bc

Rohn, The Heartbroken Ex (Complete)

book_age18+
1.1K
FOLLOW
2.9K
READ
one-night stand
comedy
like
intro-logo
Blurb

May sumpa raw sa mga Mahinhinon women na virgin pa: mamamatay nang maaga. Pinaniniwalaan iyon mula first generation hanggang sa generation na kinabibilangan ni Diosa at ng kanyang mga pinsan. Parang totoo nga ang sumpa. Muntik na kasi siyang masagasaan ng truck. Hindi makatarungan na ma-dead siya na isang virgin.

Kaya naisip niyang umalis sa lugar nila at napadpad siya sa Baguio.

Akalain ba niyang magkaka-twist ang bakasyong iyon. Unang gabi pa lang, may "sugo" na yata si Kamatayan. May intruder na ginulo ang pananahimik niya!

Isang hot and drunk intruder.

"Hinostage" siya nito sa kuwarto at ginawang human blanket. Nilalamig daw kaya yakap-yakap siya buong gabi!

Nagkaideya tuloy si Diosa—gagamitin niya si Rohn, ang intruder— para ma-solve ang kanyang problema.

Lasing-lasingan ang peg, ibinalandra niya ang sarili suot ang red mini dress na may slit na nagpapakita pati ng kanyang singit. Gumiling siya sa harap ni Rohn to the tune of "Even The Nights Are Better."

"One night lang. Puwede bang... akin ka muna?" dagdag niya at nag-walling pa.

Nawindang ang virgin cells niya sa sagot ni Rohn...

chap-preview
Free preview
One
December 2015 "MAGPAPASKO talaga ang rampa mo, Yosh?" si Macaria Mahinhinon, a.k.a Ariah Bolocbuloc. Chubby at makinis. Five-four ang height, produkto ng Science ang sobrang light brown na buhok na kulot sa dulo. 'Bida sa teleserye hair' ang tawag nila sa ganoong pagkakakulot ng buhok. Si Floro Bolocbuloc ang bagong asawa ng pinsan—sixty three years old, wala ni isang puting buhok. Science din, siyempre. Matikas pa rin kahit senior na. Ang nagagawa ng yaman. Hindi alam ni Diosa kung saan nakilala ni Macaria si Floro. Hindi pa niya nakaka-chika ang pinsan. Nasa honeymoon week pa. Inabot ng thirty si Macaria na wala ni isang naging boyfriend. Singtaas kasi ng Mt. Everest ang standard nito. Pero ngayong biglaang nagpakasal at sa isang senior citizen pa, malinaw na malinaw kay Diosa ang rason—ang sinasabing 'sumpa' sa mga dalagang Mahinhinon. Usap-usapan iyon sa Pugad Agila. Ipinapasang parang weather news lang—generation to generation. At ang mga tsismoso't tsismosa, binabantayan ang magiging kapalaran nilang mga natitirang single sa angkan! "December twenty-two na ngayon," si Lemuella Mahinhinon a.k.a Ellah Debil. Chubby rin gaya ni Macaria pero mas matangkad. Five-seven ang height nito. Black beauty ang pinsan. Natural ang pagkakulot ng buhok. Parang sa maniquin ang mukha. A la Angelina Jolie ang lips. Si Marrio Debil naman ang asawa nito. Bagong mag-asawa lang din. Twenty-five years old na machong guwapo si Marrio. Ayon kay Lemuella, model ang lalaki na gustong mag-artista. Ang kutob naman ni Diosa, 'model kuno' lang. At ang totoong trabaho yata ay call boy. Judgmental lang ang peg niya. Hindi maiwasan ni Diosa. Pero kahit ganoon, hindi niya magawang kontrahin ang pinsan. Mahal lang talaga nito ang buhay. Napapaisip si Diosa kung paano nito napapayag si Marrio Debil sa kasal. Gaya niya, wala namang pera ang pinsan. Hindi ito makakapag-offer ng mataas na bayad kay Marrio. Kung si Macaria ay sigurado siyang nabihag ang sixty three years old rich Bolocbuloc, si Debil ay hindi niya matantiya ang dahilan ng pagpayag sa gusto ni Lemuella. Parehong inunahan nina Macaria at Lemuella ang thirty first birthday ng mga ito. magkasunod lang na nawala ang dalawa sa Pugad Agila. Nang magbalik ay may mga kasamang 'asawa' na. Hindi rin magawang dumaldal ni Lola Enriqueta—ang pinakamatandang Mahinhinon na nabubuhay sa mundo—sa biglaang pag-aasawa ng mga ito na hindi muna iniharap sa pamilya ang lalaki. Pagdating sa 'sumpa' tikom ang bibig ng matanda. Pabor ito na nag-asawa na ang dalawa. Kung angkan sila ng mga bampira, si Lola Enriqueta ang pinakama-impluwensiyang elder na sinusunod ng angkan. Batas ang salita nito. Walang may lakas loob sumuway. Ang takot kasi ng mga Mahinhinon, kapag nagalit at nagsalita daw ng masama ang matanda sa isang tao, napapahamak ang taong iyon. Naisip na nga nilang tatlo na baka witch talaga si Lola Enriqueta at may kinalaman rito ang tsismis tungkol sa sumpa sa mga virgin Mahinhinon. Ito na lang kasi ang buhay sa mga Mahinhinon sa henerasyon nito. Lahat ng mga Lola nila ay patay na. Single si Lola Enriqueta sa edad na eighty five! Bakit nalampasan ng matanda ang sinasabing sumpa? Ibinigay daw ni Lola Enriqueta ang sarili sa first love nitong may ibang mahal! Oh, ha? Akalain ba niyang nasa dugo rin pala nila ang pagiging sawi? Sa present generation, tatlo silang nahaharap sa sinasabing sumpa—si Diosa, sina Macaria at Lemuella—mga natitirang single na inabot ng thirty years old na walang boyfriend. Sa history daw ng mga Mahinhinon—history' lang dahil kuwentong ipinasa lang sa kanila—anim ang mga babaeng Mahinhinon sa henerasyon ni Lola Enriqueta. Tatlo sa mga kadugo nila ang namatay nang umabot nang thirty one years old na virgin. Sunog, aksidente sa daan at pagkalunod ang ikinamatay. Naniwala na sa tsismis ang dalawa niyang pinsan dahil sa pressure ng mga pamilya. Si Diosa na wala nang pamilya, walang nampe-pressure. Ang resulta, nakahanap ng mga asawa ang dalawa at siya ay naiwang nganga sa Pugad Agila. At sa pagbabalik ng dalawa sa lugar, ang mga ito na ang nang-pressure sa kanya! Si Macaria ang nag-suggest na magbakasyon si Diosa sa rest house na wedding gift daw ng asawa nito. Nasa Baguio ang rest house. Sa tuktok daw ng bundok. Masarap mag-emo at mangarap na gising. Next year pa nito inaasahan ang pagpunta niya ng Baguio. Nagulat ang pinsan nang sabihin niyang hindi na siya magpapasko sa Pugad Agila. "Ako na lang ang single sa 'tin," sabi ni Diosa Mahinhinon a.k.a. Yosah. Kung ang dalawa ay chubby, siya ay payat naman. Five-four ang height niya. Maputi rin siya pero hindi singputi at singkinis ni Macaria. Itim na itim ang buhok niya na hanggang batok. Natural ang lambot at kinang. At ang mukha? Bea Alonzo—oo, mga dalawang paligo na lang, papasa na daw siyang double ng actress. Silang magpipinsan din ang nagbigay ng nicknames sa mga sarili. Ariah, Ellah, Yosah—mga nicknames na pantakip sa mga totoong pangalan. With 'H' talaga. Dagdag effect lang. Pa-cool ayon kay Macaria. Sa generation nila, siya na lang ang single ngayong nagtagumpay na makahanap ng biglaang asawa ang dalawa. Kung hindi kikilos si Diosa, baka nga sunduin na siya ni Kamatayan bago siya mag-thirty one. "Naka-reserve ka na!" banat pa ni Lemuella. "Ialay mo na sa 'papa' 'yang 'Bataan' para sa buhay mo!" Ang saklap lang. Siya na ang walang forever, siya pa ang nanganganib matsugi. Ang pait, bhe! "Sa Baguio ako magpa-pasko para dama ko ang lamig," bitter na sabi ni Diosa kasunod ang pagbanat ng kanta. "Pasko na naman...ngunit wala ka pa..." Agad namang nag-duet ang mga pinsan para sabayan siyang mag-emo sa kanta. Wala pa man sa Baguio ay damang-dama na ni Diosa ang pagiging miyembro niya ng SMP—Samahan ng Malalamig ang Pasko. Bakit ba kasi nagmahal ng iba ang nag-iisa niyang pag-ibig sa Pugad Agila? Ah, ang kanyang kaibigan at first love... Si Adorado 'Dodot' Panis. Na-'panis' ang happy ending nila dahil nakipagtanan si Dodot sa bakasyunistang sexy sa Pugad Agila. Assuming lang pala si Diosa. Hindi talaga siya gusto ni Dodot gaya ng kutob niya. Three years ago, 'Napakasakit Kuya Eddie' ang theme song ni Diosa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

His Obsession

read
71.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook