Maureen's point of view Darn it, Hindi ako makatulog. Iniisip ko ang nangyari sa amin ni Yzekiel, mali! Maling mali ang ginawa namin, ang tanga ko dahil nagpadala ako. Pwede ko siyang itulak, pwede akong tumanggi pero shutaena naman kung hindi pa dumating ang asawa niya paniguradong may nangyari na sa amin na mas malala sa sipsipan at tikiman. Tumingin ako sa orasan at alas cuatro na ng umaga. Hindi ko na pinilit matulog, bumaba na ako sa sala para magpahangin at mag-isip na rin. "Manang? Bakit gising na ho kayo?" Tanong ko kay manang na naka-upo sa counter. "Magandang umaga, Ma'am. Pagtimpla ko ho kayo ng kape," sabi nito kaya nagpasalamat ako. Napansin na naiiyak siya kaya pagbigay niya ng kape ko ay pinaupo ko siya. "May problema po ba?" Tanong ko. Si manang ay ka-edad ni Mama.

