bc

My Great Revenge

book_age18+
871
FOLLOW
4.1K
READ
murder
revenge
killer
tragedy
bxg
city
crime
weak to strong
cruel
like
intro-logo
Blurb

“COLLINNNN! AHHHHH! AHHHHH...” halos isigaw ko na ang lahat ng sakit na aking nararamdaman habang patuloy sa pagtangis.

Para akong masisiraan ng bait, wala sa sariling niyugyog ko ang katawan nito umaasa na magkaroon ng isang himala at ibalik ng langit ang buhay ng aking kapatid.

“Isinusumpa ko! magbabayad ang mga taong gumawa sa’yo nito! Sisiguraduhin ko na mamamatay silang lahat sa aking mga kamay...” kasabay ng mga katagang lumabas sa aking mga labi ay ang pagbuhos ng isang malakas na ulan at paglitaw ng isang matalim na kidlat mula sa madilim na kalangitan na sinundan ng isang nakabibinging kulog.

Tila nakikiramay ang masamang panahon sa pagdadalamhati at paghihinagpis ng aking kalooban dahil sa pagkamatay ng aking kapatid.”

Mag tagumpay kaya ang dalaga sa kan’yang paghihiganti?

Paano kung sa kan’yang pagbabalik bansa ay sa unang pagkikita pa lang nila naging marupok na siya at naisuko na niya ang sarili sa Identical twin ng lalaking inakala niyang pumatay kay Collin, si “Demetriou.”

Hanggang saan siya dadalhin ng kan’yang galit?

Paano kung sa huli ang lalaking minahal ay nais din siyang patayin?

Ating tunghayan ang masalimuot na buhay ng dalaga maging ang kwentong pag-ibig ni Zoe Zullivan at Demetriou Aragon na pinaglaruan ng tadhana.

Ano ba ang mas matimbang sa kanilang mga puso PAG-IBIG ba O HUSTISYA!?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Oh, s**t!” Ang naibulalas ko dahil sa labis na pagkabigla ng tumilapon ang dala kong chocolate cake sa aking dibdib. Bigla kasing sumulpot sa harapan ko ang isang maputing babae na medyo mataas lang sa akin ng kaunti. Natabig nito ang hawak kong cake kaya sinikap ko na huwag itong mahulog sa sahig ngunit sa dibdib ko naman ito lumapat kaya ngayon ay namatsahan na ang suot kong white dress. “Stupid!” Imbes na mag-sorry ay ito pa ang narinig ko mula sa babae. Pagkatapos sabihin ‘yon ay isang matalim na tingin ang ibinato nito sa akin bago ako tinalikuran at naglakad palayo na parang walang nangyari. “Aba’t ang malditang ‘yon! Siya na nga itong may kasalanan ako pa ang tinawag na tanga!?” Ang nanggigigil kong wika sa aking sarili bago sinundan ang babaeng bruha. Mabilis ang mga hakbang nito na halatang nagmamadali. Nilakihan ko ang aking mga hakbang upang makahabol dito ng hindi binibitiwan ang nasirang cake na nasa kanang kamay ko. Hindi ko na ininda pa ang malagkit na cake na kumalat sa aking dibdib kahit pa nanlalagkit na ang aking pakiramdam. Wala na rin akong pakialam sa mga taong nasa paligid na nakatingin sa akin dahil ng mga oras na ito ay ang tanging iniisip ko lang ay makompronta ang babae. Nang dahil sa babaeng ito ay nasira ang gabi ko, balak ko sanang supresahin si Collin dahil ngayon kasi ang ika-15th birthday nito. Nandito kami ngayon sa isang sikat na restaurant at nasa loob na ang pamilya ko. Umorder lang ako ng isang cake para sa kapatid ko kaso ito naman ang inabot ko. Mukhang mapupurnada pa ang surpresa ko ng dahil sa babaeng ito. Kumukulo ang dugo ko dahil sa matinding galit sa malditang babae na patuloy kong sinusundan. Patungo ito sa likod ng restaurant kung saan matatagpuan ang hardin. Nakita kong lumapit ito sa isang gwapong lalaki na nakatayo sa gitna ng hardin habang may hawak na isang baso ng alak. Huminto ang babae sa mismong harapan ng lalaki at kita ko ng magbago ang awra nito. Ang kaninang parang tigre na mukha nito ay tila naging isang maamong tupa sa harap ng lalaki. Sa nakikita ko ay mukhang nagtatalo ang dalawa ngunit wala akong pakialam! Dahil kailangan nitong managot sa kan’yang ginawa lalo na ang pagtawag nito sa akin ng stupid kaya nagpatuloy ako sa paglapit. “Look Deme, I’m sorry ok, pag-usapan natin ‘to! Maniwala ka sa akin walang namamagitan sa amin ni Jhon!” Ang narinig kong wika ng babae. Sa tono ng boses nito wari mo ay nakikiusap sa lalaki. “We’re done Charlotte, wala na tayong dapat pag-usapan and beside’s matagal na kitang kinalimutan. Let’s move on, kalimutan mo na ako dahil wala ng tayo.” Ang tugon ng lalaki sa babaeng tinawag na Charlotte. Napaka seryoso ng mukha nito at hindi mo kakikitaan ng anumang reaksyon. Dalawang hakbang na lang ang layo ko sa kanila ng bumaling bigla ang lalaki sa aking direksyon kaya nagtama ang aming mga mata. “Babe! Kanina ka pa ba d’yan!? Saan ka ba nagpunta? kanina pa kita hinahanap!” Anya ng lalaki sa tono na may halong pag-aalala. Halos magdikit ang dalawang kilay ko at nagtatakang lumingon ako sa aking likuran, ngunit wala namang ibang tao maliban lang sa akin. Humakbang ang lalaki palapit sa aking kinaroroonan at nakita ko ang matinding galit na lumarawan sa mukha ng babae. Nagulat ako sa sumunod na nangyari ng mabilis na lumapit ang babae sa akin at binigyan ako ng isang malutong na sampal. “Pak!” “Hayop ka, malandi! Aagawin mo pa sa akin ang boyfriend ko!” Mabilis naman itong inawat ng lalaki, ngunit ang babae ay patuloy sa pag-hysterical dahil sa matinding galit ay kung ano-ano pang masasakit na salita ang sinasabi nito sa akin. Langyang buhay ito oh! Namumuro na sa akin ang babaeng ito! Pakiramdam ko ay umakyat na yata ang lahat ng dugo ko sa ulo at sumabog na ako sa galit. Hinampas ko sa mukha nito ang nasirang cake na siyang ikinatigil nito “s**t!” Ang narinig kong wika naman ng lalaki ng natalsikan ng cake ang suot na puting polo nito. Nagkalat ang cake sa pagmumukha ng babae at nagmukha itong nakamaskara dahil tanging mata at ngipin lang ang maputi dito. Kung alam ko lang na cake lang pala ang magpa-patahimik dito dapat sana kanina ko pa ginawa! Pagkatapos kong gawin iyon ay binigyan ko rin ito ng isang sampal kaya napasigaw ito sa gulat. Bakit? Papayag na lang ba ako na hindi makaganti!? Natigilan ang babae sa ginawa ko at matalim na tumitig ito sa akin habang nakakuyom ang mga kamay nito. Maging ang lalaki ay tila hindi makapaniwala sa kan’yang nasaksihan. Hindi kumukurap ang mga mata nito na nakatitig sa aking mukha. “Walanghiya ka pagkatapos mong sirain ang cake ko ni hindi ka man lang nag sorry! Sinabihan mo pa ako ng Stupid! tapos ngayon may gana ka pang sampalin ako!?” Ang galit kong wika sa kan’ya para akong bulkan na biglang sumabog. Pagkatapos kong sabihin iyon ay binalingan ko naman ang lalaking hindi na maalis ang titig sa aking mukha. Natauhan itong bigla ng bigyan ko rin ito ng isang malutong na sampal at nakita ko ang pagdilim ng mukha nito, maging ang pag tiim-bagang nito. Nagulat ang babae sa aking ginawa at nanlalaki ang mga mata nito na hindi makapaniwala. Parang ang dating sa reaksyon nilang iyon ay tila isang malaking pagkakamali ang aking ginawa. “Nananahimik ako tapos idadamay mo pa ako! Kung hindi dahil sa’yo hindi ako masasampal nito!” Anya sa binata bago itinuro ng daliri ang babae. “Kung gusto mong gumanti, sampalin mo rin s’ya!” Ang pagpapatuloy kong sabi habang nanggagalaiti ako sa matinding galit. Mabilis ko ng tinalikuran ang mga ito at iniwan!” “Langyang buhay ‘to Oh! Kapag mamalasin ka nga naman makatagpo ka ng dalawang siraulo!” Ang malakas na wika ng dalaga bago ito tuluyang nawala sa paningin ng dalawa. Hindi makapaniwala ang binata na nasampal siya ng isang babae. Sa buong buhay niya ay ngayon lang ito nangyari. Isa siyang Aragon, isang makapangyarihang negosyante sa buong bansa at kilala ng lahat. Walang lingon-likod na tinalikuran ng binata si Charlotte at iniwan itong mag-isa. Nanggigigil naman sa inis ang dalaga na tinawag ang binata ngunit hindi na siya pinansin nito. Binalak ng binata na habulin ang babae ngunit hindi na niya ito nakita pa. “Oh Ate Zoe, anong nangyari sayo!? Kanina pa kami naghahanap sayo, saan ka ba nagpunta? Bakit ba ganyan ang itsura mo!?” Ang magkasunod na tanong ni Collin sa akin at sinuri pa nito ang itsura ko. Maging ang mga magulang ko ay nag-aalala na lumapit sa akin. “Nakipag-away ka ba Zoe!?” Ang tanong sa akin ni Mommy. “Hindi po Mom, Kasi naman may dalawang baliw akong nakasalubong kaya ngayon pati ako minalas hayyttss!” Ang naiinis kong sagot habang nagdadabog na sumakay ng kotse. Sumunod naman sila Mommy at sumakay na rin habang si Daddy ang magdadrive. “Ikaw Zoe, bawas-bawasan mo yang init ng ulo mo hindi maganda ang nakikipag-away.” Ang panenermon sa akin ni Daddy habang nakatutok ang mga mata sa unahan ng sasakyan. “Yes dad,” ang maikling sagot ko bago lumingon sa aking kapatid na halatang nagpipigil ng tawa. Dahil para tuloy akong bata na sinisermunan ni daddy. Pinangdilatan ko ito ng mata at ang pasaway kong kapatid ay ngumisi lang ng nakakaloko.” “Oh! Happy birthday.” Ang mataray kong bati sa kan’ya bago inabot ang maliit at pahabang kahon sa aking kapatid. “Wow! Thank you Ate, I love you na talaga.” Ang malambing nitong wika bago ako niyakap nito ng mahigpit. Nakangiti naman ang aming mga magulang habang nakamasid sa aming dalawa.” Pag-alis ng kotse nina Zoe ay siya namang dating ni Demetriou patungo sa kan’yang sasakyan. Habang naglalakad ito ay panay pa rin ang ikot ng kan’yang mga mata sa buong paligid nagbabakasakali na makita muli ang dalagang pumukaw sa kan’yang atensyon. Bagsak ang mga balikat na sumakay na lang ng kotse ang binata, nagpakawala ito ng isang malalim na buntong hininga bago malungkot na sumulyap muli sa restaurant bago nagdesisyon na lisanin na ang lugar. Sa kaibuturan ng kan’yang puso ay umaasa siya na muling pagtagpuin ng tadhana ang kanilang landas.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook