Maureen's point of view Nagising ako sa ingay ng phone ko. Pilit kong minulat at mata ko kahit ramdam ko pa ang antok. Anong oras na akong natulog kagabi kaya antok pa ako kahit ngayon. Tumingin ako sa orasan at nakita ko na alas sais pa lang ng umaga. Kaya agad kong kinuha ang phone ko at tinignan kong sino ang tumatawag. Unknown calling. . . "Yes, Hello?" bungad ko. "I need you in my office now," rinig ko sa kabilang linya. "Jack?" nag-aalangang tanong ko. "This is Yzekiel Zoren-" "Ahh, bakit po kayo napatawag?" magalang na sabi ko kahit sa puso ko gusto ko na siyang sapakin sa pagstorbo ng tulog ko. " Saan mo nakuha ang number ko?" "Jack, gave it to me. See you in my office in 30 minutes. . . " sabi sa kabilang linya at nawala na. Napatingin pa ako sa phone ko bago muling humi

