bc

Loving Lara (Complete)

book_age16+
854
FOLLOW
1.6K
READ
love-triangle
curse
decisive
drama
comedy
lighthearted
realistic earth
friendship
like
intro-logo
Blurb

Nagtapos na ang mga bangungot.

Nawalan ng mga kaibigan si Lara.

Nawala rin si Miguel.

Sa miserableng mundong binagsakan niya, may nag-abot ng kamay para ibangon siya--si Gabriel, ang twin brother ni Miguel...

chap-preview
Free preview
1
FORTY DAYS. Sinasabi ng ilan na sa mga araw na 'yan, nasa paligid pa ang kaluluwa ng isang namatay. Gusto ni Lara na maniwalang tama ang sinasabi ng ilan. Nasa huling araw na ng forty days pero hindi niya maramdaman ang presensiya ng lalaking mahal. Kahit sandali lang, kahit ilang segundo lang, gusto niyang makita ang best friend, ang lalaking mahal... Eleven thirty na. Thirty minutes na lang, pang-forty one days na. Bakit wala siyang naramdamang kahit ano? Bakit wala kahit simpleng clue lang na nasa paligid pa rin ang lalaking hinihintay niyang makita? Niyakap ni Lara ang pictures nila. Nakaupo siya sa kama. Pinili niyang sa kuwarto ni Miguel maghintay dahil naroon ang mga gamit nito. Ang lahat ng naroon ay posibleng kapitan ng energy na hihila rito pabalik. Nagsimula na naman siyang umiyak. Araw araw na siyang umiiyak pero hindi pa rin nauubos ang mga luha. Kailan ba mapapagod ang puso niya? Mas gusto niyang hindi na lang makaramdam para matapos na ang sakit. "Okay na kahit five seconds lang. Please, magpakita ka. 'Wag ka munang umalis nang hindi nagpapaalam. Five seconds lang..." Pakiusap niya kasunod ang pagpikit. Kung pinakikinggan ang request ng taong buong pusong humihiling, nasisiguro ni Lara na mangyayari ang hiling niya. Malamig na hangin ang naramdaman niya. Unti-unti siyang dumilat—para mas mapaiyak lang nang makitang nakatayo sa harap niya si Miguel. Nakangiti, ang ngiting pamilyar na pamilyar siya. "Mig..." Mahabang sandali na nagtama lang ang mga mata nila. Si Lara ang mas lumapit. Gusto niyang hawakan ito sa huling pagkakataon. Pag-angat ng kamay niya, pumikit si Miguel. Pumikit na rin siya para buhayin sa isip ang eksenang imposible na sa realidad. Lamig ang naramdaman ni Lara na sumalubong sa palad niya. Gumapang ang lamig hanggang naramdaman niya sa buong katawan. If you'd wake up alone one day, 'wag kang iiyak. Hindi mo lang naman ako kasama pero nasa paligid lang talaga ako—minsan araw, minsan ulan, minsan buwan o bituin...mas madalas, hangin. Hindi mo man nakikita, lagi lang nandiyan... Parang nag-echo kasama ng hangin ang boses ni Miguel. Hindi na nagmulat ng mga mata si Lara. Alam niyang mag-isa na lang siya sa kuwarto. Gusto niyang manatili sa isip ang eksenang iyon. Ang tunog ang bumukas na pinto ang nagpadilat sa kanya. Napatitig si Lara sa lalaking pumasok, may yakap na life size teddy bear. "Mig..." Hindi kumibo ang lalaki, tumitig lang nang diretso sa mga mata niya. Saka lang na-realize ni Lara na ibang tao ang kaharap nila. "Gab?" Saka lang humakbang ang lalaki papasok. Lumapit sa kanya sa mabagal na mga hakbang. Huminto ito sa harap niya. Tinitigan siya nang ilang segundo bago naramdaman ni Lara na kaswal na tinuyo nito ang mga luha niya. "Galing kay Mig," sabi ng lalaki. "Gusto niyang ako ang mag-abot sa bear na 'yan." Inilapag nito ang stuffed toy sa kama. "And here," inabot sa kanya ang isang journal. "Puso daw 'to ng bear na 'yan." Iyon lang at naglakad na ito pabalik sa pintuan. "Lara?" Napalingon siya. Isa sa obvious na kaibahan ni Gabriel kay Miguel ang paraan nito ng pagtitig at ang hindi man lang pagngiti. Parang kailangan lagi ng dahilan para ngumiti. "I'm just here," banayad na sabi ni Gabriel kasunod ang ngiti—unang ngiting nakita niya mula nang dumating ito ng Pilipinas. "Sabihin mo lang kung may kailangan ka." Tahimik na tumango lang si Lara. "And..." Napalingon uli ang dalaga. "Room ko 'to," ang sinabi nito. "Sa kabilang room ka." Napakurap-kurap siya. "Bukas ang flight namin ni Dad pabalik ng US pero babalik ako, Lara." "For good?" "For you." Umawang lang ang mga labi niya. "For good," pagtatama nito. Nag-half smile muna bago lumabas at inilapat pasara ang pinto. Ilang segundong napatitig si Lara sa pinto bago napailing. Hindi niya masyadong maintindihan ang kakambal ni Miguel. Inabot na lang niya ang light blue bear at niyakap. Ipapahinga na muna niya ang puso. Sa mga susunod na araw na niya babasahin ang journal ni Miguel. Napatingin siya sa pinto nang bumukas na naman. Si Gabriel uli, may dala nang pulang rosas. "Kasama ng bear at journal," sabi nito. "May message pa—Hindi ako nang-iwan. Nasa paligid lang ako, Lara. Pumikit ka lang, kamay sa tapat ng puso. I'll hold you always. Love, Mig—a.k.a ang hangin mo." "Thanks, Gab." "You're welcome. Be safe while I'm away." Naramdaman ni Lara ang maingat na haplos nito sa buhok niya. LOSING a loved one, sitwasyong pinakamahirap tanggapin. Ang bigat sa dibdib. Ang sakit sa puso. Para kang paulit-ulit na pinapatay. Sa mga gaya kong nasa parehong sitwasyon, maiisip mo talaga na mas madaling solusyon para matapos agad ang sakit ay ang hindi ka na makaramdam. Walang way para mag-'forced-manhid' ang puso kaya mate-tempt ka talaga na sumunod na lang sa mahal mong nawala. Suicide? Ah, many times kong naisip 'yan. Yes, many times na naisip pero hindi ko sinubukan. Why? Ang bilis lang kasi kung gagawin pero pagkatapos, ano na'ng mangyayari? Masasaktan lang ang mga maiiwan. Mag-iisip nang mag-iisip kung ano'ng nagawa nila o hindi nagawa. Kung saan sila nagkulang. Hindi tamang maiwan sa kanila ang burden. Hindi ko rin gustong humarap kay God na hindi ko siya masasagot nang tama. Ayokong humarap na 'di ko made-defend ang sarili ko sa mga tanong na: "Lara, bakit ka naging mahina?" "Lara, bakit hindi ka nagtiwala?" "Lara, bakit hindi ka kumapit sa Akin?" Paano ko ide-defend ang sarili ko kay God? Naisip kong mag-isip na muna ng 'right answer' para kay God. Sabi ko sa sarili ko, kung makakaisip ako ng sagot na mako-convince ko Siya—o kahit si San Pedro na muna—na tama ang ginawa ko, saka na lang ako magsu-suicide. For now, tatanggapin ko na lang muna lahat ng sakit. Iiiyak ko na lang muna lahat. Magkukulong ako sa room ko sa condo, magpapaka-zombie sa manuscript para lang maging busy, magbabiyahe nang walang pupuntahan, tutunganga sa puntod ni Mig, magpapakabasa sa ulan, maglalakad na parang baliw sa kalye, manonood ng movie at lalabas nang walang naintindihan, magpapakalasing, magpapakabusog—lahat ng puwedeng gawin para i-distract ang sarili ay gagawin ko. Para kahit ilang minutes lang, o kahit seconds na lang, mawala isip at puso ko ang sakit. Madaling gawin? Hindi. Ang hirap pero kailangan. Ang hirap pero hindi imposible. Ang hirap pero kaya naman kung gugustuhin. Sabi nila, lahat ng klase ng pain, nagagamot daw ng panahon. Gusto kong maniwala. Gusto kong umasa. Sana tama sila. Sana talaga...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
71.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook