Maureen's point of view "Dave, okay lang kami rito. Ayusin mo muna ang kailangan mong ayusin sa pamilya mo, hindi naman kami mawawala ni Zyreen. Hihintayin ka namin," sabi ko. "No," sagot nito. Apat na buwan na ang nakakaraan mula ng manligaw siya sa akin. Hindi naman ito nagmadali at lagi lang nakaalalay sa amin ni Zyreen. May maliit na sari-sari store ako rito sa Davao at isang bigasan na isang maliit na negosyo. Kaninang umaga tumawag sa akin si Jack para kausapin ko si Dave na pumunta muna sa Canada dahil nagkakagulo ang Mommy at Daddy nito. Sabi ni Jack sa akin na kailangan si Dave ng kompanya dahil hindi na nahaharap ni Mr. Smith. "Dave kailangan ka ng Daddy mo at kailangan ka rin ng mga empleyado na umaasa sa kompanya niyo. Kung ang iniisip mo ay kami ni Zyreen ay wag kang mag-

