Yna's point of view Nakita at narinig ko lahat. Nagsisisi ako na nakinig pa ako sa issue ni Ate Maureen at ex nito. Habang pinapanuod ko kanina kung paano umiyak ang dalawa nakaramdam ako ng sakit at awa para sa kanila. Makikita na mahal nila ang isa't isa pero hindi ko maintindihan bakit mas pinili ni Ate na i-let go ang lalaki. Dahil kung ako ang nasa sitwasyon niya ipaglalaban ko ang mahal ko lalo na at alam kong mahal din ako. Ngayon lang ako nakakita ng lalaki na lumuhod at umiyak para sa babae. Para akong nanuod ng movie sa mga natunghayan ko, kitang kita ko na nasasaktan rin ang lalaki sa nangyayari. Pag-alis ni Ate Maureen ay lumapit ang fiancee ng lalaki. "Dave-" "Don't fvcking touch me, Suzzette. Stay away from me because I want to hurt you now," mariing sabi ni Dave na wala

