Demetriou’s POV Sa bawat araw na nakikita ko ang malungkot na mukha ni Zoe ay nasasaktan ako, parang gusto ko itong sugurin ng yakap at humingi ng tawad. Ngunit sa tuwing sumasagi sa aking isipan ang aking kapatid ay dagling napapalitan ng galit ang nararamdaman ko para sa kanya. Araw-araw akong naglalasing para hindi ko masyadong maramdaman ang sakit at hindi ko rin kayang humarap kay Zoe ng hindi nakainom. Dahil sa tuwing nakikita ko ang nagsusumamo nitong mukha ay dagling lumalambot ang puso ko. Kaya nagpapakita lang ako dito pag sasapit ang gabi kung kailan tulog na ito at malaya kong napagmamasdan ang magandang mukha nito. Ipinaramdam ko sa kan’ya ang galit ko ngunit bakit sa tuwing ginagawa ko ‘yun ay double ang sakit ng balik nito sa akin. Tama pinahihirapan ko lang ang saril

