bc

Thor (Complete)

book_age16+
701
FOLLOW
1.7K
READ
comedy
sweet
like
intro-logo
Blurb

Hirap si Dawn na isulat ang rom-com novel na in-assign sa kanya ng publisher dahil horror ang kanyang forte.

May nag-volunteer na tulungan siya, ang hunk model na si Thor Valdemor. Magro-role playing game daw sila—ang lalaki ang hero at si Dawn ang heroine. Bubuo raw sila ng maraming kilig scenes. Pumayag si Dawn, pero nag-set siya ng rules—na applicable lang kay Thor!

"Rule number one, no touching. Pakiligin ang heroine nang hindi hahawakan."

"Ang heroine ba, puwedeng hawakan ang hero?"

"Oo naman. Wala siyang limitations, 'di ba?" sabi ni Dawn. "Rule number two, strictly no kissing. Bawal i-kiss ni hero si heroine—lahat ng kiss, bawal."

"At ang heroine? Puwedeng i-kiss si hero?"

"Puwedeng-puwede. All types of kisses at kahit saan!"

"Dayaan na talaga!" reklamo ni Thor, pero nakatawa naman.

"Rule number three, hero must follow rules one and two. If not... Ah, hindi na 'mabubuhay' forever ang ano niya!"

Hah! Walang kawala sa kanya si Thor! Aba, hindi araw-araw na nagpapaulan ang langit ng libreng pakilig!

chap-preview
Free preview
One
"MERALCO, matitikman n'yo ang batas ng api!" may sampung 'i' para intense—kung isusulat niya sa blank na document sa screen. Sing-intense ng damdamin ni Dawn nang oras na iyon. Time check? 11:30 PM. Eleven thirty, bumabanat siya ng linyang iyon sa pagkaasar. Sigaw? Hindi. Original na linya? Hindi rin. Obvious ba? Kopya! Kung hindi lang nagdilim ang paligid, puwede sanang i-video ni Diomeda 'Dawn' Makulimlim ang sarili sa gagawin niyang mas malupit na reenactment ng scene ni Amor. Pero ang letc—okay, don't say bad words, Dawn—lettuce na lang—ang lettuce na Meralco, pinutol ang supply ng kuryente sa mismong moment na nakanganga siya sa telebisyon. Bakit siya nakanganga? Ang lettuce na manuscript niya ay hindi umuusad! Matitikman n'yo ang batas ng apiiiiiiii! Isang linyang nakasulat sa blank page bago nag-brown out. Ang weset na cursor kanina, panay ang blink na parang nang-aasar na wala siyang maisulat. Bakit ba kasi napagod na ang utak niya sa mga Impakto at Impakta? Sa mga aswang at kapre? Sa mga bampira at maligno? At pati ang Meralco, naki-join pang apihin siya? May liwanag daw ang buhay? 'Asan? 'ASAN?!? Napa-inhale exhale ang may giant block na writer. Paulit-ulit na inhale-exhale. Mayamaya ay bumuwelo—bumuwelo ng speech para sa sarili habang ang mga hair strands na naka-clam dapat ay kumawala na at nalalaglag sa iba't ibang bahagi ng mukha. Kung hindi lang madilim, isa 'yon sa moment na binobola ni Dawn ang sarili sa natural na ganda ng kanyang buhok. Siya ang buhay na patunay ng 'kinamay lang, umayos na' hair. Actually, hindi nga kailangang kamayin, hangin lang ay ayos na. Ganoon ka-perfect ang hair niya. Ang nag-iisang parte ng buong 'siya' na matatawag niyang maganda talaga. And the rest? Papatayin niya sa nobela ang matapang ang mukhang magtatanong. Itinuloy ni Dawn ang hindi mapigil na pag-speech sa gitna ng madilim na kuwarto. Isang haunted house-like na bahay iyon na nirerentahan ni Dawn. Kapag kailangan niya ng tamang 'mood' para sa work in progress manuscript, nire-rent niya ang bahay. Pamilya ng isang college classmate ang may ari. Nag-migrate na sa ibang bansa ang buong pamilya. Iniwan sa katiwala ang bahay. Wagas makasingil ng rent ang mga katiwala, daig pa ang mismong may-ari. Pero in fairness naman, si Dawn lang ang pinapayagang umupa sa bahay na iyon ng ilang linggo. Discounted na raw ang rate na pang-isang buwan na upa kahit three weeks lang siyang nagtatagal sa lugar. Kung hindi lang talaga may 'magic' para kay Dawn ang bahay na iyon ay hindi siya magbabayad sa presyong pang isang buwan. Ang bahay na iyon kasi ang ilang linggong tinirhan ni Dawn noong isinulat niya ang first horror book niyang Pulang Gabi. Naging bestseller ang libro. Si DM Violet pa si Dawn noon—three years ago. Sister company ng Priceless Publishing ang kompanyang nag-published ng Pulang Gabi. Last year lang naging contract writer ng Priceless Publishing si Dawn. Two years pa lang nang isilang si Dawn Mendez, ang PP writer na nasa f******k, Twitter at **. Writer na walang mukha si Dawn Mendez. Impakta ang display photo niya. Kung hindi tungkol sa books ang mga posts ay mga updates sa mga WIP stories. Walang readers ang nakakakilala sa totoong Dawn Mendez. Isa siya sa mga writers ng PP na hindi nag-aatend ng book signing events. Walang malalim na dahilan. Gusto lang niyang maging anonymous. Nagbigay si Dawn ng mga dahilan sa Publisher ng PP kung bakit gusto niyang maging 'anonymous'—bago siya pumirma ng kontrata. Kung hindi siya pinayagan sa request niya, hindi pipirma si Dawn ng exclusive contract. Maging ang pamilya ay hindi alam ang tungkol sa pagsusulat ni Dawn. Hindi na siya nagparamdam mula nang umalis siya ng bahay. Hindi rin naman siya hinanap ng mga ito. Mga kapwa writers na nakita na si Dawn sa meeting at ang PP staff lang ang nakakaalam na si Diomeda Makulimlim ay si DM Violet at si Dawn Mendez. Gothic writer na ngayon si Dawn ng PP. Sa totoo lang ay hindi niya naisip maging writer noon. At ang background niya? Hindi natapos ni Dawn ang kursong BS Psychology—na pinili lang niya na 'wala sigurong stress sa Math dito' ang nasa isip. Nasa huling semester na siya ng junior year nang huminto sa kolehiyo. Emosyon ang naging kalaban niya noon. Umalis siya ng bahay nila sa Parañaque at namuhay mag-isa. Binayaran ni Keith ang dalawang taong rent bago umalis, para daw hindi na dagdad sa expenses niya habang nagsisimula mag-isa. Nasa Caloocan ang bahay na iyon. Halos three years nang hindi umuuwi si Dawn sa kinilalang pamilya. Ang mga Ate niyang sina Clemencia at Inocencia ang umuuwi sa bahay nila sa Parañaque . Ang inang si Danila ay tahimik ang pamumuhay sa Pangasinan kasama ang bunsong kapatid na matandang binata, si Tiyo Dinoy. Katiwala ng ektaryang lupain si Tiyo Dinoy. Busy lagi sa pagsasaka. Ang tiyuhin ang nag-iisang Makulimlim na mabait sa kanya. Hindi na umuwi si Dawn sa pamilya pagkatapos niyang malaman na ampon lang siya. Hindi na rin nagbalik pa sa dati ang buhay niya. Three years ago—iyon ang taon na pinakamadilim ang mundo ni Dawn. Riot ang emosyon niya. Maraming iniisip, parang nag-o-overload na. Ang issue sa pamilya, ang crush na si Sir Sier Raullo at ang pag-alis ni Keith. Sabay sabay talaga ang pagbato sa kanya ng mundo. Una, nalaman ni Dawn na hindi siya tunay na anak. Pangalawa, ang crush niyang si Sir Sier, nagdala ng girlfriend na tisay at malusog ang boobs—engage na pala! Ang pag-alis ni Keith Ferrion ang huli. Si Keith ay best friend ni Dawn sa college. Ang parang anghel na dumating para iangat siya lagi kapag bagsak na. Hindi alam ni Dawn kung paano niya kinaya ang lahat. Ang natatandaan lang niya, ang laptop na iniwan rin ni Keith ang naging pinakamalapit niyang 'kaibigan'. Na-release ni Dawn lahat ng masakit at mabigat na emosyon sa sunod-sunod na horror novels na nagawa niya. Malulupit at madugo ang mga eksena. Marami sa readers niya ang nag-iisip na lalaki si DM Violet. Pulang Gabi, first published horror book ni Dawn na nasundan ng tatlo pa. Naging bestseller ang Pulang Gabi. Hindi iyon inaasahan ni Dawn. Ang gusto lang naman niya ay mag-release ng emosyon. Ang Pulang Gabi ang dahilan kaya siya nakilala at ipinatawag ng Publisher ng PP sa isang closed-door meeting after six months. Inalok siyang maging exclusive writer ng PP. Isang malaking challenge para kay Dawn na hindi na pure horror ang isusulat niya. Bukas ang Publishing sa iba't ibang genre. Gothic imprint ang napili niya. Naging maayos naman ang mga sumunod na taon ni Dawn sa bagong Publishing house. Maayos sana kung hindi lang sa mga gabing gaya nang gabing iyon na hindi gumagana ang utak ni Dawn. Nakatiwangwang ang mga manuscripts niyang hindi umuusad. Maraming chapter one, may dalawang chapter four, at may isang epilogue na agad. "Dawn, magsulat ka na!" pagkausap niya sa sarili. "Hindi uurong ang mga bills mo, teh! Simple lang kasi dapat, bakit ini-stress mo pa'ng buhok mo? Ganito lang 'yan, ha? Ipakilala si Impakta sa mortal na may dugong Impakto. Simple, 'di ba? Medyo i-apply ang rule sa romance—Impakto meets Impakta. Nagka-sparks, 'tapos naglandian. Da moves and hugot na. 'Tapos 'ayun na, conflict! Dumating ang Impakto from the other side—puwedeng galing lang sa puno sa likod bahay. Nakasakay si Impakto two sa puting kabayo—hindi nga lang magandang kabayo, malnourished! Wala, eh. Hindi lumaki nang tama ang kabayo sa mundo nila. Epekto ng pagbagsak ng ekonomiya. Impakto world man, may economic crisis din. Proof ng naghihingalong dangal ng Inang Bayan. Ano'ng next? Third party moment. Tinukso ng bagong dating na Impakto ang malanding Impakta. Nagpalandi naman ang gaga. Bumigay agad nakakita lang ng puting malnourished na kabayo. 'Ayun, ang relasyon ng Impakto at Impakta mawawasak na. Ilang araw pa, nasawak na nga. Nasagip? Hindi. Masagip man, mawawasak pa rin 'yan. Landi both, eh. Ang napapala ng mga malandutay. Bakit, akala nila forever na silang happy? Walang ganoon! 'Yong long time crush ko nga, sa tisay at malusog na boobs lang pala mahihibang! Ano'ng forever happy? Mga weset, wala na 'yon ngayon! At ang move on? 'Daling sabihin, 'no? Subukan kaya nilang lumugar sa lugar ko dati, ewan lang kung 'di sila gumapang nang luhaan. Mapapabanat ka pa ng Love Hurts! Weset na pag-ibig!" kausap niya sa sarili, may kasamang intense na damdamin sa bawat bagsak ng mga salita. Para siyang artista na kabisado ang emosyon sa bawat pagbitaw ng linya. Oo. Artistang nagde-deliver ng dialogue sa dilim ang peg ni Dawn. Sa gitna ng madilim na kuwarto. Biglang nagliwanag ang smartphone na nasa tabi ni Dawn—napatitig siya sa pangalang nasa screen.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
79.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
115.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
165.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
72.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
22.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook