Two

1344 Words
Sir Four? Walang kupas talaga ang Publisher ng Priceless Publishing na si Rafael Dimahingan IV o Sir Four sa kanilang lahat. Pang horror din ang peg! May sa multo kung magparamdam! Maghahatinggabi talaga kung tumawag—iyon ang laging oras ng tawag nito. Sa hula ni Dawn ay gising lagi sa ganoong oras ang Publisher nila pero himalang hindi nagkaka-eyebags. Hashtag immortal si Sir Four. Hindi gaya nilang mga writers na kilo kilo ang eyebags. Kung may genie na lalabas sa isa sa mga pages ng books niya na hindi tumutupad ng kahilingan kundi sumasagot ng mga tanong—oo, may ganoong genie, walang basagan ng trip—ang unang itatanong ni Dawn ay: "Genie, bakit walang eyebags si Sir Four at limang kilo ang eyebags ko?" Kapag nagkamali ng sagot ang genie, hahampasin niya ng boteng nilabasan nito hanggang matsugi. Walang silbing genie, parang Google lang, hindi masagot nang matino ang tanong niya tungkol sa kawalan ng eyebags ni Sir Four. Images ni Theo James ang sagot sa kanya ng Google nang subukan niyang itanong. Ano'ng gagawin niya kay Theo James? Mamahalin? Salamat na lang. Nagmahal na siya. Nagmahal siya pero walang sila—wala, eh. Secret love lang. Ang hirap kaya mag-move on kung hindi naman naging kayo! Kaya tama na. Kung tatayo sa harap ni Dawn si Theo James, mabilis siyang luluha. Magbe-break down siya at puno ng feelings ang linya: "Pagod na akong magmahal, Theo. Tama na, please. 'Wag mo na akong mahalin kasi ang sakit na. Ipaparamdam mo sa akin na prinsesa mo ako? Ibibigay mo sa akin ang affection na kailangan ko? At ako naman si Tanga na mafo-fall kasi pa-fall kang Impakto ka! Tapos ano? 'Pag mahal na kita, manlalamig ka na lang basta? Ako naman si gaga na mag-iisip ng kung ano ano, mapa-paranoid, magkakaroon ng kutob na may iba ka. Na hindi na ako nag-iisa sa puso mo. Na hindi na posible ang sana ako lang, sana ako pa rin, at sana ako na lang uli? Galing na ako sa moment na 'yan, Theo. Masakit kaya 'wag na nating ulitin. Hindi na kaya ng puso ko. Wasak na wasak na, eh. Ni hindi ko nga alam kung kailan 'to mabubuo. And please, 'wag mong sabihin na ikaw ang kailangan ko, Theo! Na ikaw ang lalaking maghi-heal ng mga scars ko. Ano ka, Sebo de macho? Contractubex? 'Wag ako. Iba na lang, Theo! Don't me! Sa exact moment na nakita ni Dawn si Theo James sa dilim na handa nang magbitaw ng linya bilang sagot sa madamdamin niyang speech, saka naman nagliwanag. Bad timing ang Meralco. Naglaho si Theo James. Bumulaga sa kanya ang katotohanan na nag-iisa siya sa kuwarto ng ala haunted house. May kasama nga pala siya, si Reid. Nawala na ang liwanag ng smartphone ni Dawn. BIGLAANG meeting or bagong assignment ang naisip ni Dawn na dahilan ng tawag ni Sir Four. Hindi kailangan ni Dawn ng bagong assignment sa status ng utak niya ngayon. Inspirasyon ang kailangan ko, Sir Four! Sigurado rin si Dawn na may ibang writer na tatawagan si Sir Four para ibigay ang bagong assignment—kung iyon nga ang dahilan ng tawag. Inabot niya ang smartphone. May naisip na gawin si Dawn na baka sakaling effective pangwasak ng writer's block. Hinanap niya ang paboritong playlist para i-play ang particular na kanta. Hinagis niya sa kama ang gadget na nasa full volume, hinila ang manipis na kumot at ibinalot sa sarili bago nag-pose na ala ballerina. Hindi nga lang niya kayang gayahin ang mga paa kaya ang kamay na lang ang itinaas, inarko ang baywang at nag-chest out. Nagsimulang umingay sa kuwarto ang Chandelier ni Sia. Nag-lip sync si Dawn nang bongga. Ginamit na props ang kumot para mag-ala star sa music video. Nakailang-lundag siya, gulong, tumbling, talon sa ibabaw ng kama at gapang na parang tigre, gulong uli at talon na naman sa ibaba at gumapang ala Sadako. Hindi pa nakontento, nag-walling, kinalmot ang kawawang pinto habang nagtu-twerk, nag-tumbling nang paulit-ulit hanggang nahilo, gumapang nang gumapang na parang nawala sa katinuan at nang huminto ay gumapang na naman ala Sadako, balot na ng kumot. Sunod nang sunod sa kanya ang pusang si Reid—oo, galing kay James Reid ang pangalan ng suwerteng pusa na ang ganda ng mga mata. Alaga si Reid ng katiwala ng 'haunted house'. Bumanat si Dawn ng kanta. Malayo naman ang kapitbahay, walang magbabato ng bubong sumigaw man siya. "I'm gonna swing from the chandelier...from the chandelier. I'm gonna live like tomorrow doesn't exist. Like it doesn't exist..." tumalon siya sa kama at binugbog ang mga unan. "I'm gonna fly like a bird through the night, feel my tears as they dry. I'm gonna swing from the chandelier, from the chandelier." Nagpagulong-gulong si Dawn, napasobra ang feel na feel na pag-eemote—bumagsak siya sa sahig na gawa sa kahoy. Lagot ang balakang niya. Nakatitig sa kanya si Reid. Kung tao ang pusa, nakanganga na. Naputol ang musika dahil sa muling pagtawag ni Sir Four. Hindi pa nangyaring tumawag ang Publisher ng dalawang beses sa isang araw kaya naisip ni Dawn na importante. Hingal kabayo siya nang tinanggap ang tawag. Para siyang galing sa marathon. "H-Hello, Sir...Good...good evening po," may pagitan ang bawat pagsambit niya sa salita. Hindi niya magawang pigilan ang paghingal. Tahimik ang kabilang linya. Napakunot noo naman si Dawn. Napindot lang yata ang number niya? "S-Sir Four?" ulit niya para makasiguro, naghahabol pa rin ng hininga. "Dawn?" Ang mababa at buong-buong boses nito ang narinig niya. Na sa mga ganoong pagkakataon na nasa kabilang linya ito at magkausap sila, kung character sa kuwento niya ang Publisher ay kapre ito dahil sa timbre ng boses. Pero kung romance ang genre niya, Batman-hero ang magiging character nito sa boses pa lang. "Busy ka?" sanay na siya sa isa o dalawang linya nitong sinasabi. Buhay na patunay si Sir Four ng mga lalaking sobrang tipid magsalita. Hindi rin nga nito gusto ang pagti-text kaya tuwing may tanong si Dawn, kung hindi walang reply ay tatawag ito para ibigay ang sagot. "Yes...yes, Sir," habol uli ng hininga. Katahimikan. Napaisip yata ang Publisher na kung sa manuscript siya busy, bakit siya hinihingal? Hindi nga naman nakakahingal ang manuscript. Pero wala siyang kailangang ipaliwanag. Wala namang pakialam ang Publisher kay Diomeda Makulimlim. Ang buhay niya bilang si 'Dawn Mendez' lang naman ang concern nito. "Nasa bahay ka?" Ay, grabe, Sir! Alangan namang nasa sanga ng puno at naglalambitin? Impakta na rin yata ang tingin nito sa kanya dahil sa mga nobela niya. Sa pagkakatanda ni Dawn, hindi nagtatanong nang ganoon ang Publisher. Pagkatanggap niya ng tawag ay walang ligoy ang pagpapasa ng impormasyon. Lugar at oras ang huling babanggitin nito bago tatapusin ang tawag. "O-Opo, Sir. Hindi po ako nag-go-ghost hunt ng ganitong oras, promise. Hindi...hindi rin po ako naglalambitin sa sanga ng puno." Hingal uli. Lumapit si Reid at dumikit sa kanya, idinikit ng pusa ang mabalahibong katawan at ikiniskis sa kanya. "Naman, eh. Mamaya na, Reid—aray naman! 'No ba?" kasunod ang tawa dahil naghalo ang sakit at kiliti ng apak-apakan siya ng pusa sa gitna ng mga hita para maidikit ang sarili sa kanya. Tahimik uli ang kabilang linya. Parang busy sa ibang bagay si Sir Four habang nakikipag-usap. Mas marami pa ang katahimikan kaysa sa mga segundong nagsasalita ito. "Sir—" Inagaw ni Sir Four ang sasabihin niya. Nagbigay ng oras at date. Importanteng meeting daw at kailangang pumunta siya. Magtatanong pa sana si Dawn pero mabilis nang pinutol nito ang pag-uusap at nawala na sa kabilang linya. Si Reid na lang ang tinanong ni Dawn nang dapat niyang itatanong kay Sir Four. Madamdaming 'ngiyaw' ang sagot ng pusa. Inulit niya ang pag-play sa Chandelier. Nag-lip sync uli siya at nag-ala 'exhibitionist' na may props na kumot at unan. Tumigil lang si Dawn nang pakiramdam niya ay nailabas na ng buong katawan ang pang isang araw na pawis. Hindi man nawala ang giant block, gumaan naman ang pakiramdam ni Dawn. Umayos yata ang daloy ng dugo niya dahil sa 'exercise'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD