Story By Victoria Amor
author-avatar

Victoria Amor

ABOUTquote
Filipino writer
bc
Death Mark (Complete)
Updated at Jul 26, 2021, 22:17
Tatlong bala. Tatlong taon. Tatlong patak ng dugo. Mga panaginip na nagkakatotoo. Mga inosenteng biktimang namatay na may marka. Nakita ni Lara lahat... At nagising siyang taglay na ang marka. SIYA NA ANG SUSUNOD NA BIKTIMA.
like
bc
Rigorr (Complete)
Updated at Jul 25, 2021, 12:41
Nag-iwan ng trauma kay Wendy ang karanasan sa una niyang bodyguard noong fifteen years old siya nang pagtangkaan siya nito ng masama. Pagkatapos ng karanasang iyon ay naging pare-pareho na ang tingin niya sa mga lalaking may baril. Pati sa security team ng ama niya na mayor ng Victoria ay masasamang tao na rin at mga hindi karapat-dapat pagkatiwalaan ang tingin niya sa mga ito. Kaya hindi siya pumayag nang ipilit ng ama niya na ikuha siya ng bagong bodyguard. Hanggang sa na-ambush ang kanyang ama. Sa kritikital na sitwasyon nito sa ospital at wala siyang makapitan ay dumating ang bago niyang bodyguard. He was black and beastly. Sa unang gabing magkasama sila ay nagpakita ito ng isa pang B—bad. Mas masama ang ugali nito kaysa sa kanya! Naghanda siya para sa giyera sa pagitan nila. Kaya lang noong all geared up na siya para sa misyon niyang mapalayas ito, nakalimutan niyang protektahan ang puso niya habang binabantayan siya nito...
like
bc
Ex (Complete)
Updated at Jul 25, 2021, 04:00
Hindi inakala ni Yarra na sa isang iglap ay magbabago ang buhay niya. At twenty, clueless and innocent about being a mother, ay biglang ginampanan niya ang tungkulin ng isang ina sa isang limang buwang gulang na sanggol. Nagkapatong-patong pa ang banta sa kaligtasan ng sanggol dahil sa lolo nitong mukhang pera. Kaya itinakas niya ang baby at inilayo sa siyudad. Sa lugar na pinuntahan niya ay nakilala niya si Ex, isang super-guwapong hubadero. Nakayanan niyang nasasalubong ito na hantad ang perpektong dibdib at abs nito pero hindi ang mapasukan ito sa silid na manipis na kumot lang ang nagtatakip sa "bahagi" ng katawan nitong hindi niya dapat makita! Naloka siya nang bonggang-bongga. Na-"in crush" agad siya rito. At nang mas makilala pa niya ito ay nag-intrude na ito nang tuluyan sa puso niya. Na-in love siya rito. Hindi nga lang niya nahulaan na sa likod ng sobrang kabutihan nito ay nagkukubli ang isang sugatang puso na naghihintay ng ganap na paghilom. Siya ba ang nakatakda upang paghilumin ang puso nito o puso niya ang masusugatan sa bandang huli?
like
bc
Roxan And Rav (COMPLETE)
Updated at Jul 24, 2021, 22:48
"Ang taong para sa 'yo, pipiliin ka nang paulit-ulit." Isa na lang ang kulang para matupad ang dream wedding ni Roxan: isang matinong groom. Nag-fail ang kanyang ina na ma-experience ang isang white wedding kaya gusto niyang tuparin ang pangarap na iyon. At nang umabot sa kanya ang balitang ikakasal na ang ex-boyfriend na nang-iwan sa kanya five years ago—sa mismong buwan na gusto niyang ikasal—nag-decide si Roxan na i-set na rin ang kanyang dream wedding bago pa tumawa ang ex-boyfriend niya at isiping hindi pa siya nakaka-move on. Nag-propose si Roxan sa kaibigang si Rav—na nag-yes agad nang hindi man lang nag-iisip. Ang reason ni Rav? Wala naman daw palang gastos. I-push daw ang kasal. Pero month at date pa lang ng kasal ang napipili ni Roxan, nag-confess na si Rav. Aalis ito ng Pilipinas pagkatapos ng kasal. Pagbibigyan lang pala siya para matupad ang kanyang dream wedding kaya pumayag na maging groom! Nag-decide na lang si Roxan na mag-ipon ng happy memories para may maiwan sa kanya pagkaalis nito. Na-fall nga lang siya kay Rav. At na-realize niya na pinakamahirap mahalin ang taong alam mong aalis din at iiwan ka soon. Paano pa magiging "perfect" ang dream wedding ni Roxan kung basag na basag na ang puso niya hindi pa man siya nagsisimulang maglakad palapit sa altar?
like
bc
Si Santa at Ako (Complete)
Updated at May 1, 2021, 01:44
Ako si Maria Adelaida Matimtiman Brown. Daday Negra ang tawag sa akin. Childhood wish ko ang mayakap si Santa Claus sa Pasko pagkatapos akong bigyan ng regalo. Sir Amante ang tumupad ng wish na iyon. Ang kapalit ay pakiusap na tuparin ko rin ang wish niya para sa pinakamamahal na anak. Si Rolf Verracia ang anak na iyon-ang lalaking mahal ko. Kakayanin ko kaya ang hiling? Sana lang talaga ay sapat ang tatag ng aking puso. Puso na handa pa rin magmahal kahit alam kong sakit lang ang babalik sa akin. Pasko nangyari ang pinakamahahalagang eksena sa aking kuwento. Ang kuwento ng isang hindi ko bibitawang pag-ibig...
like
bc
Rajed (Complete)
Updated at May 1, 2021, 01:35
Unang nakilala ni Regine si Alexandrei Rajed Viezo bilang pasyenteng kailangan ng mag-aalaga. Inalagaan nga niya ito nang hindi iisang beses lang. Magmula noon, lagi na niyang naiisip ang guwapong mukha nito, at ang ngiti nito. Pero naisip niyang imposible ang fairy tale story sa kaso niya kaya pilit niyang kinalimutan ito. Pagkatapos ng ilang buwan na hindi na sila nagkita ay nagbabalik sa buhay niya si Rajed hindi bilang nagpapaalagang pasyente kundi bilang best friend ng newfound Kuya niyang si Antonn Benito Villaguerre. Hindi niya inakalang parehong mundo ang ginagalawan ng dalawa. Nabulabog ang tahimik na sanang puso ni Regine. Kailangan niyang maging mean dito para hindi nito mahalatang nalalaglag ang puso niya tuwing nginingitian siya nito. Pero pasaway talaga ang puso. Patuloy siyang nahulog sa charm ni Rajed hanggang sa hindi na niya kayang umiwas pa...
like
bc
Zeph (Complete)
Updated at May 1, 2021, 01:29
Nakilala ni Ara si Zephyrus "Zeph" De Villar nang gabing tumakas siya. Dinala siya ng lalaki sa hotel na tinutuluyan nito. Sa una ay hindi pinagkatiwalaan ni Ara si Zeph pero nang mga sumunod na araw ay napatunayan niyang mabuting tao ito. Sapat na ang naging tulong ni Zeph sa kanya para makauwi si Ara nang ligtas sa kanilang probinsiya. Pero may isang 'trabahong' inalok sa kanya si Zeph bago siya umalis—isang nakakatuksong alok para sa isang gaya niyang nangangailangan. At natukso nga si Ara. Hindi nga lang niya naisip na sapat ang sampung araw para magbago ang buhay niya...
like
bc
Thor (Complete)
Updated at May 1, 2021, 01:25
Hirap si Dawn na isulat ang rom-com novel na in-assign sa kanya ng publisher dahil horror ang kanyang forte. May nag-volunteer na tulungan siya, ang hunk model na si Thor Valdemor. Magro-role playing game daw sila—ang lalaki ang hero at si Dawn ang heroine. Bubuo raw sila ng maraming kilig scenes. Pumayag si Dawn, pero nag-set siya ng rules—na applicable lang kay Thor! "Rule number one, no touching. Pakiligin ang heroine nang hindi hahawakan." "Ang heroine ba, puwedeng hawakan ang hero?" "Oo naman. Wala siyang limitations, 'di ba?" sabi ni Dawn. "Rule number two, strictly no kissing. Bawal i-kiss ni hero si heroine—lahat ng kiss, bawal." "At ang heroine? Puwedeng i-kiss si hero?" "Puwedeng-puwede. All types of kisses at kahit saan!" "Dayaan na talaga!" reklamo ni Thor, pero nakatawa naman. "Rule number three, hero must follow rules one and two. If not... Ah, hindi na 'mabubuhay' forever ang ano niya!" Hah! Walang kawala sa kanya si Thor! Aba, hindi araw-araw na nagpapaulan ang langit ng libreng pakilig!
like
bc
Rush, The Gentle Soul (Complete)
Updated at May 1, 2021, 01:22
Nag-iisang babaeng anak si Ariah at pasaway na mga lalaki ang kapatid. Siya ang sumusuporta sa lahat ng kailangan ng pamilya. Matanda na ang mga magulang kaya kung totoo ang sumpa na mamamatay ang mga Mahinhinon virgins, paano na ang mga magulang niya? Magiging kawawa ang mga ito kung maiiwan sa mga kapatid na basagulero. Kaya naghanap siya ng lalaking solusyon sa sumpa—isang gabi lang. Pero hindi one night sex ang ibinigay sa kanya ni Floro, respeto at pagmamahal. Ang bilis nahulog ang loob ni Ariah kahit sobrang layo ng edad nila. Kaya lang, iniwan din agad siya ng asawa. Iniwan siyang virgin! Hindi akalain ni Ariah na may ibang plano pala si Floro. Plano para sa kanila ng trusted man nito—si Rush, ang lalaking sa unang tingin ay malupit at walang kilalang emosyon. May tattoo pang dragon sa buong braso at nasa dibdib ang ulo! Pero sa kung ano'ng dahilan, may hatak kay Ariah ang itim na itim na mga mata ni Rush. Mga matang parang ang daming itinatago. Mga matang nang mga sumunod na araw ay gusto na niyang tinititigan. Ramdam ni Ariah na nag-iiba na ang tibok ng puso niya. Sasaluhin kaya ni Rush ang pagkahulog niya?
like
bc
Marrio, The Playful Heart (Complete)
Updated at May 1, 2021, 01:11
Stressed-out si Lemuella Mahinhinon habang sakay ng bus. Nakikita kasi niya sa isip si Kamatayan na sumasayaw ng "Trumpets" habang nag-aabang ng perfect chance para tagpasin ang kanyang leeg. Tsismis iyon sa buong angkan nila—ang maagang pagkatsugi ng mga babaeng virgin. At una siya sa pila. Saklap, bes! Ang matandang katabi ni Lemuella sa bus, mukhang napapanaginipan din si Kamatayan—binabangungot yata kaya ginising niya. Natuwa ang matanda na nagpatawag ng Lola Pinang. Inalok siya nito ng kakatwang trabaho. Babayaran siya ni Lola Pinang kapalit ng pagiging companion nito sa isang resort. Cold cash ang bayad kaya kahit hesitant ay pumayag si Lemuella. Pero miyembro yata ng sindikato ang matanda at ibinenta siya sa DOM. Nagising kasi siya na may nangyayakap at nanghahalik sa kanya habang nasa ilalim ng kumot! Itinulak niya ang "DOM," saka lumayo. Nagulat pati kaluluwa niya nang makitang sariwa at hindi bilasang isda—este, DOM ang nasa sahig. Guwapong-guwapo, machong-macho, at ang bango-bango! Biglang may pumasok sa isip ni Lemuella kung paano maiwawala ang virginity at makakatakas sa sumpa. Inalok niya ng one-night stand ang sariwang macho. Ang problema, tinawag siyang "Sisa" ng impakto. Virgin din daw ito kaya pakasalan muna niya bago sila mag-do. Lagot na si Lemuella. Nauubos na ang oras niya!
like
bc
Len's Love (Complete)
Updated at May 1, 2021, 01:05
Valentine's Day, nakatanggap ng special message si Lenlen mula sa isang college classmate na gaya niya ay dumaan din sa masakit na pagsubok. Inspiring ang message. Hinahamon din ang tapang niya na mag-confess ng feelings sa lalaking ilang taon na niyang secret love. Inipon ni Lenlen ang tapang niya. Medyo ginalingan pa nga niya ang pagbibigay ng red heart tag kay JC Alcazar, ang 'perfect man' na kamukha ni Ian Veneracion. Lalaking puwede niyang mahalin secretly lang kasi imposibleng ibalik nito ang parehong feelings. Nag-take ng chance si Lenlen. Magkaka-heart attack na siya sa kaba sa pagbabasa ni JC sa 'I love you' niya sa red heart card. Parang hindi pa rin kumukurap si JC. At nang sa wakas ay kumilos ito, nag-utos lang at iniwan na siya. Basag agad ang puso ni Lenlen. At wala siyang choice kundi pulutin ang broken pieces ng puso na bloody na. Pero may twist pala ang story nila. Bumalik si JC dala ang plastic red rose, tinitigan siya nang intense bago dahan-dahang ngumiti. "So... Merry Christmas, Len..." sabi nito. 'Merry Christmas' dahil pareho silang may masakit na alaala sa Valentine's Day. Pareho silang nagpipilit kalimutan ang isang masakit na aksidente. Sa 'Merry Christmas' at sa red plastic rose kaya magsisimula ang forever nila? O ang mga susunod na araw ay dadagdag lang sa masasakit na alaala?
like
bc
Calle Amor (Complete)
Updated at May 1, 2021, 01:00
Tahimik ang mundo ni Jasmin bilang assistant ng limang taon na niyang boss na si Sir G. Masaya siya sa trabaho, nag-e-enjoy kasama ng mga kaibigan sa trabaho, at naging best friend pa niya ang guwapong abogado ng kanyang boss. Hindi niya naisip na sa isang iglap ay magbabago ang lahat nang magkasakit ang boss niya. Kinausap siya ni Sir G bago ang gabing isinugod ito sa ospital—inilahad sa kanya ang isang bahagi ng kuwento ng pamilya nito. At bago lumipad patungo sa Amerika para magpagamot ay ibinilin sa kanya ni Sir G na alalayan ang nag-iisa nitong anak—si Gareth na naging pansamantalang kapalit bilang bago niyang boss. Hindi napaghandaan ni Jasmin ang animo ipuipong pagdating ni Gareth sa kanyang buhay. Kung anghel ang ama nito, si Gareth ang buhay na counterpart niyon. Lahat sila ay tila gustong idamay ni Gareth sa galit sa mundo at sa miserableng buhay nito. Ngunit nang mamatay ang dati niyang boss ay naipit si Jasmin sa isang sitwasyong maglalapit sa kanya kay Gareth. Unti-unting lumalim ang pagkakakilala niya kay Gareth... at hindi niya napaghandaan ang unti-unti ring pagbabago sa tibok ng kanyang puso...
like
bc
Diary ng Maganda (Complete)
Updated at May 1, 2021, 00:53
Sa Dear Beautiful, ako si Venusa. Kilala ng online readers bilang witty and sarcastic lady-adviser na walang pakundangan kung magtapon ng masakit na katotohanan sa mga diary entry-sender. Iisa lang naman kasi ang problema ng mga magagandang readers ko-Pag-ibig. Kung si Venus ay goddess of love and beauty, si Venusa ay prinsesa ng ganda at love expert-iyon ang akala nila. Wala silang ideya na sa likod ni Venusa ay isang babaeng may lihim. Si Maria. Isang perpektong babae-maganda, matalino, matatag, walang kahinaan-sa paningin ng lahat. Subalit sa loob ng apat na sulok ng silid ko ay naroon ang katotokanan-na mag-isa ako at matagal nang nasasaktan. Ang sakit na iyon ay baon ko mula sa nakaraan. Nakaraan na saksi sa lihim ko. Lihim na nasa mga pahina rin ng diary ko. Ang diary ko na hawak ngayon ng isang tao-si B, ang nag-iisang lalaking kilalang kilala ako...
like
bc
Ed (Complete)
Updated at May 1, 2021, 00:48
Daisy wanted a perfect man. May check list siya ng mga katangiang kailangang taglay ng kanyang Mr. Right. Ang ilan sa 'must have'- guwapo, matalino, galing sa matinong pamilya at mayaman. Mala-fairy tale rin ang pangarap niyang love story. Keyword: Perfect. Pero sabi nga sa kanta ni Bruno Mars: She wanted someone that's perfect. Well okay, but can you tell me who is? Ang lalaking nasa tabi niya ay wala yata ang mga katangiang nasa listahan-abs lang ang meron, madilim pa ang isang bahagi ng nakaraan. Pero bakit tuwing umaalis si Edgar ay lagi niya itong nami-miss? At tuwing biglaang nagpapakita ay nakikita niya ang sariling laging lumalapit rito? Natakot si Daisy nang maisip ang posibilidad: Hindi kaya nahuhulog siya sa isang Mr. Wrong sa halip na Mr. Right? Paano na? Puso o check list?
like
bc
Eira (Complete)
Updated at May 1, 2021, 00:42
Nang mamatay ang lola na nag-iisang pamilya ni Eira, pakiramdam niya ay nawalan siya ng lugar sa malawak na mundo. Pero sa sitwasyong iyon ay dumating ang isang abogado para ipaalam sa kanya ang isang balitang kabilang siya sa walong tagapagmana ng pinakamayamang tao sa Sagada na si Don Alfonso Banal Sr. Ipinapasusundo siya ng don para makilala na rin daw niya ang sinasabi nitong bagong pamilya. Eira was looking for a new home, a new family. Umaasa siyang matatagpuan iyon sa bagong pamilya na naghihintay sa kanya sa Sagada. Pumunta siya sa Sagada. Pero ilang araw pa lang ang lumipas ay namatay ang don. Natagpuan ni Eira ang sarili na tinutupad ang mga huling utos nito. Kaakibat ng pagtupad sa utos ay nakilala niya si Lessandro "Alex" Callanta, ang lalaking nagturo sa kanya kung paano magmahal. Kaya lang, may iba na palang mahal si Alex. Kailangan niyang umalis para umiwas sa sakit. Pero kung iiwan niya ito, bibitawan din niya ang posibilidad ng tunay na kaligayahan. Pipiliin ba niyang maging duwag o pipiliin niyang sumubok kahit na posibleng sakit lang ang naghihintay sa kanya?
like
bc
Rogue (Complete)
Updated at May 1, 2021, 00:36
Inakala ni Diwa na matatakasan na niya nang tuluyan ang dati niyang buhay sa barrio nila bilang tagapaghatid ng mensahe sa mga ligaw na 'mumu'—nang isinama siya ng kaibigang si Maya sa Maynila. Nagkamali siya. Ilang araw pa lang ang lumipas ay kumatok sa pinto niya ang artistang si Enrique Ruiz para humingi ng tulong—pakalmahin daw niya ang nagpaparamdam na multo sa bagong biling bahay nito. Ang kaibigang si Maya ang dahilan kaya siya pumayag na tulungan ang actor. Pumunta siya sa bahay. Handa siyang sagupain ang ligaw na kaluluwa gamit lang ang tapang at ganda—okay, joke lang 'yong huli. Mala witch kasi ang dating niya—ang looks na panakot sa mga taong hindi siya talaga kilala pero 'ginulang' ng Mama niya kaya naniningil. Ang problema, sa unang gabi pa lang ni Diwa sa bahay ni Enrique, hindi multo ang kaaway na nakaharap niya kundi isang guwapo at makisig na intruder na naroon para pagnakawan ang actor—si Rogue. Akala ng dalaga ay maiisahan niya ang hot inruder. Mali siya. Mukhang siya ang paglalaruan nito. Nang mga sumunod na araw, natakot na si Diwa. Nanganganib na siya—pati kasi ang puso niya ay ninanakaw na rin ni Rogue!
like
bc
Rohn, The Heartbroken Ex (Complete)
Updated at May 1, 2021, 00:26
May sumpa raw sa mga Mahinhinon women na virgin pa: mamamatay nang maaga. Pinaniniwalaan iyon mula first generation hanggang sa generation na kinabibilangan ni Diosa at ng kanyang mga pinsan. Parang totoo nga ang sumpa. Muntik na kasi siyang masagasaan ng truck. Hindi makatarungan na ma-dead siya na isang virgin. Kaya naisip niyang umalis sa lugar nila at napadpad siya sa Baguio. Akalain ba niyang magkaka-twist ang bakasyong iyon. Unang gabi pa lang, may "sugo" na yata si Kamatayan. May intruder na ginulo ang pananahimik niya! Isang hot and drunk intruder. "Hinostage" siya nito sa kuwarto at ginawang human blanket. Nilalamig daw kaya yakap-yakap siya buong gabi! Nagkaideya tuloy si Diosa—gagamitin niya si Rohn, ang intruder— para ma-solve ang kanyang problema. Lasing-lasingan ang peg, ibinalandra niya ang sarili suot ang red mini dress na may slit na nagpapakita pati ng kanyang singit. Gumiling siya sa harap ni Rohn to the tune of "Even The Nights Are Better." "One night lang. Puwede bang... akin ka muna?" dagdag niya at nag-walling pa. Nawindang ang virgin cells niya sa sagot ni Rohn...
like
bc
Fate (Complete)
Updated at Apr 30, 2021, 22:04
Ang inakala ni Therese na magiging simula ng kanyang forever sa lalaking piniling makasama habang-buhay ay naging 'nightmare day.' Hindi kasi sumipot sa araw ng kasal nila ang Mr. Perfect niyang groom na si Raphael. Kung sa movies at books ay naaksidente o nagka-amnesia ang groom kaya biglang nawala bago ang kasal, sa story ni Therese ay clueless siya. Naglaho si Raphael nang walang paliwanag. Para takasan ang sakit at kahihiyan, nagpasya si Therese na magpunta sa Corazon. Walang itinerary. Ang gusto lang niya ay takasan ang lahat. Pero bago pa man makaalis, isang mysterious call ang natanggap niya. Ang message ng nakausap na lalaki: "Hihintayin kita sa Corazon." Si Raphael ang unang naisip ni Therese na naghihintay sa kanya. Itinuloy niya ang biyahe. Pero ibang lalaki ang paulit-ulit niyang nakikita sa bawat lugar na puntahan sa Corazon—si Benj. Si Benj na missing piece na bubuo sa life story ni Therese. Hawak kasi ng lalaki ang mga sagot sa maraming tanong niya...
like
bc
Heart's Deception (Complete)
Updated at Apr 30, 2021, 00:07
Sa una pa lang na pagtatama ng mga mata nina Honey at Benito-ang guwapong bading na kaklase niya na nagkukubli sa guwapong mukha at magandang katawan-ay mayroon agad hindi pamilyar na pakiramdam na nagpasikdo sa puso ni Honey. At habang tumatagal na kasama niya ang lalaki ay parang lumalalim ang parang mahikang epekto sa kanya ng magagandang mata nito. Nang mga sumunod na araw ay hindi na lang sa mga mata ni Benito siya may problema. Napapatitig na rin siya sa dibdib at abs nito at parang may humihila sa kanyang damhin ang mga iyon! Natuliro si Honey. Hindi maaaring totoo ang kutob niyang nahuhulog na ang loob niya sa kaibigan. Lalo siyang nalito nang matagpuan niya ang sariling nagseselos sa boss nito. Pakiramdam tuloy niya ay nababading na rin siya! Pero isang gabi ay nayanig ang mundo ni Honey nang umuwing nakainom si Benito---ibinigay lang naman sa kanya ang halik na lagi niyang naiisip gawin dito. At hindi sila nagtapos sa isang matamis na halik lang...
like
bc
Loving Lara (Complete)
Updated at Apr 30, 2021, 00:02
Nagtapos na ang mga bangungot. Nawalan ng mga kaibigan si Lara. Nawala rin si Miguel. Sa miserableng mundong binagsakan niya, may nag-abot ng kamay para ibangon siya--si Gabriel, ang twin brother ni Miguel...
like
bc
Zeus (Complete)
Updated at Apr 29, 2021, 23:34
Iniiwasan ni Ingrid ang umuwi ng Pulosa tuwing summer dahil sa ganoong buwan ng taon nagbabalik sa lugar ang lalaking iniiwasan niyang makita, ang crush ng bayan na si Zeus De Villar. Marami siyang 'nakakainis' na alaala sa lalaking sixteen years old lang noon at wala nang ibang alam gawin kundi inisin siya. Pati paborito niyang camote cue moments noong twelve siya ay sinisira nito. At ang pinakamalala, sinira ni Zeus ang pang fairy tale na first kiss na pantasya niya! At pagkatapos noon, hindi na niya nakita pa si Zeus. Sa pagbabalik ni Ingrid sa lugar kung saan ay inaasahan niyang makakawala siya sa bigat na nasa dibdib—dahil ang lalaking ginusto ay nahuli niyang ang kaibigan niyang sexy ang ka-kissing scene—ay matatagpuan ng dalaga ang sariling mas nalilito kaysa makaalpas sa mabigat na pakiramdam. Nagbabalik rin kasi ng Pulosa si Zeus—at handang guluhin pati ang puso niyang gulong-gulo na nga...
like