Maureen's point of view Hindi ko pinapansin si Yzekiel ng bumalik ako sa opisina. Pag-inuutusan niya ako ay tahimik ko lang na sinusunod at hindi na nagsasalita pa. Ramdam ko ang titig niya pag inuutusan niya ako at hindi ko siya kinikibo, ni hindi ko nga siya matignan. Dahil ramdam ko ang galit ko sa ginawa niya at inis ko sa mga babae kanina sa CR. Ayaw kong lumapit siya sa akin nang sobra dahil baka mademonyo na naman ang kamay nito at kung ano na ang mapisil sa katawan ko, baka maging criminal ako at maitulak ko siya sa bintana. Kapag lumalapit siya ay umaatras ako at alam ko na halata niya ang ginagawa ko. Bahala siya sa buhay niya, wala ako sa mood para akitin siya dahil sa nangyari sa CR na dumagdag sa inis na nararamdaman ko. "Maureen, get the financial report from Nobleza. At s

