Ochenta Y Dos

2132 Words

Maureen's pov Nasa airport kami ni Zyreen at Yna para sunduin si Jack. Bukas na ang birthday party kaya pinilit ko itong umuwi para hindi magtampo ang anak ko. "Tita, isusumbong kita kay Daddy. May klase ka ngayon pero sumama ka sa amin," sabi ni Zyreen habang nasa waiting area kami. "Kailangan ako rito dahil future hubby ko ang susunduin natin," sagot naman ni Yna. "Magiging asawa mo po si Tito Jack?"  "Yes," sagot ni Yna.  Kulang na lang talaga ipagsigawan nito sa lahat na magiging sila ni Jack. "Ano bang nagustuhan mo kay Jack?" tanong ko. "Naalala mo nuong nakita ko kayo dati sa school ni Zyreen, duon ako na love at first sight sa kanya. Tumibok ang puso ko," nakangiting sabi nito. Naaalala ko ang araw na 'yun. Kaya pala iba ito kung tumitig kay Jack, tinamaan na pala ni cupid

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD