bc

Diary ng Maganda (Complete)

book_age16+
754
FOLLOW
1.8K
READ
family
second chance
goodgirl
inspirational
drama
tragedy
sweet
lighthearted
mystery
first love
like
intro-logo
Blurb

Sa Dear Beautiful, ako si Venusa. Kilala ng online readers bilang witty and sarcastic lady-adviser na walang pakundangan kung magtapon ng masakit na katotohanan sa mga diary entry-sender. Iisa lang naman kasi ang problema ng mga magagandang readers ko-Pag-ibig. Kung si Venus ay goddess of love and beauty, si Venusa ay prinsesa ng ganda at love expert-iyon ang akala nila. Wala silang ideya na sa likod ni Venusa ay isang babaeng may lihim.

Si Maria.

Isang perpektong babae-maganda, matalino, matatag, walang kahinaan-sa paningin ng lahat. Subalit sa loob ng apat na sulok ng silid ko ay naroon ang katotokanan-na mag-isa ako at matagal nang nasasaktan. Ang sakit na iyon ay baon ko mula sa nakaraan. Nakaraan na saksi sa lihim ko.

Lihim na nasa mga pahina rin ng diary ko. Ang diary ko na hawak ngayon ng isang tao-si B, ang nag-iisang lalaking kilalang kilala ako...

chap-preview
Free preview
One
Halos hindi ako makahinga habang nakatitig sa mga mata niya. Pamilyar ang lugar na iyon. Nakikita ko siya sa lugar na iyon...tanging sa lugar na iyon lang. Gusto kong laging lumapit at titigan siya. Bakit? Dahil hindi nagsisinungaling ang mga mata niya. Naroon lahat. Nakikita ko lahat ng damdaming itinatago niya. Mga damdaming hindi mapakawalan. Sa mga araw at oras na natatagpuan ko siyang naroon ay walang kasinungalingan. Walang pagpapanggap. Walang pagsupil sa mga damdaming hindi niya magawang pakawalan. Hindi ko matiis na hindi siya lapitan. Hindi ko matiis na hindi siya titigan. Subalit naroon siya, nakakulong... "MOVE on, girl, for Prada's sake! Ten years? Wow! Si Sir Marco nga na sobrang nagmahal, twenty-o-nine iniwan twenty-eleven nag-start na mag-move on, eh. May Patricia na siya after four years! Two-to-five years, mapapatawad pa kita, pero ten years? Hindi na kita kinaya! "Here, sweets for your tummy! Feed your heart too, pathetic! Tanga mo, eh. Sino'ng may sabing maging dependent ka sa lalaking 'yan? Nasa relationship ka hindi para mawala ang sarili mong identity! Nasa relationship ka to grow, hello? Wala, hinayaan mo ang sarili mong maging dependent sa boyfriend mo. Hinayaan mong paikutin niya ang mundo mo! Ngayon ano? Nang iniwan ka niya, eh di isinama niya ang buong mundo mo? Pati sarili mo, hindi mo na kilala! Sige, ten years lang pala eh. Pakatanga ka ng ten years more, girl. Ikaw na!" "Punta ka sa Condo ko, 'wag na magdala ng foods, okay? 'Bigyan kita blade para sa pulso mo. RIP, hopeless chick!" "Shopping ka, girl. Buy ka ng shoes and bags sa store ko, nang kumita man lang ako sa katangahan mo!" Pinanood ko ang iba't-ibang facial expression ng apat na kaibigan ko. Binasag ng malalakas na boses nila ang katahimikan ng hatinggabi. Mga tigress na naman ang peg nila pagkatapos marinig ang diary entry na binasa mo mula kay Gaga In Love. Naging routine ko na iyon tuwing magkakasama kami, ang basahin ang diary entry na sentro ng gagawin kong article para makuha ang opinyon nila. Sa bawat article ko na lumalabas dalawang beses sa isang linggo sa Dear Beautiful ay pinagsamang opinyon naming magkakaibigan na binuo ko para ilatag sa readers—'yan ay kung nagtatagpo ang mga schedule naming lima tuwing weekend. Kung hindi, ako lang at ang laptop ang magkaramay. Sa bawat article ay nakapaloob ang sagot ko, at payo na rin sa problema ng lucky girl na nagpadala ng diary entry at napili ng taong dahilan kung bakit si Venusa ako ngayon—oo, may tao sa likod ng matagumpay na Love&Life, ang website kung saan ay isa sa mga feature page ang Dear Beautiful by Venusa. Last year lang, inilabas ang Voices of Venus, isang librong compilation ng mga articles na hinugot ni Boss sa Dear Beautiful page. Sino si Boss? Isang taong hindi ko magawang tanggihan, ang taong anuman ang iutos ay pikit-matang susundin ko, ang taong pinagkakautangan ko nang kung sino at ano ako ngayon. Ang taong hindi ko kailanman matatakasan. Huwag masyadong excited. Makikilala n'yo rin siya. Hindi nga lang sa unang buklat ng librong ito. Ang mga kaibigan ko muna sa ngayon. Sina Irie, Jessa, Harra, at Vanna ang mga ka-brainstorm ko sa bawat hatinggabing busy kaming lahat sa trabaho o kaya ay sa girls' talk tungkol sa maraming bagay. Tuwing buo kaming lima sa bahay na iyon na minana ko mula sa Lolo kong si Jose del Angeles, ang hindi nakilalang biological father ni Tatay kaya hindi hindi rin ako del Angeles. Apelyido ng kinagisnang ama ni Tatay ang dala ko. Hindi ko alam ang kuwento ng pagkakalayo nilang mag-ama. Abogado na lang ang nakaharap ko. Abogado ni late Lolo Jose na naglipat sa pangalan ko ng lahat ng iniwan ni Lolo para sa akin bilang nag-iisang babaeng apo. Ang ancestral house na iyon ang nagsisilbing 'hide-out' naming lima tuwing weekend Maraming issues ang napag-uusapan naming magkakaibigan, mga problemang nabibigyan ng solusyon, at mga tanong na nabibigyan ng sagot. Bawat isa ay may opinyon sa bawat issue, may katwiran sa bawat debate topic, may suggestion na payo, at may solusyon sa problem of the day. Sa buong linggo ay tahimik ang bahay na iyon. Pagdating ng weekend, tulad na lang ng gabing iyon na nagtagpo na naman ang mga schedule namin, ay buhay na buhay na naman ang bahay ni late Lolo Jose. Dalawang palapag ang bahay, may apat na kuwarto na naging parang silid na rin ng mga kaibigan ko. Tinalo na naman ng ingay namin ang nakabibinging katahimikan na bumabalot sa bahay na iyon sa loob ng limang araw na lumipas. Hindi maipinta ang mukha ng mga kaibigan ko, parang gusto nilang hanapin ang babae sa likod ng pangalang Gaga In Love, sabunutan at sampalin para matauhan sa kagagahan. Paano nga ba umabot sa puntong uminit ang ulo ng mga magaganda kong friends? Balikan natin ang entry ni Gaga In Love para maka-relate naman kayo. Dapat noong Valentine's Day pa ang update na ito, eh. Hindi ko nga lang nagawa. Sorry po, busy lang si Ganda Maria kaya na-late. (^_^) Hello, emoticon! Isn't it surprising? Isn't it amazing? \(~o~)/and what's the meaning of this pala? Wait langs, will Google it pa. \(◎o◎)/!*loud hi-hi-hi here* Magpatuloy na tayo bago pa uminit rin ang ulo ko. Dear Beautiful, I'm stuck here. Miserable. Same old ground. Help! Gaga In Love Hindi naman babangon ang ganda cells and blood mo kapag nabasa ito, tama? Tama. Sa huli na lang kasi 'yan. Heto ang pumukaw sa ganda cells ng mga friends ko. Handa ka na?  Ituloy natin ang pagpasok sa diary ni Gaga In Love. Dear Diary, Valentine's Day break up. Sunod-sunod ang patak ng luha ko. Gusto kong tawagan lahat ng mga kaibigan ko pero hindi kaya ng pride ko. Ang page na ito ng diary ang karamay ko sa mismong sandaling ito na pakiramdam ko, hindi lang puso ang nabasag kundi pati pagkatao ko. Pati kaluluwa  na rin pagkatapos ng break up namin ni Jeron. Ganoon katindi ang epekto ng sakit sa dibdib ko, sakit na parang nilalamon ako. Bakit nga ba hindi? Si Jeron na ang buhay ko. Sa kanya na umikot ang mundo ko sa nakalipas na walong taon. Sobrang sakit. Hindi ko magawang humingi ng tulong sa mga kaibigan ko dahil walong taon nila akong kinainggitan. Walong taon nilang tiningala at hinangaan ang relasyon namin ni Jeron. Perfect couple, 'yon kami sa paningin ng lahat. Perfect couple na may perfect relationship. Nasaan na ang perfect relationship na iyon? Gumuho sa gabi ng Valentine's Day. Ang dahilan? Hindi na ako mahal ni Jeron. Na-fall out of love na raw siya. Ganoon lang pala ka-simple ang lahat. Ganoon lang pala kadaling mawala ang pagmamahal. Lahat ginawa ko para sa relasyon namin pero sa isang kisapmata lang, wala na lahat. Ako na lang ang nakatayo sa espasyong pinangarap kong makita kami ni Jeron na nakatayo nang magkayakap habang buong pagmamahal na nakatitig sa isa't-isa. Ngayon, ako na lang ang nakatayo sa espasyong iyon—na luhaan at basag ang puso at pride. Tinangay ng hangin ang magandang tingin ko sa sarili. Ang pangit ko, iyon ang pakiramdam ko ngayong gabi. Nagawa akong ipagpalit ni Jeron sa ibang babae. Sa babaeng kabaligtaran ko. Morena ako, mestiza ang bago niyang girlfriend. At ang mas masakit, nakita kong masaya sila... Ramdam na ramdam kong basag na basag ako ngayon. Hindi ko alam kung paano ko bubuuin ang pira-pirasong puso at pagkatao ko. Hindi ko alam kung paano ako babangon. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko alam kung may araw pang sisikat bukas. Gaga In Love February 14, 2004  PINAWISAN ako sa isang ito! Ten years? Ten years na hindi pa rin maka-move on? Si Ginny ba ilang taon? Hindi umabot ng sampung taon bago niya natanggap na hindi siya kamukha ni Mama Mary, tama? Girl, sa tingin ko, wala ka namang problema sa sitwasyon, eh. Ikaw mismo ang problema. Oo, ikaw nga! Na-stress ako, sa 'yo, hija. Paka-gaga ka pa ng ten years more. Sayang naman ang time. Sabayan mo ng song na A Thousand Years sa background habang nasa isang tabi ka at inaalala ang mga moments n'yo ni Jeron. Si Bella ang peg mo na stuck sa upuan at nag-eemote. Puwede mo rin hintayin na tumubo ang fangs mo. Haist! Nasaan ba si Jeron ngayon? Huhulaan ko, isang dosena na ang anak sa babaeng ipinalit sa 'yo? Habang inaalala mo siya, happy naman siya kasama ang asawa niya? Ang tatag mo, ah! Eh ikaw, naaalala ka man lang ba niya? Oo, sigurado akong naaalala rin niya ako dahil marami kaming magagandang alaala together? 'Yan ba ang sagot mo? Mag-asawang sampal, 'you want, Gaga girl? Magkano na ba ang presyo ng bigas? Taon-taong nagbabago, tumataas! Eh, ikaw? Ten years na walang improvement? Ikaw na talaga, girl. Super stagnant kana, 'di ka na kaya ng ganda ko! Maawa ka sa ganda mo, sayang! Hindi maihahasik ang lahi mo dahil nagpapaka-go-gaga ka lang naman sa lalaking 'yan. Hindi ka magigising na lang isang umaga na nakalimutan mo na lahat. Hindi magic ang pag-alpas sa sitwasyong kinasanayan mo, sa sitwasyong pinili mong ilubog ang sarili mo, sa sitwasyong pinipili mo pa rin hanggang ngayon na magpakalunod pa. Will, girl. Kailangan mo ng capital W-I-L-L, na sabi sa dictionary app sa cellphone ko ay DESIRE. Kailangan mong magkaroon ng 'desire' na nagmumula sa loob mo—piliin mo, naisin mo, hangarin mo, gustuhin mo—ano pa ba? Ang huli ang bibigyan ko ng diin—GUSTUHIN. Oo, kailangan mong gustuhin na umalis sa sitwasyong 'yan. Gustuhin mong umahon! Huwag ka nang maghintay ng isang araw, ng isang buwan, ng isang taon pa—ngayon na, agad-agad! PILIIN mong palayain ang sarili mo. Simulan mo sa simpleng pagpili, maniwala ka, mula sa pagpili na 'yan ay unti-unti kang makakasulong hanggang tuluyan ka nang makalaya. Hindi madali pero magagawa mo. Makakaya mo kung gugustuhin mo. Pinili mo na, ano na ang susunod mong gagawin? Kilos. Kailangan mong kumilos para suportahan ang pagpiling ginawa mo. Pinili mo nang umahon sa sitwasyong 'yan, 'di ba? Itutok ang isip at buong atensiyon sa nais mong mangyari. 'Wag nang titigan gabi-gabi ang mga gifts ni Jeron. 'Wag nang basahin ang mga itinagong notes na kinuha mo mula sa mga bulaklak at chocolates na ibinigay niya. At parang awa mo na, sunugin na ang corny cards na binigay niya sa 'yo, isama mo ang mga lantang petals ng bulaklak na inipit mo sa diary mo at sa kung anu-ano pang libro na iniingatan mo pa rin hanggang ngayon. Tama ako, 'di ba? Nasa 'yo ang lahat ng binanggit ko? 'Wag rin kalimutang sunugin ang love album na nasa ilalim pa ng unan mo! Ang mga panyo na may pangalan n'yo, mga T-shirts, bracelets, pati medyas na parang uniform n'yo! Sigurado akong ang mga 'yan ang dahilan kaya inabot ng ten years ang pagmo-move on mo. Girl, nilulumot ka na! Umahon ka na, hija. Ngayon na! Hindi mo kaya? Puwes kayanin mo. Sa bawat pagpili ay kailangang manindigan. Ang bawat piniling desisyon ay kailangan mong pangatawanan. Mahirap? Alin ang mas madali, ang ipagpatuloy ang ginagawa mo ngayon kaya ka hindi naka-move ng ten years? Kung mas madali palang gawin 'yon, bakit ka pa sumulat para hingin ang opinyon ko? Ini-stress mo lang ang ganda ko, eh! Walang madali sa mundong ito, Gaga In Love. Kahit nga magpaka-gaga sa pag-ibig mahirap. Itanong mo kaya sa sarili mo ngayon kung gaano iyon kahirap? Ano, madali bang magpaka-tanga? Ang hirap 'di ba? Kung magpapaka-gaga ka na nga lang mahirap na, paano pa kaya kung kailangan mong gumamit ng isip? 'Kuha mo? Kahit minsan ba, hindi mo na-miss ang dating ikaw? Noong wala pa si Jeron sa buhay mo? Noong wala ka pa sa isang relasyon? Noong pamilya, career at sarili mo lang ang iniisip mo? Oo ba ang sagot mo? Balikan mo sa isip ang mga sandaling iyon. Pagkatapos, itanong mo sa sarili kung ano ang mga nagbago mula nang maging kayo ni Jeron? Nag-grow ka ba as a person? O naging maliit na ang mundo mo dahil nakulong kana sa relasyon n'yo? Siya na ang naging sentro ng atensiyon mo, siya na ang laging iniisip mo, siya na ang una sa priority list mo—siya na lahat. Siya na ang naging mundo mo kaya hindi mo na nakita ang lawak ng mundo, na na-miss mo dahil hinayaan mo ang sariling makulong sa limitadong mundo na siya ang sentro. Guilty? Bumalik ka sa mundong iniwan mo. Hindi pa huli ang lahat. Mahaba ang ten years na sinayang mo pero mas mahaba pa ang mga panahong darating para umahon ka at simulang mahalin uli ang sarili mo. Tama na ang pagmamahal na ibinigay mo. Sobra sobra na nga, eh. Umaapaw pa! Pang world record kana. Tama na! Lalong tama na ang mga taong sinayang mo. To hope is positive, but you should know when to give up. Hindi lahat ng pag-asa ay kailangang kapitan. 'Di ba, Wella? Ang hope, lason 'yan. Nakakaadik. Laklak ka ng realidad 'pag may time, okay? Try mo manood ng Starting Over Again. Alamin mo kung kailan na dapat bumitiw at sumuko. Parang gasgas na linya sa pag-ibig lang 'yan, Gaga In Love—na hindi lahat ng pag-ibig ay ipinaglalaban, may mga pag-ibig na dapat bitiwan dahil 'yon ang tama. Ten years ka nang binitiwan ni Jeron, grabe ka naman kung makakapit! Tama na, sobra na, girl! Give up na, for kagandahan's sake! Umaasa akong sa pagtaas uli ng presyo ng bigas, naka-move on kana! *_^ Sa pag-ibig, okay lang magpaka-gaga, 'wag naman araw-arawin, tripleng wrinkles 'yon, nakakapangit. Sa Ganda Rules na sinusundan ko, bagsak ka, hija. 'Wag mag-alala, may second chance pa. Ipasa mo na, ha? Sheeesh! Where's my favorite anti-aging cream? Stress ka girl, promise! P.S. 'Wag kalimutang nakakapangit ang magpakatanga! Pero naging tanga ka man, isa ka pa rin sa amin—babae. Babaeng hangad kong maging masaya. One big word for today—ACCEPTANCE. What you and Jeron had has ended already, everything you've treasured is over now. Accept the painful truth, Gaga In Love and take the first step forward—now. Venusa's watching you, Beautiful! Happy moving-on! Ilang sandali pa ay busy na ako sa laptop ko. Binubuo ko na ang more than five paragraphs na sagot ko sa diary entry ni Gaga In love. Pareho lang ng nabasa mo sa itaas. Mas maikli lang. Mas direct at mas malupit...in a constructive way naman siyempre. Hindi papayag si 'Boss' na lumampas ako. Dumadaan sa kanya ang mga articles ko bago ang final posting sa Love&Life. Sabay na halos na nag-ring ang cellphone ni Irie at ang cellphone ko. Si Boss ang tumatawag sa akin. Hinayaan kong mag-ring ang gadget. Hindi pa ako tapos sa ginagawa ko. Kung tatanggapin ko ang tawag, mapuputol ang smooth na takbo ng utak ko. Pagkatapos ng tawag kay Irie ay nagkuwentuhan pa kami sa pagitan ng kanya-kanyang trabaho. Two hours later, nagligpit na sila ng mga gamit. Hindi na ako nagtanong. Alam ko na na walang matutulog sa bahay ni Lolo Jose ng gabing iyon—ako lang, tulad ng maraming gabing umuuwi silang lahat sa kanya-kanyang bahay. At exactly two o'clock AM, nag-ring na naman ang cellphone ko. Sumandal ako sa backrest ng sofa at pumikit bago ko tinanggap ang tawag. "B?" na initial ng 'boss' "Coffee?" Hindi ako umimik. Nakuha ko agad ang mensahe. 'Coffee' ang ibig sabihin noon ay hindi pa niya ako gustong matulog. May trabaho na naman siyang ipapasa sa akin. Nakakapagod pero ito na ang buhay ko. Ito na ang mundo ko pagkatapos kong talikuran ang dati kong buhay. "Nasa labas ka?" gusto kong umasang wala siya sa labas ng bahay ko, gusto kong umasa na nasa malayo siya, na lilipas ang gabing iyon na makakatulog akong hindi siya ang huli kong kausap, na hindi siya ang huli kong makikita. "Yeah." Pinigil kong huminga nang malalim. Sa kabila ng lahat ay gusto kong makita niyang hindi ako napapagod, na kaya ko pa, na gagawin ko pa rin ang kahit ano'ng utos niya na hindi ako napipipilitan lang. Hindi ko gustong pagsisihan niyang tinulungan niya ako. Tumayo ako at tinungo ang pinto para buksan. "M," sabi niya pagkabukas ko ng pinto. 'M' for Maria, 'yon ang tawag niya sa akin. Tumango lang ako, ang nakasanayan kong tugon mula nang maging 'boss' ko siya. Hindi ko na maalala kung kailan ang huling araw na nagawa kong ngumiti sa kanya. Nakalimutan ko na. Kasamang naiwan sa dati kong mundo ang ngiting iyon, hindi ko na naibalik pa. Napansin kong wala naman siyang bitbit na kape. "Gising ako hanggang four AM pa, B. May changes ba sa—" "Mag-usap tayo bukas," putol niya. Inabot sa akin ang brown envelope na may kung ano'ng laman at isang plastic bag, nakita ko agad ang pangalan ng drugstore. "Instant coffee?" napapakunot-noong hula ko. Kape mula sa kilalang coffee shop ang natatandaan kong lagi niyang bitbit tuwing pinupuyat niya ako. Bakit biglang naging drug store? "Gisingin mo ako ng six AM," sabi niya at balewalang humiga sa three-seater sofa na iniwan ko. Hindi na ako nagulat, madalas niyang gawin iyon, kung hindi sa sala ay sa kuwarto ko mismo habang subsob ako sa trabaho. "Pag-usapan natin bukas ang mga gagawin mo." huling sabi niya. Tahimik na tumango lang ako. Bumalik ako sa harap ng laptop ko. Bago ko itinuloy ang ginagawa ko ay sinilip ko ang laman ng plastic bag na dala niya. Food supplements? "Nagpupuyat ka lagi, kailangan mo 'yan." Bumalik ang mga mata ko kay B, nakapikit pa rin siya, panatag sa pagkakahiga. "'Sabi mo, coffee?" Hindi na ako sinagot ni B, nakatulog na siya. Tinulugan niya akong nag-iisip kung bakit food supplements ang bitbit niya at hindi kape. Sinilip ko rin ang laman ng envelope na inabot niya. At ang nakita ko? Diary? Ibinigay ni B sa akin ang envelope, ibig sabihin ay para sa akin talaga iyon. Gusto niyang makita ko ang anumang naroon. Maingat kong inilabas ang may katamtamang kapal na diary na itim ang cover. Nakasulat sa medyo magaspang na black cover na iyon ang 'Diary 2009'. Hindi ko napigilan ang curiousity ko, binuklat ko ang unang pahina. Sa isang basket na puno ng magagandang hinog na kamatis, ako ang kulay berde. Hilaw. walang lasa, walang magkaka-interes kumuha. Kung sa bouquet ng preskong rosas, ako ang lanta na. Tuyo, walang bango, walang appeal. Ang isang rosas na dapat itapon. Kung sa pila ng mga prinsesang pagpipilian ng isang prinsipe, ako ang mahirap, ako ang walang magandang gown, ako si Cinderella—ang Cinderella na hindi pipiliin ni Prince Charming. Kasi wala sa akin ang ganda ni Cinderella. Ako si Meah. Pangit ako pero hindi ilusyonada. Hindi ko hangad maging Cinderella. Ang gusto ko lang ay maging ako. Si Meah na may totoong kuwento. At sa mga susunod na pahina ay masisilip ang mundo ko. Mundong hindi bahagi ng isang ilusyon kung saan ay pinag-aagawan ako ng mga guwapo. Realidad ko ang nakapaloob rito. Realidad ng isang pangit na gaya ko. Meah Maingat kong ibinalik sa envelope ang Diary ng Pangit na si Meah. Sa unang pagkakataon sa buhay ko bilang si Maria, natakot akong harapin ang isang bagong umaga. Sa unang pagkakataon sa buhay ko, nakaramdam ako ng pagnanais na hindi sundin ang anumang iuutos sa akin ni B tungkol sa Diary na iyon. Sa unang pagkakataon sa buhay ko, gusto kong tumigil ang oras para hindi na dumating ang umaga—umagang mag-uusap kami ni B tungkol sa Diary na iyon. Ngunit tulad ng sarili kong kuwento na hindi ko napigilang magpatuloy, tulad ng buhay kong hindi ko halos nasundan ang mga pagbabago, darating ang bagong umaga at mag-uusap kami ni B. Hindi ko gustong buklatin ang Diary ni Meah. Hindi talaga, kung may pagpipilian lang ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
71.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook