bc

Zeus (Complete)

book_age16+
1.7K
FOLLOW
5.3K
READ
comedy
sweet
like
intro-logo
Blurb

Iniiwasan ni Ingrid ang umuwi ng Pulosa tuwing summer dahil sa ganoong buwan ng taon nagbabalik sa lugar ang lalaking iniiwasan niyang makita, ang crush ng bayan na si Zeus De Villar. Marami siyang 'nakakainis' na alaala sa lalaking sixteen years old lang noon at wala nang ibang alam gawin kundi inisin siya. Pati paborito niyang camote cue moments noong twelve siya ay sinisira nito. At ang pinakamalala, sinira ni Zeus ang pang fairy tale na first kiss na pantasya niya!

At pagkatapos noon, hindi na niya nakita pa si Zeus.

Sa pagbabalik ni Ingrid sa lugar kung saan ay inaasahan niyang makakawala siya sa bigat na nasa dibdib—dahil ang lalaking ginusto ay nahuli niyang ang kaibigan niyang sexy ang ka-kissing scene—ay matatagpuan ng dalaga ang sariling mas nalilito kaysa makaalpas sa mabigat na pakiramdam.

Nagbabalik rin kasi ng Pulosa si Zeus—at handang guluhin pati ang puso niyang gulong-gulo na nga...

chap-preview
Free preview
One
2015. Summer. Pulosa. NATATAWA si Ingrid habang nakatatingin kay Shara na iniipon sa dust pan ang mahaba niyang buhok na pinutol nito. Pekeng humihikbi ang paborito niyang parlolista sa Pag-asa, ang tinatatawag na 'Barangay Uno' ng Pulosa. Godofredo ang totoong pangalan ni Shara. Kung paanong naging 'Shara' ay iniisip pa rin ni Ingrid hanggang nang sandalig iyon. Walong taon na ang lumipas pero parang walang nagbago kay Shara liban sa kulay ng buhok. Naghuhumiyaw na violet ang kulay ng buhok nito ngayon na halatang ginaya kay Vice Ganda ang style. Pekeng ngumawa na naman ang bading, iniiyakan ang buhok ni Ingrid. Hindi lang iyon, kada ilang segundo ay tititigan nito ang buhok at magmo-monologue—hinding-hindi raw ito makaka-move on sa pagkawala ng magandang buhok niya. Si Ingrid ang unang customer sa Shara's Salon kaya siya lang ang mag-isang natatawa sa kalokohan ni Shara. Na-miss rin pala niya ang bading. Isa si Shara sa mga nagpapatawa sa kanila ni Kuya Val noon. Salamat na lang at hindi natuloy ang pag-alis ng bading sa Pulosa. "Bakit ba kailangang buhok agad ang saktan?" reklamo pa ni Shara, tutok ang atensiyon sa mga buhok sa sahig na para bang mga piraso iyon ng ginto. Mayamaya ay ngumawa na naman. Hinila na ni Ingrid ang buhok nito—tumili ang bading para bang nire-r**e, ang mismong eksenang napasukan ng mag-nanay na customer. Biglang tumahimik si Shara, naging ala-politiko na naman na sumalubong sa mga supporters. Napailing na lang si Ingrid. Isang beses pa niyang tinitigan sa salamin ang sarili. Gusto niya ang bagong anyo. Hindi siya manghihinayang sa nawalang buhok gaya nang hindi rin niya panghihinayangan ang mga bagay at taong nawala sa kanya. Magmo-move on siya at magiging masaya. Nag-chin up siya, kasunod ang pag-angat ng isang kilay. Kayo ang nawalan, hindi ako... sa isip niya habang nakatitig sa mga mata ng sariling repleksiyon. Be brave. Be happy. Be the best version of yourself. Go, Ingy! Biglang lumitaw ang mukha ni Shara sa likod ng repleksiyon niya sa paborito nitong 'halimaw face' at hinostage siya. Na-shock nang ilang segundo si Ingrid bago natawa. Sinikmuraan niya ang bading bago binigyan ng tip. Narinig niya ang tawa ng mag-inang nakapuwesto na rin para magpagupit. "Hi mo ako kay Fafa Val, Ingy!" pahabol ni Shara nang palabas na siya. "Balik ka!" Ngisi lang ang tugon niya rito. Lumabas na para ituloy ang walang planong paglilibot nang araw na iyon sakay ng mountain bike. Nang mga sumunod na sandali ay nasa kalsada na si Ingrid, tinatatanggap ang masarap na hampas ng hangin—ah, na-miss niya ang pakiramdam. Ilang taon na ba mula nang nagkarera sila ng pinsan—na naging higit pa sa kapatid sa kanya—sakay ng mga bisikleta? Ilang taon na mula nang huli siyang kumain ng camote cue ni Aling Juaning? Si Aling Juaning na nasa ibang bayan na. Ilang taon na ba mula nang nawala ang 'gupit-ala-Val' na buhok niya? Ilang taon na ba mula nang nagtagal siya sa Pulosa? Nagbuga si Ingrid ng hangin at ngumiti sa sarili. Sa pagbabalik niyang iyon sa lugar, babalikan rin niya ang masayang kabataan. Sa masasayang alaala siya magsisimulang sumulong. Hindi madali pero unti-unti siyang aahon. Mawawala rin ang sakit. Makakalimutan rin niya lahat. Mas binilisan niya ang pag-pedal sa bisikleta. Dumagdag ang speed niya. Pakiramdam ni Ingrid ay bigla siyang naging malaya mula sa ilang taon na pagkakakakulong. Tama lang pala na pinili niyang umuwi ng Pulosa. Mas magiging madali para sa kanya ang magsimula uli. Iniliko niya ang bisikleta patungo sa direksiyon ng simbahan—ang dinarayong simbahan sa Pulosa. Ang lugar kung saan siya nakakatagpo ng ibang uri ng katahimikan. Natatandaan ni Ingrid na tuwing nagba-bike sila ni Kuya Val sa umaga, lagi silang dumadaan sa simbahan bago umuwi. Hindi niya alam kung regular pa rin na ginagawa iyon ng pinsan mula nang umalis siya. Ang alam lang ni Ingrid, araw araw na inirereklamo ni Kuya Val na nawalan ito ng 'Robin' nang umalis siya. Robin dahil ito ang 'Batman' niya. Tumigil lang sa pagrereklamo si Kuya Val nang maging abala na ito sa paglilingkod sa bayan. Kagawad ng barangay Pag-asa ang pinsan. Maging mayor ng Pulosa raw ang pangarap nito na tinututulan ni Tiyo Monching dahil marumi daw ang pulitika. May natural na karisma si Kuya Val, hindi na siya nagtataka na nag-number one ito sa botohan. Mayamaya pa ay natanaw na ni Ingrid ang krus sa itaas ng simbahan. Wala sa loob na nag-preno siya. Ang hindi pamilyar na kotseng makinang na silver ay napansin niyang huminto rin sa mismong tapat niya na parang may tiningnan. Umalis rin agad mayamaya. Hindi bumaba ang tinted na salamin kaya hindi nakita ng dalaga ang mga sakay. Idagdag pang wala sa kotse ang atensiyon niya—nasa lugar. Biglang bumagal ang bike ni Zeus, nanlaki na lang ang mata ni Ingrid nang iharang nito ang bike. Agad siyang nag-preno. "Baliw ka, Zeus!" bulalas ng dalagitang si Ingrid. "Ano na nama'ng trip mo, ha?" natanaw niyang dire-diretso sa nakabukas na gate ng simbahan ang bisikleta ni Kuya Val. Naiwan na sila. "Bakit ka nagpagupit ng buhok?" "Wala kang pakialam." "Sayang ang buhok mo, 'Go—" "Kung gusto mo, eh 'di ikaw ang magpahaba! At 'wag mo nga akong tinatawag na 'Go', hindi tayo close! Umalis ka nga diyan!" "Bakit gustong-gusto mong maging 'Robin' ni Val?" "Bakit ba ang dami mong pinapakialaman?" binangga niya ang gulong ng bisikleta nito. "Sabihin mo 'yan kay Kuya Val! 'Alis na!" "Mukha ka na tuloy siopao," dugtong ni Zeus at ngumisi. "Bagay na talaga sa 'yo ang Inggo." Pinaikot nito ang bike at iniwan na si Ingrid na nanggigigil. Hindi niya maintindihan kung bakit kahit simpleng mga pangungusap lang mula kay Zeus ay napipikon na agad siya. Minsan nga, hindi pa man nagsasalita si Zeus ay naiinis na siya. Ang kayabangan lang nito ang makita niyang dahilan dahil bukod doon ay wala nang kapintasan ang 'crush ng Pulosa.' Napailing si Ingrid sa naisip. Sa lugar na iyon talaga, hindi maaring hindi niya maalala si Zeus De Villar. Sa lugar na iyon laging hinaharang ni Zeus ang bisikleta niya para hindi siya kaagad makasunod kay Kuya Val sa simbahan. Aasarin lang naman siya nito bago siya hayaang makadaan. Itinuloy ni Ingrid ang pagtungo sa simbahan. May tatlong kotse na siyang nadatnan sa tapat. May mga mas maaga pa palang dumalaw sa kanya. Kasama sa tatlong kotse ang kulay silver na napansin niya kanina. Inayos niya ang stand ng bike sa gilid ng simbahan. Pagkatapos ay tumuloy na siya. Ngiti ang tugon niya sa mga batang sumalubong sa kanya. Hindi na siya binigyan ng sampaguita. Mga turista lang ang inaabutan ng mga ito ng mga bulaklak. Ang mga kilalang mukha gaya niya na laging naroon ay ngiti lang ang pagbati ng mga bata. May iilang tao na nasa loob. Tahimik na tumuloy si Ingrid sa isa sa mga blangkong upuan,lumuhod, ipinikit ang mga mata para maging malaya sa distractions...at nanalangin. Maikling sandali lang ang plano niya pero nang masimulan ng dalaga ang pakikipag-usap sa isip sa paborito niyang Listener, natagpuan niya ang sariling parang batang nagbabalik sa Amang ilang taon niyang hindi napuntahan—para magsumbong, para maglabas ng sama ng loob sa mga taong nanakit sa kanya. Hindi na nagulat si Ingrid nang may maramdaman siyang paisa-isang mga luha. Tahimik niyang tinuyo ang mga iyon at patuloy sa 'pakikipag-usap'. Hindi na namalayan ng dalaga na mahabang sandali na ang dumaan. At nang sa wakas ay nasabi na niya lahat, marahang nagmulat si Ingrid at huminga nang malalim. Sorry po, sa isip niya. Ang haba na naman sumbong ko. Thank you. Thank you sa pakikinig sa sentiments ko. At natagpuan niya ang sariling magaan na ang pakiramdam. Inayos ni Ingrid ang sarili at marahang tumayo. Sa labas na ng simbahan nakatutok ang tingin niya habang humahakbang. "Inggo?" boses na mula sa kaliwang mga upuan ang nagpahinto sa hakbang ni Ingrid. Nasa may pintuan na siya. Hindi iyon boses ng pinsan. Lalong hindi boses ni Shara. Itinuloy na lang niya ang paghakbang. May iilang tao pa sa simbahan kaya malamang ay hindi siya ang tinawag. "Inggo!" ulit ng boses at naramdaman niya ang mga yabag. Huminto si Ingrid sa mismong pintuan ng simbahan at lumingon—na nauwi lang sa pagsinghap nang bigla siyang niyakap ng kung sino... at hinalikan sa lips! Gulat na gulat si Ingrid. Sa pagka-shock ay hindi siya nakapalag. Nag-blurred yata saglit ang paningin niya dahil sa halik—na hindi simpleng halik lang. Mariing halik! At nang unti-unting luminaw sa dalaga ang lahat at nagkaroon ng mukha ang nagnakaw ng halik sa kanya ay nanlaki na lang ang mga kanyang mata. Ang huling lalaki sa lupa na naisip niyang makita sa dinarayong simbahan sa Pulosa nang araw na iyon. "Z-Zeus?" Suwabeng tawa ang tugon ng guwapo—este ng 'kabayo' na mortal enemy niya. "'Missed me?" Sinuntok niya sa mukha ang bruho bago siya nag-walk out.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
70.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook