bc

Si Santa at Ako (Complete)

book_age16+
789
FOLLOW
1.7K
READ
drama
serious
like
intro-logo
Blurb

Ako si Maria Adelaida Matimtiman Brown. Daday Negra ang tawag sa akin. Childhood wish ko ang mayakap si Santa Claus sa Pasko pagkatapos akong bigyan ng regalo. Sir Amante ang tumupad ng wish na iyon. Ang kapalit ay pakiusap na tuparin ko rin ang wish niya para sa pinakamamahal na anak.

Si Rolf Verracia ang anak na iyon-ang lalaking mahal ko.

Kakayanin ko kaya ang hiling?

Sana lang talaga ay sapat ang tatag ng aking puso. Puso na handa pa rin magmahal kahit alam kong sakit lang ang babalik sa akin.

Pasko nangyari ang pinakamahahalagang eksena sa aking kuwento. Ang kuwento ng isang hindi ko bibitawang pag-ibig...

chap-preview
Free preview
Her Wish
2014. 9: 30 AM. Christmas Day. Last Gift: Corazon. Daday’s room. PAULIT-ULIT na bumabalik ang mga mata ko sa sulat. Ang huling mga salita sa sulat mula kay Sir Amante. Nasa huling regalo na ako—ang pang-labingdalawa. Hindi ko mapigilang malungkot. Naipon ko na ang mga regalo para kay Sir Rolf. Tapos na rin ang paghahanap. Pagkatapos ng araw na iyon, hindi ko na alam ang susunod na mangyayari. Ang tiyak ko lang, hindi ko pa rin gustong tumigil magmahal kahit masakit na talaga. Ramdam ko ang lungkot. Pasko pa naman. Nagdididiwang ang lahat habang ako ay mag-isa sa bahay na iyon at mabigat ang dibdib. Isang linggo na akong hindi umuuwi sa condo ni Sir Rolf. Isang linggo na mula nang huli ko siyang nakita at nakausap. Isang linggo na rin na hindi niya man lang ako hinanap, na hindi siya nagtanong kung nasaan ako at bakit hindi na umuuwi. Tumingala ako para pigilan ang nagbabantang luha. Naiintindihan ko na kung bakit ang bahay na iyon sa Corazon ang ibinigay ni Sir Amante na meeting place para sa huling regalo. Dahil naroon ang maraming buhay na alaala.  Gusto ni Sir Amante na maging masaya si Sir Rolf sa araw na iyon. Ako naman ay nasanay nang nasasaktan kaya okay lang na isalang sa isang malungkot na Pasko. Ano pa ba ang bago? Nalilito man ay itinuloy  ko ang pagpasok sa bahay na maraming mga alaala. Sino kaya ang darating para ibigay sa akin ang huling regalo para kay Sir Rolf? Si Sir Rolf na nami-miss ko na naman.             Pasko. Pasko ang huling araw na makikita ko ang lalaking nagturo sa akin kung paano magmahal nang tahimik. Magmahal na walang hinihintay na kapalit. Magmahal pa rin kahit nasasaktan na.             Pumasok ako sa bahay gamit ang duplicate key na iniwan sa akin ni Ate Mimay. Sino kaya ang nasa silid ko at may dala ng huling regalo? Isa lang kina Ate Mimay, Manang Lelits at Kuya Aldrin ang naiisip ko. Wala naman kasing ibang tao na papayagan si Sir Amante na pumasok sa bahay na iyon na wala nang nakatira.             Limang regalo ang naipon ko, pang-anim ang huling regalo na kukunin ko ng araw na iyon. Anim rin ang nakuha ni Sir Rolf. Mabubuo na ang twelve gifts na hindi na maibibigay ni Sir Amante sa nag-iisang anak.             Pagkapasok ko sa sala ay dumagsa ang mga alaala. Sumandal ako sa dingding at pumikit, nag-ipon ng sapat na lakas para magawang itaboy ang mga alaala. Sa ibang araw ko na lang babalikan ang mga iyon. Kailangan kong makuha ang ika-labingdalawang regalo para maibigay ko na kay Sir Rolf. Gusto ko siyang makita ngayong Pasko—kahit saglit lang. Ang regalo ang gagawin kong dahilan ng pag-uwi ko sa condo.             Ano kaya ang ginagawa ni Sir Rolf nang sandaling iyon?             Nagmulat ako ng mga mata, huminga nang malalim bago humakbang patungo sa silid na ilang buwan kong naging payapang tahanan. Hindi ko naisip na sa silid kung saan nagsimula ang lahat ay doon rin ako dadalhin uli ni Sir Amante. Doon rin pala ako magpapaalam sa mga alaala.             Hindi nakalapat ang pinto sa silid kaya itinulak ko na lang ang pinto. Isang nakatalikod na Santa Claus ang dinatnan ko. Hindi ko napigilan ang ngiti. “Si Sir Amante talaga…” nausal ko. Naalala ko ang ‘October Christmas’ celebration namin kung saan ay tinupad ni Sir Amante ang nag-iisang childhood wish ko:  Ang mayakap ang isang Santa Claus pagkatapos akong bigyan ng regalo.             Ngayon ang ikalawang Pasko na wala na si Sir Amante.             May Santa Claus na naman sa silid ko.             Humarap ang Santa Claus—naka-sunglasses na itim na itim, bigotilyo at ang laki ng tiyan. Hindi ko napigilan ang magaang pagtawa nang makita kong may dalawang regalong hawak si Santa Claus. Kulay pala at kulay berde. Sa isang kamay ni Santa Claus ay cardboard na may nakasulat na…             FREE HUG FROM SANTA CLAUS             “May free hug, Santa?” ang lapad na ng ngiti ko.             Tumango ang naka-sunglasses na Santa Claus. Maingat na inilagay sa kama ang regalo at inilahad ang mga braso. Tumatawang pumaloob ako sa yakap ni Santa Claus. Natupad na naman ang childhood wish ko.             “Merry Christmas,” sabi ni Santa Claus sa malaking boses. “Take your gifts.” Tukoy niya sa dalawang regalo na nasa kama. Slang pa si Santa. Imported yata talaga. Bigla kong na-miss si Sir Amante. Ang unang Santa Claus na nayakap ko.             “Imported na Santa Claus?”             “Ho-ho-hooo!”             Lalo akong tumawa. Pansamantala ay nawala ang lungkot ko. Ang suwerte ko talaga para maging bahagi ng buhay ng mag-amang Verracia. “Merry Christmas din, Santa!” kinuha ko ang regalo na nasa kama, upang matigilan lang nang makita ang dalawang salita: To: DADAY, ang nakasulat sa kulay berdeng regalo. Napakunot-noong tumingin ako kay Santa Claus.             “It’s for you.”             “Para kay Sir Rolf ang pula at sa akin ang green?”             “Para sa ‘yo pareho. Ang Green ang unang dapat mong buksan.”             “Utos ni Sir Amante?”             Tumango si Santa Claus kaya tumalima ako. Baka nasa loob ang intructions ni Sir Amante kung paano ko makukuha ang pang-labingdalawang regalo.             Isang kahon ang laman ng regalo, na nang buksan ko ay mga litrato ang laman—mga litrato namin ni Sir Rolf na magkasama. Kuha sa iba’t-ibang lugar na nagkaroon kami ng pagkakataong malapitan ang isa’t-isa at makapag-usap. Paanong nakuhanan ng larawan ang mga iyon? Pinasubaybayan ba kami ni Sir Amante?             At sa ilalim ng mga litrato ay note na may isang linyang nakasulat.             Mahal mo siya, Daday, hindi ba?             Matagal na napatitig lang ako sa note. Maya-maya pa ay nanginginig na ang kamay ko. Alam ni Sir Amante ang totoong damdamin ko? Ang pinaka-iingatan kong lihim?             Paanong nangyari iyon? Ginawa ko ang lahat para magpanggap na walang anumang nararamdaman. Pinigilan ko ang aking sarili. Wala rin akong pinagsabihan na kahit sino liban kay Dodong. Sarili rin lang ang iniyakan ko sa mga pagkakataong nasasaktan ako dahil sa pag-ibig na iyon.             Alam ni Sir Amante ang totoong damdamin ko…             “Maria Adelaida?”             Nabitawan ko sa kama ang kahon ng mga litrato. Boses ni Sir Rolf ang narinig ko. Nakaawang ang mga labi na bigla akong lumingon. Hindi si Sir Rolf ang nagsalita kundi si Santa Claus. Si Santa Claus na may isang bagong cardboard na hawak.             YOU ARE THE LAST GIFT             At tinanggal ni Santa Claus ang santa hat, ang sunglasses, ang bigote, ang mga props sa tiyan—napasinghap ako. Ni hindi ko nagawang tuminag habang nakatitig sa totoong mukha ni Santa Claus.             Isang bagong cardboard ang ipinaibabaw ng pekeng Santa Claus.             I LOVE YOU TOO             Nanginginig ang mga tuhod na napaupo ako sa kama. Wala akong nagawa kundi yakapin ang isa pang regalo. Sunod-sunod na ang patak ng mga luha ko.             Alam na rin ni Santa Claus ang lihim ko.             Hindi kumilos ang pekeng Santa Claus. Nanatili sa puwesto, nakatitig sa akin. Puno ng naghahalong emosyon ang mga matang nagsimula na ring mamasa ng mga luha. Pinalitan uli ni Santa Claus ang cardboard.             I LOVE YOU.             Nagkaroon ng tunog ang pag-iyak ko. Nabulagan na ako ng mga luha. Tinuyo ko agad iyon para malinaw kong makita ang mukhang hindi nawala kahit minsan sa aking isip.             May umalpas na ilang butil na luha sa pisngi ng pekeng Santa Claus nang ipaibabaw ang huling cardboard.             WILL YOU MARRY SANTA CLAUS?             Nagkaroon ng tunog ang pag-iyak ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

His Obsession

read
71.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook