niya. "Baby, gusto mo ba akong makasama?"
Tumango si Zyreen.
" I'm sorry. Zyreen .... I'm sorry."
Paulit ulit na sabi ni Maureen at niyakap ang pamangkin, nag-uunahan na namang tumulo ang luha niya. Hindi alam kung paano sasabihin sa pamangkin na hindi ito masasaktan.
Hindi nagtagal ay nakatulog na ang bata. Si Maureen naman ay tahimik lang na binabantayan ang mga nagttrabaho sa loob ng tahanan kung saan ilalagay ang pamilya niya.
Maraming kapitbahay niya ang pumunta at naki-ramay. Pero kahit isa wala siyang kinausap.
Tahimik lang siya na nakatayo habang tinitignan ang kabaong ng Ama, Ina at ang kambal.
' Papa bakit naman ganito. Hindi ko kaya. H-hindi niyo ba ako mahal at sabay sabay niyo akong iniwan? Akala ko ba gagawa pa tayo ng masasayang memories habang nandito ako. anong sasabihin ko kay Zyreen?'
'Ikaw din mama. Sabi mo sa akin lagi mo akong ipagluluto habang nandito ako. Bakit iniwan mo din ako? Bakit pinili mong makasama sila kaysa sa akin. S-sana naisip niyo ako. Sana naisip niyo na matagal ko kayong di nakasama, bumabawi naman ako. Babawi pa ako sa inyo. Gusto ko pa kayong makasama ng matagal, gusto kong magbonding tayo bago ako umalis. Wala eh iniwan niyo na akong mag-isa. Iniwan niyo na ako ng tuluyan.'
Lumapit si Maureen sa kabaong ng kambal.
'Ang daya mo, kambal tayo, eh. Kailangan mo pang bumawi sa akin Ate. Ilang taon mo akong 'di kinausap. Tapos may anak ka pang kailangan ng aruga mo. Bakit sumama ka na kina Mama at Papa? Kung alam ko lang na iyon na pala ang huling beses na mayayakap ko kayo sana-sana hindi ko na kayo binitawan sa bisig ko. Sana-sana buhay pa kayo. Ate paano ang anak mo? Hindi ko pa kaya ate alam mo yan.'
Awang awa ang mga kapitbahay sa dalaga. Nakatingin sila sa dalaga na tahimik na umiiyak sa harap ng kabaong ng pamilya.
Maya maya pa ay dumating ang nag iisa nilang kamag anak ang auntie Julie niya. Kapatid ito ng ina niya.
"Iha---" sabi nito at agad lumapit sa dalaga.
Duon na tuluyang bumigay si Maureen. At yumakap ito sa Auntie niya habang walang tigil na pagtulo ng luha niya.
"Tita iniwan na nila ako. T-tita bakit po? A-ang tagal kong nawala tapos sa pagbabalik ko iiwan din pala nila ako." madamdaming sabi ni Maureen.
"Iha, kakayanin mo!"
Umiiyak ang dalawa.
" T-tita, paano na ako? Wala na sina Mama, si Papa sabi niya mahal niya ako bakit iniwan nila ako? S-sabi ni Ate babawi siya bakit iniwan din niya ako. Titaaaa! Tita, sabihin mo hindi 'to totoo."
" Anak- tahan na. Mahal na mahal ka nila. 'Di nila ginustong iwan ka. Hindi magugustuhan ng Papa mo na makita kang mahina at umiiyak. Pakatatag ka, makakaya mo ito!" sabi ni auntie Julie kay Maureen.
Siya mismo ay nalulungkot dahil nawalan din siya ng ate.
"Anak kain ka muna. Hindi ka pa kumakain mula raw kahapon. Hindi ka pa rin natutulog. Kailangan mong magpakatatag Maureen.
Para sa pamangkin mo, para sa sarili mo."
Naaawang nakatingin si Julie sa pamangkin na ngayon ay tulala sa harap ng pamilya na wala ng buhay.
"Mamita J bakit po nakakulong sina Mommy, Mamita at Lolo dun sa box po? 'Di po sila makahinga," sabi ni Zyreen na kakababa lang.
"Ahhh baby kasi forever ng mag sleep sila Mommy mo kasama si Mamita at Lolo mo." paliwanag ni julie sa bata at agad itong niyakap.
" Forever po? Hindi na po sila magigising? Bakit po.. m-mommy ko," umiiyak ang bata at tumakbo sa ina nitong nasa loob ng casket.
"M-mommy pagod ka na bang mag-alaga sa 'kin kaya matutulog ka na forever? M-mommy gising na po. 'Di na po ako magiging makulit. M-mommy ko, " umiiyak na sabi ni Zyreen.
Lumapit si Maureen dito at binuhat ang pamangkin.
"Baby, makikita mo pa naman sila. A-alam mo pag gabi tapos tumingin ka sa mga star, kung sino ang pinaka maliwanag 'yun si Mommy mo. Tapos katabi nun si lolo at mamita. Binabantayan tayo sa langit," naiiyak na paliwanag ni Maureen, "huwag ka ng umiyak. Nandito naman si tita di ba. Pwede mo din akong tawaging mommy. Kambal naman kami ni mommy mo, eh."
Malungkot na ngumiti si Maureen na pinipigilan ang luha.
"Tita mommy po?"
Tumango si Maureen at yumakap sa pamangkin. Nasa harap sila ng Ate niya.
"Ate, 'di ko pababayaan si Zyreen. Aalagaan ko at mamahalin na parang sakin. Bantayan mo ako huh- ',di ko kasi alam saan mag uumpisa sana gabayan mo ako," bulong ni Maureen.
Walang tigil na umiyak si Maureen.
"Tita mommy wag ka na pong umiiyak. Malulungkot sina Mommy sa langit. Ayaw nilang umiiyak ka po, eh. Lagi ka pong kwenekwento sakin ni mommy." Pinunasan ng bata ang luha ni Maureen pero 'di pa rin ito tumitigil.
"Baby, sorry. Papahangin lang si tita mommy, huh. Stay ka muna kay mamita Julie mo," Sabi ni Maureen at agad tumakbo palabas ng bahay. "A-ang daya niyo. Bakit iniwan niyo ako? A- ang daya niyo Mama, Papa... Ate ang daya mo."
"Maureen," Nag-angat ng ulo si Maureen at agad siyang tumakbo sa tumawag ng pangalan niya.
"Jack! iniwan na nila ako. D-di ko pa sila nakakasama ng matagal, eh. Sabay sabay nila akong iniwan," sumbong niya sa kaibigan.
Jack, Iya at Paula. Ang mga kaibigan ni Maureen sa Canada. Balak sana nilang surpresahin si Maureen pero hindi nila inaasahan ang trahedya na magaganap.
"Sis, nandito lang kami. 'Di ka namin iiwan." sabi ni Paula.
"Oo nga. Walang iwanan 'di ba. Magiging maayos din ang lahat." SSabi ni Jack at niyakap ng mahigpit si Maureen.
Hinila naman ni Iya si Maureen at mahigpit itong niyakap.
"Sis makakayanan mo 'to. Wag kang mag-alala hindi ka nag iisa. Pamilya mo din kami, diba? Ohhh tignan mo 'di mo inaalagaan ang sarili mo. 'Yung eyebags mo. Tapos pumapayat ka na. Ang pangit mo na," biro niya sa dalaga pero nakayakap lang si Maureen sa kanya.
"Maureen kailangan mo ng lakas. Hindi pwedeng ganyan. Halika may dala kaming pagkain. Kumain na tayo. Kasi 'di kami kakain pag di ka kumain," sabi dito ni Paula.
Naakay nila ito papasok pero umiiyak pa rin ito.
"Kayo ba ang mga kaibigan ng pamangkin ko?" Tanong ni Julie sa mga to. Nagtanguan sila," ako ang auntie Julie niya. Salamat at napilit niyo siyang magpahinga. Wala pang pahinga ang batang yan, eh. "
"Walang anuman po. Auntie pwede po ba kaming mag stay muna dito para mabantayan siya?" Tanong ni Jack.
Pumayag naman si Auntie Julie sa mga ito.
Laking pasalamat ng matanda sa mga kaibigan ng pamangkin dahil kahit papano may makakasama sila.
" 'Di ka namin iiwan, Mau."