Maureen's pov Tatlong araw rin akong nagkasakit at nagpapasalamat ako sa doctora na kumausap sa akin at nagbigay ng gamot. Tinanong ako nito kung may boyfriend ako dahil nagkaruon ng sugat ang private part ko, hindi ako sumagot at hindi na rin ito nagpumilit na alamin. "Mabuti naman okay ka na. Sayang naman ang pagtira mo rito kung nakahiga ka lang," bungad ni Nathalie sa akin paglabas ko ng kwarto. "Nahiya nga ako hindi kasi makapal ang mukha ko katulad mo," pabalang na sagot ko. Sa tatlong araw ko na pagkakasakit at tuloy tuloy na pag-iyak para akong nagising sa katotohanan. Hindi ako si Maureen Bernabe kung iyakin at hahayaan ko na lang ang ibang tao na saktan ako. Napag-isip ko na hindi ko na mababago ang naging desisyon ko na maging kabit pero mababago ko ang mangyayari araw ara

