Demetriou’s POV Sa pagharap ni Zoe ay nagtama ang aming mga mata, nakatitig sa akin ang nanlilisik nitong mga mata. Namumutla na ang mukha nito at bagsak na rin ang kanyang katawan, napakalayo na nito sa Zoe na kasama ko noon sa isla. Kapansin-pansin ang panginginig ng katawan nito habang hindi man lang kumukurap ang kanyang mga mata. Hindi nalalayo ang itsura nito sa mga adik na nakikita ko sa lansangan. “Nirerespeto kita! Ang taas ng tingin ko sayo dahil akala ko ay mabuti kang tao! Hindi ko akalain na mas masahol ka pa sa isang halimaw! Paano mo ito nagawa kay Zoe? Papa!” Galit kong sigaw dito na siyang nagpatayo sa kanya sa kinauupuan nito at galit na humarap ito sa akin. “Magdahan-dahan ka sa pananalita mo Demetriou! Ang babaeng ‘yan ang dahilan kung bakit namatay ang kapati

