Thirty Two

1129 Words

Daday,             Umiiyak ka ba? Tama na. Tama na rin ang lungkot. Huwag n’yo akong iyakan lagi. Isipin n’yong nasa isang magandang lugar ako. At doon, nakikita ko kayong lahat. Ang saya n’yo ay saya ko rin kaya naman nakikiusap akong ‘wag kayong laging malulungkot.             Namasa na naman ang mga mata ko sa simula pa lang ng sulat ni Sir Amante. Nasa silid na ako nang binuksan ko iyon. Si Sir Rolf ay tahimik na rin sa sariling silid. Kung nagpapahinga o gaya ko ay binabasa na rin ang sulat ay wala akong ideya. Nabanggit niyang alas dos ng hapon siya aalis. Alas once pa lang ng umaga nang sandaling iyon.             Nagpatuloy ako sa pagbabasa. Tungkol na sa mga magaganda kong katangian ang sinasabi ni Sir Amante sa sulat. Kung nagkaroon daw siya ng babaeng anak, gugustuhin niyang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD