Four

1320 Words
"Good morning!" buong-buo ang boses, pantay ang tono na bati nito pagpasok sa private office. Kasunod nito si Miss Marlie na may dalang mga notes. "Good morning, Sir Four!" sagot nila sa magkakaibang level ng boses. Dalawang malakas at dalawang mas mahina. "Kumusta kayo?" Pagkaupo sa harap nilang apat ay tanong nito. Pabilog ang mesa sa office kaya magkakaharap sila at hindi malalayo ang distansiya. Isa-isa silang apat na dinaanan ng mga mata ng Publisher. Mula kay VA hanggang sa kanya at bumalik uli kay VA bago nagtanong. "VA," huminto ang mga mata nito sa babae. "Ano'ng tinatapos mo ngayon? Genre, title and chapter?" "YA po, Sir. Antonette's First Love. Chapter nine." Tumango si Sir Four. "Dream?" "Rom-com pa rin po, Sir. Si Crush Next Door. Chapter five." "Belle?" "Forbidden Affair. Chapter three po, Sir." "Dawn?" "Captured, Sir. Connected po sa ire-release kong gothic book next week. Chapter four pa rin." Tumango-tango si Sir Four, nanahimik na para bang nag-isip. Mayamaya ay isa-isa uli silang tiningnan. Mula kay VA hanggang sa kanya na naman. "YA, Rom-com, erotic, gothic, tama?" kasabay ang isa isang pagturo sa kanilang apat. 'Tama po, Sir," chorus nilang sagot. "Gusto n'yo bang sumubok ng ibang genre—" "Hindi po, Sir." Chorus uli ang naging pagsagot nilang apat, sabay-sabay. "Ini-expect kong 'yan ang sagot n'yo," sabi ni Sir Four. Nilingon nito si Miss Marlie na naroon lang at nakatayo. Inabot ni Miss Marlie ang mga notes na hawak sa Publisher nila. Ilang segundong sinipat iyon ni Sir Four bago nag-angat uli ng tingin—at isa isang inabot sa kanila ang mga notes. Siya ang huling binigyan—na ng tingnan niya ay oras ang nakalagay. "Five minutes," sabi ni Sir Four at tumayo na. "Iiwan ko muna kayo. After five minutes, babalik ako at may gagawin tayo. Think. Ano'ng ginagawa n'yo sa oras na 'yan?" Naglakad na si Sir Four palabas kasunod si Miss Marlie. Silang apat ay naiwan na nakatitig sa mga oras na nasa notes. "Four AM," sabi ni Belle. "Nakatitig ako sa screen ng laptop?" "Ten PM," sabi ni Dream. "Nagre-ready na matulog?" "Seven AM," sabi ni VA. "Bagong gising ako?" "Eleven thirty PM," si Dawn naman at natawa nang maisip kung ano'ng ginagawa niya nang oras na iyon; hindi nang nagdaang araw kundi noong Friday. Natulog lang naman kasi siya kagabi. Walang 'recall scene' "Katatapos ko lang mag-shoot ng music video pagkatapos ng nakakaasar na brown out. Magkasama kami ni Reid sa room." Napatingin sa kanya ang tatlo. "Reid?" si Dream. "James Reid?" si Belle. "May kasama kang lalaki?" si VA Tumawa siya. "Meron. Lalaking pusa." "Ah..." pare-pareho na naman ang reaksiyon ng mga ito. "Ah" at bumalik ang mga mata sa notes. Ang bilis lang ng limang minutong lumipas. Bumalik na si Sir Four at hindi na kasama si Miss Marlie. "Ready?" umupo ito sa iniwang upuan. Sa kanya unang tumutok ang mga mata ng Publisher. "Dawn. Time?" "Eleven thirty, Sir." "Friday night. Ano'ng ginagawa mo sa oras na 'yan?" "Kausap ko po kayo?" "Eleven forty five mo tinanggap ang second call ko, Dawn." Ay grabe! Ang galing talaga ng memory mo, Sir! Laging puyat pero walang eyebags at ang lakas pa ng memory? Wow. Ikaw na talaga ang perfect, Sir Four! Ano'ng secret mo? Pa-share naman nang maalala ko kung saan ko nailagay ang mga nawawala kong pens at guide notes. "Ahm...nag-e-exercise, Sir Four." "Alone?" "Hindi po. Kasama ko si Reid—puting pusa na alaga ng katiwala sa 'haunted house' na nire-rent ko for a few weeks para ma-feel ko ang mood ng next story ko." "Eleven thirty. Exercise. Sa dalawang 'yan, gumawa ka ng short scene." "Eleven thirty. Nag-brown out. Mag-isa si...Carmen," 'Carmen' ang naisip ni Dawn na pangalan dahil sa pagkamatay ng character na iyon sa episode ng Ang Probinsiyano. "Ilang seconds pa lang iyon matapos ang brown out. May mga narinig siyang hikbi sa gitna ng dilim, at may...may nararamdaman siyang parang bulak na humahaplos sa mga binti niya. Sa liwanag na mula sa smartphone ni Carmen, naaninag niya ang kakaibang mga mata na hindi pamilyar. Naghatid iyon ng kilabot na—" "Hindi scene sa isang gothic story," putol ni Sir Four. "Po? Hindi gothic story, Sir?" "Rom-com," malinaw na sinabi nito. "Pero...genre po 'yon ni Dream, Sir Four—" "Na gusto kong gawin mo." Laglag ang panga ni Dawn. Napakurap-kurap na lang habang nakatitig sa publisher nilang seryoso at pormal ang anyo. Kung ala Piolo Pascual ito sa totoong buhay, nang sandaling iyon ay naging Four, The Kapre ito sa mga mata niya. Rom-com? Hindi naisip ni Dawn kahit sa weird niyang panaginip ang magsulat ng rom-com. Hindi iyon ang genre na para sa kanya. Malupit ang mga scene niya. Malupit at madugo. Walang lugar ang comedy. Mabibigat ang emosyon niya sa mga horror at gothic stories niya. Paano siya magko-comedy? Sabog na scene ang ibinigay ni Dawn kay Sir Four. Nawindang lang naman kasi pati yata ang kaluluwa niya. Paano siya mabilisang makakagawa ng rom-com scene? Nang mga sumunod na sandali ay nakikinig na si Dawn kung paanong ginulo ni Sir Four ang mga utak nila sa maikling activity na iyon. Pinagbali-baligtad lang naman ng Publisher ang mga genre nila. Naging obvious na pare-pareho silang hindi handa sa pagbabago. At nagtapos ang meeting na iyon na binigyan silang apat ng bagong assignment. Bagong assignment na naghatid ng hindi birong stress sa kanilang apat. Si VA na YA ang genre ay in-assigned para sa erotic romance story. Si Belle na erotic romance ang genre, in-assigned sa horror story. Si Dream na rom-com ang genre ay in-assigned sa gothic story. At siya na gothic ang focus sa PP ay in-assigned sa rom-com! Napatanga silang apat. Hindi makapaniwala sa sinabi ni Sir Four. At lalo na silang nagulantang nang sabihin ng Publisher na walang tatanggaping manuscript mula sa kanila ang editorial team ng PP kung hindi ang genre na in-assigned nito. Tulala silang apat nang sabihin ni Sir Four na tapos na ang meeting na iyon. Extended hanggang sa labas ang 'nganga mode' nilang apat. Sa pagka-stressed sa bagong assignment, naisip nila na kumain muna para makapag-kuwentuhan na rin. Sa tingin ni Dawn, gaya niya ay kailangang kailangan rin ng mga kasama ang kausap. At silang apat rin ang makakaindi sa emosyon nila nang araw na iyon. Pagdating sa fast food na una nilang nakita, si Sir Four na ang naging topic. Ang naging 'kalupitan' nito sa kanila. Na-extend ang kuwentuhan hanggang sa kumakain na sila. Naka-dalawang rice silang apat dahil sa stress. Simot ang lahat ng nasa ng plato nang sa wakas ay nailabas nilang apat ang mga saloobin sa nangyaring meeting kanina lang. At siguro nga, para silang mga isda na biglang iniahon ni Sir Four sa dagat at iniwan sa lupa para gawin ang mga dati nilang activities sa dagat. Paano nga naman magiging madali sa kanila iyon? Hindi na matandaan ni Dawn kung sino sa mga kasama ang nag-suggest ng bakasyon para mag-unwind. Naglalaro kasi sa utak niya ang mga nagko-comedy na maligno, pasayaw-sayaw na impakto at nagtu-twerk na kapre. Lalo siyang na-stress. Hindi na nag-isip na sumang-ayon siya sa biglaang trip. Nagpapalitan na sila ng mga personal numbers nang mga sumunod na sandali. Ang huling naiwan sa isip ni Dawn pagkatapos nang mahabang 'usapan—na lahat yata ay rant lang, ay nag-iiwan na sa kanya ang mga kasama ng personal information para sa flight nila papuntang Palawan. Sa linggo agad sila aalis, 'yon ang usapan. May nag-volunteer na mag-aayos ng tour nila. Hindi na alam ni Dawn kung sino sa mga kasama. Panay na lang ang tango niya. Lutang na ang isip. Hindi pa siya nakaka-recover sa kinalabasan ng meeting. Umuwi si Dawn sa bahay sa Caloocan. Hindi na rin niya maipu-push ang Gothic MS na tinatapos niya. Pagdating sa bahay ay tulala lang si Dawn, nakatitig sa dingding. Rom-com? Parang gusto niyang maging bold star na lang!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD