bc

Fate (Complete)

book_age16+
654
FOLLOW
1.6K
READ
second chance
manipulative
inspirational
drama
sweet
small town
like
intro-logo
Blurb

Ang inakala ni Therese na magiging simula ng kanyang forever sa lalaking piniling makasama habang-buhay ay naging 'nightmare day.' Hindi kasi sumipot sa araw ng kasal nila ang Mr. Perfect niyang groom na si Raphael.

Kung sa movies at books ay naaksidente o nagka-amnesia ang groom kaya biglang nawala bago ang kasal, sa story ni Therese ay clueless siya. Naglaho si Raphael nang walang paliwanag.

Para takasan ang sakit at kahihiyan, nagpasya si Therese na magpunta sa Corazon. Walang itinerary. Ang gusto lang niya ay takasan ang lahat. Pero bago pa man makaalis, isang mysterious call ang natanggap niya. Ang message ng nakausap na lalaki: "Hihintayin kita sa Corazon."

Si Raphael ang unang naisip ni Therese na naghihintay sa kanya. Itinuloy niya ang biyahe. Pero ibang lalaki ang paulit-ulit niyang nakikita sa bawat lugar na puntahan sa Corazon—si Benj.

Si Benj na missing piece na bubuo sa life story ni Therese.

Hawak kasi ng lalaki ang mga sagot sa maraming tanong niya...

chap-preview
Free preview
Prologue
WHERE do broken hearts go? Pamilyar na tanong sa isang kanta. Five words na naisip ni Therese na itanong kay Mr. Google. Nakakulong siya sa sariling kuwarto at hindi gustong makipag-usap kahit kanino—kahit sa mga magulang na paulit-ulit siyang kinakatok para kumustahin, sa dalawang kapatid na nangungulit, sa maid na nasa oras ang hatid ng pagkain na hindi naman niya ginagalaw, at sa ilang kaibigan na sinubukang makipag-usap.             Gusto niyang mag-isa.             At sa wakas ay pinagbigyan rin siya ng mga ito.             Heto siya ngayon, nasa madilim na kuwarto. Pagkatapos ng mahabang oras na pagtulala habang nakasalampak sa sahig at nakatitig nang tagusan sa kisame, nagbukas si Therese ng laptop para itanong kay Mr. Google kung saan dapat magtungo ang mga kagaya niya.             Sumagot si Mr. Google.             Maraming pagpipilian. Pumili si Therese ng isa—isang blog ang nagturo sa kanya sa isang lugar.             Corazon.             Aalis siya para takasan ang lahat.             Pinatay niya ang laptop at nagdesisyong gawin ang naisip na effective na distraction—ang manood ng horror movie at takutin ang sarili.             Humugot siya ng isa sa mga DVDs na hiniram sa bunsong kapatid na si Terrence. Ni hindi na niya tiningnan ang title, isinalang na lang basta sa player.             Ang balak ni Therese ay takutin ang sarili para mailayo ang atensiyon sa bigat na nasa kanyang dibdib pero wala rin namang epekto. Hindi siya tinablan ng maingay na tunog. Tulala lang siya sa flatscreen TV, ni walang epekto pati ang weird na paggapang ng isang character palabas sa TV. Tagusan kasi sa screen ang titig niya. At habang sa pinapanood ay lumalabas sa TV ang multo, ang nakikita naman ni Therese sa isip ay eksena sa simbahan—tumatakbo siya pabalik sa bridal car suot ang kanyang wedding gown na worth fifty thousand pesos.             Walang epekto ang horror movie hanggang natapos iyon.             Pero nang tumunog ang phone ay napapitlag siya—at napakurap-kurap.             Mamamatay na rin ba siya in seven days?             Wala sa loob na napatingin si Therese sa screen ng telebisyon. Hindi naman siguro magliliwanag iyon at lalabas ang multong napanood niya.             Napapailing na lang si Therese. Hindi niya gustong sagutin ang tawag pero nang maisip na baka si Raphael iyon ay tinanggap rin niya.             “Hello?” wala halos tunog na bungad niya.             Katahimikan. “Hello?” ulit niya. Mas kinutuban siya na si Raphael ang nasa kabilang linya. Kung posible lang i-wish na mamanhid ang puso ay matagal na niyang ginawa. Wala pa ring sagot pero malinaw na may nakikinig sa kanya sa kabilang linya. “Hello—” “Therese?” putol ng buong-buo at mababang boses ng lalaki sa kabilang linya. Sa tono ng tanong ay hindi sigurado kung siya nga si Therese.             Napakunot-noo ang dalaga. Hindi iyon boses ni Raphael. Hindi rin boses ni Rowell, ang dapat ay best man sa kasal nila na hindi niya alam kung nasaan na ngayon. Hindi man makapaniwalang iiwan rin siya ng kaibigan sa sandaling kailangang-kailangan niya ito ay wala na siyang panahong maghanap pa ng sagot. Pakiramdam ni Therese ay bumagsak sa kanya ang buong mundo. “Yes…” wala siyang balak dugtungan pa ang isang salitang iyon. Hindi rin siya interesadong itanong kung sino ang caller.             “Hihintayin kita,” mababang sabi ng lalaki sa kabilang linya.             Umawang ang mga labi ni Therese. Nalito. Kilala ba niya ang lalaking ito? Sa pagkakatanda niya ay wala siyang kinausap mula nang araw na hindi natuloy ang kasal nila ni Raphael.             Napaayos si Therese ng upo. Kung hindi binanggit ng lalaki ang kanyang pangalan ay iisipin niya na hindi talaga para sa kanya ang ‘wrong timing’ na tawag. Sino naman kaya ang lalaking ito na eksakto pa sa masamang sitwasyon ang weird na tawag?             Gumamit ba ng tao si Raphael para magkausap sila?             “Magkasama ba kayo ni Raph? Utos ba niya na tawagan ako? Saan? Saan ko siya pupuntahan?”             “Sa Corazon.”             Napanganga si Therese. Napatingin sa smartphone na nasa kama kung saan naka-save ang mapa na gagawin niyang guide patungong Corazon. Nagmula ang mapa na iyon sa blog na nagturo sa kanya ng lugar.             “C-Corazon?” nalilitong ulit niya. Masamang-masama man ang pakiramdam ay sigurado si Therese na walang pinagbigyan ng numero sa bahay nila. Wala rin siyang napagsabihan tungkol sa naisip na pagtungo sa Corazon. Utos ba talaga ni Raphael ang tawagan siya? Bakit parehong lugar ang sinasabi ng caller kung saan siya hihintayin?             Napahagod sa buhok ang dalaga, kasunod ay sa sentido. Pumikit siya at dumilat. Ang gulo na ng kanyang isip. Ilang ulit niyang ginawa iyon, gustong tiyakin sa sarili na gumagana nang tama ang kanyang utak. Nitong mga nakaraang araw ay lutang siya. Gulong-gulo ang isip at mabigat ang dibdib. Marami siyang tanong na walang sagot. Marami rin siyang gustong gawin—una ay hanapin at kausapin si Raphael. Gusto niyang malaman kung ano ang nangyari. Kung napahamak ba, kung anong kasalanan ang nagawa niya para isubo siya sa ganoong kahihiyan at pagkatapos ay basta na lang iniwan.                   Magsasalita pa sana si Therese pero wala na ang lalaki sa kabilang linya. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.1K
bc

His Obsession

read
72.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook