One

1743 Words
2012. Summer. MARIA ADELAIDA ‘Daday’ Matimtiman-Brown, ‘yan ang buo kong pangalan. Matimtiman ang aking ina na nabuntis ng ama kong n***o siguro kaya naging ganito ang kulay ko. Wagas kung umibig si nanay Gravita o Gracing sa lahat ng taga-San Roque, ang aming bayan. Hindi  siya nadadala. Laging umiibig. Bago pa man ako ipinanganak, may anim na taong gulang na anak na si Nanay—si Ate Maria Clara o Cacay Tisay sa San Roque. Cacay Tisay dahil kung gaano ako kaitim, ganoon naman siya kaputi. Ang kinis pa ng balat. Ilang beses pang umibig at nasawi si Nanay, salamat na lang at dalawa na lang ang naging bunga—na kinuha ng kanya-kanyang ama.             Kami ni Ate Cacay ang naiwan sa poder ni Nanay. Kaya naman nang umibig na naman siya sa isang retiradong sundalong Amerikano na hindi ko alam kung anong ginagawa sa Pilipinas at kung paanong natagpuan si Nanay—nagpakasal ang dalawa at legal kaming  inampon ni Ate Cacay. Bigla bigla, mula sa pagiging Matimtiman, naging Brown na ako. Buti na lang at hindi ‘Black’ kung nagkataon ay ‘Black’ na ang kulay ko, ‘Black’ pa pati apelyido, lalo na akong pagtatawanan. Maraming nga ang nagsasabi na mas bagay sa akin ang ‘Black’ kaysa sa Brown. Mapang-api talaga ang mundo. Madalas akong mahusgahan dahil sa kulay ng balat. Daday Negra, ‘yan ang tawag sa akin ng mga kaklase ko mula elementarya. Lagi akong sentro ng pang-aasar at panlalait, lalo na tuwing magkasama kami ni Ate Cacay. Masakit pero ano ba ang magagawa ko? Bunga kaming pareho ni Ate Cacay ng magkaibang dugo. Siguro, Puti ang ama ni Ate Cacay at ako naman ay Itim. Hindi ko na nalaman pa. Umiinit kasi ang ulo ni Nanay kapag nagtanong ako. Nasaktan daw siya ng sobra sa pang-iiwan ng mga ama namin ni Ate Cacay kaya huwag nang ipaalala pa. Napapatanong ako lagi kung ilang beses ba talaga nagmamahal ang isang tao? Parang Unli na kasi kung umibig si Nanay.             Maraming taon na nang nangyari ang mga nabanggit ko. Sa ngayon ay kami na lang ni Ate Cacay ang magkasama. Kung paanong nangyari, ikukuwento ko isa-isa. Marami akong natebook na naglalaman ng mahahalagang detalye sa buhay ko. Bawat nakakabagot na pangyayari kasi sa buhay ko, may isinusulat akong katapat na eksena—ang eksena sa aking pantasya. Bakit ko ginagawa iyon? Gusto ko lang ng mas magandang bersiyon ng mga pangyayari sa buhay ko. Kung realidad kasi ang pagbabasehan, masyadong masakit at malungkot ang naging kabataan ko. Api ako, eh. Pero siyempre, hindi ko puwedeng ilubog na lang ang sarili ko sa lungkot. Iniisip ko na lang, matatapos rin ang lahat. Isang araw, kung hindi man lahat—kahit isa lang sa pantasya ko ay magkakatotoo. Hindi naman masama ang umasa, hindi ba? Desi-nuebe na ako ngayon. Marami na akong naipon na mga eksena sa aking notebook. At sa sandaling ito, sa bagong tahanan ko sa Corazon, isang eksena ang nagtulak sa aking buksan ang mga lumang notebooks ko. “Daday po ang nickname ko, Sir Amante. Maria Adelaida Matimtiman-Brown ang buo kong pangalan.” “Daday? Endearment ni Great grandpa sa great grandmother ko. Magkuwentuhan tayo.” “Sir?” “May sakit ako, Daday. Isa sa mga susunod na araw ay iiwan ko na kayo. Sa mga ganitong pagkakataon, gusto kong balikan lahat ng magagandang alaala mula sa nakaraan. Ikaw? Ano’ng mga alaala ang gusto mong balikan kung ikaw ang nasa sitwasyon ko?” “Marami po, sir….” “At ang hindi mo gustong balikan?” “Ang araw na iniwan ako ni Ate Cacay…” “Kung sabihin kong magagawa mo pa rin na bumuo ng magagandang alaala mula sa araw na gusto mong kalimutan, maniniwala ka?” “Posible ba, Sir?” “Of course! Ganito ang gawin mo. Lahat ng mga importanteng karanasan, isipin mo. Pagkatapos, ikuwento mo sa akin. Hihigitan natin ang magagandang alaala na mayro’n ka.” “Seryoso po kayo, Sir?” “Oo naman, Daday. Simulan natin sa childhood wish mo.” “Chidhood wish? Paskong wish ang meron ako. Ang mayakap si Santa Claus pagkatapos niya akong bigyan ng regalo.” “Natupad?” “Hindi po, eh. Ni minsan, hindi ako nakatanggap ng regalo sa Pasko. Hindi rin ako nakakita ng totoong Santa Claus. Okay naman sa akin kahit naka-costume lang noon pero wala pa rin.” “Posible pang matupad ang wish mo, Daday.” “Talaga, Sir?” Marahang ngumiti si Sir Amante, tumingala sa maaliwalas na kalangitan. Ganoon rin ang ginawa ko. Hindi ko alam pero may kakaibang gaan na hatid sa dibdib ko ang tanawin.  Dahil sa pag-uusap na iyon, nagbubuklat ako ngayon ng mga lumang notebooks. At napagtanto ko, gusto ko rin pala na buklatin ang mga pahina. Gusto kong bumalik sa nakaraan… ELEMENTARYA: Ang unang t***k ng puso ni Daday Negra Pantasya Vs. Realidad: Mary Dee – Daday Mommy/Gracie – Nanay Gracing Prince Roi – Dodong Puti Pantasya 2008 “COFFEE or juice, Roi?” narinig ni Prince Roi ang boses ng kaibigang si Gracie. Dumaan ang babae sa tabi niya. Nasa sala siya at naghihintay. May pag-uusapan sila. “Coffee, no sugar!” pasigaw na tugon ni Prince Roi, tuloy-tuloy ang mga hakbang ni Gracie paupunta sa kusina kaya kailangan niyang lakasan ang sagot sa tanong nito. Naudlot ang sana ay pagbuklat niya sa Magazine na hawak nang marinig niya ang malakas na boses ni Mary Dee, ang napakagandang dalagitang anak ni Gracie. Kumakanta si Mary Dee habang pababa sa hagdan. Nagkahugis ang ngiti sa labi niya. Alam ni Prince Roi na nagpaparinig ang dalagita. Nakasimangot ka na lang palagi parang ikaw lang ang nagmamay-ari ng lahat ng sama ng loob… Tuloy-tuloy na dumaan sa gilid ng sofa na kinauupuan ni Prince Roi si Mary Dee. Muntik pa siyang tamaan ng bag na bitbit nito kung hindi kaagad siya nakailag. Pigil na pigil niya ang sariling matawa. Alam niyang naiinis ang dalagita dahil hindi niya pinapansin. Pagmumukha mo ay hindi maipinta, nakalimutan mo na ba’ng tuwawa, eh sumasayad na ang nguso mo sa lupa… pagtutuloy nito sa kanta habang tila binibilang ang mga hakbang patungo sa main door. Eksakto hahawakan ni Mary Dee ang door knob ay tinawag niya ang dalagita. Tuluyan nang natawa si Prince Roi nang pumitlag si Mary Dee, naglaglagan sa sahig ang folders at notebook na kipkip nito. Pero sa halip na pulutin ang mga iyon, pumihit ang dalagita paharap sa kanya at ubod tamis ang ngiti. “Ihahatid mo ako?” kumikislap ang mga matang tanong ni Mary Dee kay Prince Roi. “No,” pakli niyang naaaliw sa nakikitang excitement sa mga mata ng dalagita. “May pag-uusapan kami ng Mommy mo.” Nalukot ang mukha ni Mary Dee. Bumusangot ito. Padabog na dinampot ang mga nalaglag na gamit. Napapangiting ginaya ni Prince Roi ang kinakanta ng dalagita kanina lang. …nakalimutan mo na ba’ng tumawa eh sumasasayad na ang nguso mo sa lupa… “Tse!” si Mary Dee at padabog nitong binuksan ang pinto matapos siyang tapunan ng matalim na tingin. “Your chinky eyes turned chinkier, sweetheart!” pang-aasar pa ng lalaki. “Don’t sweetheart me, ugly macho!” singhal na tugon ni Mary Dee, hindi lumilingon. “Oh, I thought you—” “Mali ang iniisip mo, hindi kita crush—oh no!” at nanlalaki ang mga matang natutop ni Mary Dee ang bibig. Lantaran man ang laging pagtitig nito sa kanya na para bang Greek god siyang naligaw sa lupa, madalas rin na nagpapacute ang ngiti at may mga ginagawa para magpapansin ay hanggang doon lang naman ang ginagawa nito. Si Gracie ang natatawang nagkuwento sa kanya na crush siya ng anak nito.             Nagkakulay rosas ang makinis na pisngi ni Mary Dee. Lalo na siyang naaliw sa nakikitang pagkataranta nito. Nang tumayo si Prince Roi para lumapit ay biglang pumihit si Mary Dee upang marahil ay umalis na. Napangiwi siya nang tumama ang noo ng dalagita sa gilid ng nakaawang na pinto. Dinig pa niya ang malutong nitong aray. “Bad shot, Mary Dee?” malakas niyang tanong at mabilis na nilapitan ang dalagita. Nakatungo ito at hinahagod ang nasaktang noo. Hindi magawang mag-angat ng tingin sa kanya. “Let me see…” hinawakan niya ang baba nito at iniangat ang mukha. Namamasa ang mga mata nito dahil sa pagkapahiya. “Huwag ka nang umiyak. Magpapanggap na lang akong hindi ko alam na crush mo ako,” napapangiting biro pa niya habang inaalis ang kamay nitong nakatakip sa nasaktang noo. Hindi kumibo si Mary Dee, animo ay dagang nasilo sa pagnanakaw ng cheese. “Oh,” nausal niya nang makitang namula ang noo nito. Masuyo niyang hinila ang mga kamay ng dalagita palapit sa mga upuan sa sala. Umupo siya sa sofa at hinila si Mary Dee hanggang nakatayo na ito sa pagitan ng mga hita niya.  “Nasaktan ka,” si Prince Roi at maingat na sinipat ang namumulang bahagi ng mukha ni Mary Dee. “Ice bag.” Ngunit naudlot ang pagtayo niya nang marinig ang mababang boses ni Mary Dee. “Roi…” Mary Dee whispered, looking straight at his eyes. Na kung ibang babae ang nasa harapan niya baka naikulong na niya sa mga bisig at sinisiil na niya ng halik. But this is Mary Dee, for goodness sake! She was just about thirteen years old! Ano’ng iniisip niya sa dalagita?  “What?” kaswal niyang tanong. Pinilit ikubli ang pagkaasiwa dulot ng matiim nitong pagkakatitig sa mga mata niya. Bumaba pa sa mga labi niya ang mga mata ng dalagita na para bang pinapantasya siyang hagkan. Nang tumikhim si Prince Roi upang putulin ang anumang namumuo sa utak ni Mary Dee ay unti-unting gumuhit sa labi nito ang ngiti. Pilyang ngiti pero naroon ang kakaibang tamis. At ganoon na lang ang pagkagulat niya nang hagkan siya nito sa mga labi. At nahuli sila ni Gracie na pinigil ang tawa at pinagalitan si Mary Dee. Sa pantasya ko, ganoon ang eksena. Nagmula ako sa ‘sosyalen’ na pamilya. Sosyal at mayamang ina, sosyal rin na mga kaibigan at may isang prinsipeng crush na naaaliw sa pagiging cute ko. Ang sayang isipin ‘di ba? Ngunit hindi iyon ang realidad ni Daday Negra.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD