Chapter 16

2167 Words

Zoe’s POV Labis akong nanlumo ng makita ko ang resulta ng autopsy report na ginawa ng mga pulis sa aking kapatid. Nanginginig ang dalawa kong kamay habang hawak ang puting papel kung saan nakasulat doon ang lahat ng detalye na naging sanhi ng pagkamatay ni Collin. Halos hindi ko na ito mabasa dahil sa mga luhang nagbabadyang pumatak anumang oras sa aking mga mata. Nanghihina na napaupo ako sa sahig, hindi ko maimagine na ang kapatid ko ay dumaan sa ganito katinding paghihirap bago ito bawian ng buhay. Nakalagay sa report na ang kapatid ko ay namatay dahil sa pagkakasakal bukod pa roon ay nakitaan din ito sa loob nito ng ibat-ibang semen ng lalaki patunay na hindi lang isang lalaki ang gumahasa rito. May nakita rin na mga pasa sa katawan ang dalagita na halatang sinuntok ito sa sikmur

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD