Three

1133 Words
LIMANG minuto bago ang oras ng meeting ay dumating sa office ng Priceless Publishing si Dawn. Lunes ang araw na iyon. Biyernes ng hatinggabi ang tawag ni Sir Four. Hindi siya lutang dahil tinulugan ni Dawn ang tinatapos na Gothic novel. Kung ipipilit niya ay siguradong babanat lang uli siya ng Chandelier at guguluhin ang sariling kama. Baka kalmutin na siya ni Reid sa susunod na 'gumawa' siya ng music video. Iniwan niyang mag-isa ang pusa. Hindi sigurado ni Dawn kung babalik siya sa bahay na iyon sa Rizal o uuwi muna siya sa Caloocan. "Wala ka pa rin namang makikita sa bag ko," sabi ni Dawn sa lady guard na nasa entrance ng office. Nagsulat siya sa log book ng guard, nag-check naman ito ng kanyang bag "Limpak limpak na salapi lang," kasunod ang nagbibirong ngisi. Natawa ang lady guard. Nagpasalamat pagkatapos gawin ang inspection sa bag niya. Paalis pa lang si Dawn sa harap ng lady guard ay magkasunod namang dumating ang dalawa niyang co-writers—na hindi man niya kadikit o talagang ka-close ay kilala niya naman sa mga mukha. Salamat sa social media. Nakita na rin niya ang dalawa sa mga nakaraang writers meeting. Paminsan-minsan ay nagkakasabay rin sila sa office sa iba't ibang concern—paychecks, manuscripts, contracts, brainstorming, at annual writer's party. Si Dream De Gracia, rom-com writer ng PP at si VA Sinclair na kilala namang YA writer ng PP ang mga bagong dating. Napatitig siya kay VA Sinclair. Bagong gupit. Ang ikli ng buhok ni ateng! Mas umikli ang buhok na maikli na dati pa. Na-emphasize ng bagong gupit nito ang shape ng mukha. Parang mas naging bata sa totoong edad. Una na niyang napansin ang maamong mukha at mabait na mga mata. Slim at petite si VA, malayo ang agwat ng height niya sa height ng babae pero sa skin naman ay ang layo nila. Pakiramdam ni Dawn ay ang itim niya kung itatabi rito. Maputi ang babae at makinis. Siya ay morena—walang magawa ang whitening soaps sa balat niya. Matagal na niyang isinuko ang pangarap na maging ka-skin ng mga kapatid niyang tisay. Ang nagagawa na lang niya ngayon ay protektahan ang morena skin na huwag nang umitim pa—sunblock lotion! Lumipat kay Dream ang tingin ni Dawn. Mas matangkad ang babae kay VA. Maputi at makinis rin. Gaya ng una niyang nakita ito, tuwid na tuwid na naman ang hanggang baywang na buhok. Kung close sila, magbibiro sana siyang 'nag rejoice ka, te?' Hindi sila close kaya pinilit niyang itikom ang bibig kahit gusto na niyang dumaldal. Naamoy niya ang scent nito—DG light blue. 'Ansabe ng tig fifty pesos na cologne ko kay ateng? Mas nauna sa kanya ang dalawa sa PP kaya sa hula niya ay pang-fifty pesos cologne pa lang talaga ang talent fee niya kung iku-kompara sa mga ito. Ayos lang. Hindi perfume ang problema niya kundi ang monthly bills. Ngumiti siya at nag-hi sa dalawa habang abala ang mga ito sa pagsusulat ng mga pangalan sa logbook ng guwardiya. Gumanti ng pagbati si VA. Si Dream ay abala sa pagsusulat sa logbook pero tumango at ngumiti sa kanya. Nagdesisyon si Dawn na hintayin na lang ang dalawa. "Pay check or other things?" walang ingat na tanong niya sa mga ito. Ang sadya nito sa office nang araw iyon tinutukoy niya. "Other things," sagot ni Dream. "Other things din," si VA naman, at napatingin sa likuran nito dahil may pumasok uli na bagong dating—si Belle Dame. Salamat sa pagdating ng kilalang erotic romance writer na si Belle, dalawa na silang magkakulay sa lugar na iyon. Pareho silang morena ng babae pero mas matangkad ito sa kanya. Mga five-nine siguro ang height ni Belle. Paiba-iba ang kulay ng mahaba at curly na buhok nito sa ilang beses na nakita niya ang babae sa office. Natatandaan ni Dawn ang babae dahil pareho silang prangka. Natawa na lang siya no'ng isang beses na nagkasabay sila at walang preno ang bibig nito. Nagkuwento si Belle tungkol sa tinatapos na manuscript. Binanggit nito na nagamit na raw ang lahat ng 'position' sa mga kuwentong naisulat, paulit ulit na rin lang daw ang mga lugar kaya nabo-bored sa tinatapos na manuscript. Wala daw bago. Puro s*x. Nag-suggest si Dawn, nakalambitin sa shower ang babae habang nagdo-'do'. Sa pagka-wild ng dalawa, nasira ang shower, namatay ang dalawa dahil sa pagkabagok ng mga ulo. Naging multo sa shower room—tinapos niya ang suggestion na siya na ang bahala sa book two. Tawa sila nang tawa habang nasa lobby ng admin office ng PP. "Uy, girls! Hi!" masiglang bati Belle sa kanilang lahat. SA private office ni Sir Four ang meeting. Nagpunta sa rest room si Dawn at pagbalik niya, wala na ang tatlong kasama sa lobby ng admin office. Si Miss Marlie ang naabutan niya, ang forty-five years old na secretary ni Sir Four. In-assist siya ng babae patungo sa private office ng boss nito—at doon ay nakita ni Dawn sina VA Sinclair, Dream De Gracia at Belle Dame. Apat lang kami? Sa isip ni Dawn. Ano'ng meron? Sa tingin niya ay iyon rin ang iniisip ng tatlo; napapatingin sila sa isa't isa. Base sa katahimikan ay napapaisip rin ang mga kasama niya. Bakit silang apat lang? May thirty na yata ang writers ng PP. Wala rin sa kanilang apat ang senior batch. By batch kaya ang meeting na 'yon? Pero hindi niya naman ka-batch ang tatlo. Siya ang pinakabago sa mga ito. Inilapat ni Miss Marlie ang pinto pagkapasok ni Dawn. Umupo siya sa tabi ni Dream. "Tayo lang kaya o may iba pang hihintayin?" basag niya sa katahimikan. "Iniisip ko rin," sagot ni Dream, hinagod ang rebonded na buhok. "Kung tayo lang, bakit? Nasa'n 'yong iba?" "By batch ang meeting?" singit ni VA na Victoria ang real name. "First batch tayo?" si Belle naman, abala na sa iPad. Handang-handa yatang magsulat ng notes. "Monday ngayon, eleven thirty pa lang. Ten AM ang dating ni Sir Four sa office, di ba?" "Kung may dumating ng ten AM, second batch na tayo," si Dawn naman. "Para saan kaya ang meeting?" "Royalty?" bulong ni Dream na katabi niya, napapangiti. "Ay naman, 'te! Wish ko lang!" bulalas niya, wala siyang inilabas kahit small notebooks dahil wala siyang dala. Sunblock, payong, bottled water at laptop lang ang nasa bag niya. "Wish ko rin 'yan!" si VA naman. "Hindi ko wish 'yan. Want!" si Belle. Tawanan sila. Tawanan na naputol nang pumasok si Piolo Pascual—este si Rafael Dimahingan IV o Sir Four na naka-jeans at shirt lang. Sabay sabay lang na umayos sila ng upo at nawala ang mga ngiti. Napatingin na naman siya sa mga mata ng Publisher. Nakakainis talagang hindi ito nagkaka-eyebags samantalang gising ng late night.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD