Maureen's pov Pagkatapos kong patulugin si Zyreen ay dumeretcho na ako sa kwarto ko tamang tama naman na tumawag si Jack. "Maureen, nag-aalala ako. Kung ang rason mo lang naman kaya ka nandyan ay para bantayan si Zyreen pwede mong gawin 'yan ng hindi ka dyan nakatira. Dalawin mo araw-araw," nag-aalalang sabi ni Jack. Nuong nag-usap kami hindi ko sinabi ang totoong rason kung bakit kinailangan kong tumira sa pamamahay ni Yzekiel. Ayokong malaman niya dahil sigurado akong magagalit siya, sino ba naman matutuwa pag nalaman mong kabit ang kaibigan mo. "Kaya ko naman ang sarili ko," sagot ko. "I know pero hindi ko mapigilang mag-alala. Ayaw kong makita ka ulit tulad ng nangyari sa hospital," tukoy nito sa pag-iyak ko nuong tinawagan ko siya. "Hindi na mauulit 'yun. Pag nahirapan ako tataw

