bc

Len's Love (Complete)

book_age16+
991
FOLLOW
2.6K
READ
family
boss
drama
first love
friendship
lies
lonely
virgin
love at the first sight
nanny
like
intro-logo
Blurb

Valentine's Day, nakatanggap ng special message si Lenlen mula sa isang college classmate na gaya niya ay dumaan din sa masakit na pagsubok. Inspiring ang message. Hinahamon din ang tapang niya na mag-confess ng feelings sa lalaking ilang taon na niyang secret love.

Inipon ni Lenlen ang tapang niya. Medyo ginalingan pa nga niya ang pagbibigay ng red heart tag kay JC Alcazar, ang 'perfect man' na kamukha ni Ian Veneracion. Lalaking puwede niyang mahalin secretly lang kasi imposibleng ibalik nito ang parehong feelings. Nag-take ng chance si Lenlen.

Magkaka-heart attack na siya sa kaba sa pagbabasa ni JC sa 'I love you' niya sa red heart card. Parang hindi pa rin kumukurap si JC. At nang sa wakas ay kumilos ito, nag-utos lang at iniwan na siya.

Basag agad ang puso ni Lenlen. At wala siyang choice kundi pulutin ang broken pieces ng puso na bloody na. Pero may twist pala ang story nila. Bumalik si JC dala ang plastic red rose, tinitigan siya nang intense bago dahan-dahang ngumiti.

"So... Merry Christmas, Len..." sabi nito. 'Merry Christmas' dahil pareho silang may masakit na alaala sa Valentine's Day. Pareho silang nagpipilit kalimutan ang isang masakit na aksidente.

Sa 'Merry Christmas' at sa red plastic rose kaya magsisimula ang forever nila? O ang mga susunod na araw ay dadagdag lang sa masasakit na alaala?

chap-preview
Free preview
1
VALENTINE'S Day. Si Leanelle "Lenlen" Desiderios, hashtag alone sa condo. Ang nagbabalik na cook na si Ate Shaleng na Shamara ang real name, nag-request ng day off kay Sir JC dahil may date. Parang ang saklap lang na ang forty three years old na cook ay may ka-date na uli sa Valentine's Day pagkatapos ng 'masalimuot' na past relationship; siya na twenty years old lang—fresh na fresh at NBSB—ay mag-isa. Pero hindi importante kay Lenlen ang araw o ang celebration. Halos three years na siyang huminto mag-celebrate ng kahit anong holidays. Wala naman kasi siyang pamilyang inuuwian sa holidays. At lalong hindi niya inaalala ang Valentine's Day. Masaya at malungkot na alaala kasi ang attached sa araw na iyon. Mas nangingibabaw ang lungkot kaya mas pinipili niyang huwag bigyang pansin. Ayaw niya ng kahit ano'ng celebration na magpapaalala sa kanya ng month at date. Gabi ng Valentine's Day almost three years ago, kasama pa niya si Tito Nello. Gabi kinabukasan, naaksidente ang kotseng minamaneho nito. Dead on the spot ang tiyuhin habang dead on arrival sa ospital ang babaeng amo nito na kasama sa kotse. Nawalan si Lenlen ng nag-iisang kapamilya. Nawalan si Sir JC ng asawa at si JD na three months pa lang noon ay nawalan ng ina. Pero may iba sa Valentine's na iyon. Nakatanggap si Lenlen ng something unexpected—isang red envelope na red heart card ang laman. Galing iyon sa isang college classmate—si Yanna Heart Alegro. Sa first year lang sa college naging magkaklase sila ni Heart at hindi rin sila close. Hindi rin maalala ni Lenlen na naging friends sila. Ang natatandaan lang ng dalaga, nag-drop ang kaklase ng February. Parehong taon na pinili din ni Lenlen na tapusin na lang ang semester at mag-stop muna sa pag-aaral. Pareho sila ni Heart na sinubok ng mundo. Si Lenlen ay nawalan ng nag-iisang kapamilya, si Heart naman ay nawalan ng buong pamilya. Ang perfect happy family na mayroon ito, iglap ay kinuha ng isang aksidente—plane crash. Walang nabuhay isa man sa parents at kapatid na twin pa. Wala na siyang ideya sa sumunod na nangyari kay Heart. Si Lenlen ay ang condo na ni si Sir JC ang naging bagong bahay. Curious na binuksan ni Lenlen ang red envelope. Blank ang red heart card pero may handwritten note na kasama sa envelope. Leanelle, Don't waste a chance. Give hope. Spread love. Forgive... And live. Tomorrow maybe too late. I wish you a happy Valentine's Day. Yanna Heart. Sa likod ng note ay ini-explain ni Heart na isa siya sa fourteen na taong binigyan nito ng red heart nang Valentine's na iyon. Alam na niya kung bakit—pareho silang nawalan. Gusto nitong mag-spread ng positivity at hope. Gusto nitong iparating din sa kanya na life goes on. Pareho nilang kailangang mabuhay kahit hindi nila alam kung paano. Wish daw nitong maging daan ang red heart card na iyon para makita niya ang spark of light and hope na nakikita na nito ngayon. Puwede niyang itago ang red heart card or i-extend sa isang taong gusto niyang ipaabot ang isang 'positive' message na hindi niya masabi-sabi—'yon daw ang purpose ng red hearts by Heart. Isang tao lang ang naisip ni Lenlen na pagbigyan ng pusong iyon na may one line message na: I love you... Naisip ni Lenlen, tama si Heart. Maikli lang ang buhay. Baka kapag nag-decide na siyang kumilos, huli na ang lahat. Hindi habang-buhay kasama niya ang mag-ama. Hindi rin habang-buhay may chance siya. Nag-pray muna siya bago nagsulat ng message sa red heart. Sabi niya kay God, kung biglang umuwi si Sir JC nang araw na iyon, ibibigay niya ang red heart. Hindi naman kasi umuwi sa condo ng Valentine's Day ang boss s***h secret love niya. Kung umuwi nga ito, iisipin ni Lenlen na answered prayer. Ibibigay niya ang red heart at kung ma-fire man siya, willing naman si Ate Ellah na tanggapin siya Pugad Agila. Four PM pa lang, nag-early dinner na si Lenlen. Five PM, 'tulog-time' muna. Hindi siya umasang uuwi bigla si Sir JC. Walang dahilan para umuwi ito. Isa pa, hindi naman niya hiniling kay God na pauwiin ang lalaki. Ang sabi lang niya, 'kung sakaling umuwi' lang. Kung hindi, tuloy lang sa pagki-keep ng secret feelings. Nakatulog si Lenlen at nagising ng past seven PM. Naligo na siya. Pagkaligo ay nagligpit sa sariling kuwarto habang 'nagko-concert.' Ang paboritong pampatulong song ni JD. "Ako ang iyong bangka kung magalit man ang alon ng panahon...sabay tayong aahon. Kung wala ka nang maintindihan...kung wala ka nang makapitan, kapit ka sa akin...kumapit ka sa akin—" Napatingin siya sa may pinto nang may kumatok. Si Ate Shaleng. Hindi pa talaga na-late kahit minsan ang cook s***h labandera. Nasa sinabing oras talaga ang uwi. Hindi siguro na-extend sa Sogo ang date. Napabungisngis si Lenlen. Naalala ang kaibigang si Ellah na walang preno ang bibig. Si Ellah ang nagsabing marami na namang mabubuntis. Fully-booked daw ang Sogo at iba pang motels tuwing Valentine's Day. Napapangiti si Lenlen nang nasa pintuan na. Tutuksuhin niya si Ate Shaleng kung dumaan ng Sogo—nawala nga lang ang ngiti ng dalaga nang hindi ang cook ang nabungaran niya sa labas. Kung posibleng mahulog ang puso sa sahig, kanina pa nalaglag ang puso ni Lenlen. Ang matangkad at nakakatulalang kaguwapuhan lang naman Sir JC ang nasa harap niya! "S-Sir JC..." sambit niya, wala na halos tunog. May 'yanig ang earth' effect talaga sa kanya ang si Sir JC. Hindi naman kasi ang lalaki ang ini-expect niyang makita. "May iba kang hinihintay na kumatok?" tanong nito sa tonong pamilyar siya—pantay lang. Walang emosyon. "Nawala agad ang ngiti mo. May bisita ka bang inaabangan?" "Ahm...W-Wala, Sir. Wala..." Tinitigan siya nito. Parang gustong magduda. Medyo umangat pa ang isang kilay. Nataranta naman ang heartbeat ni Lenlen nang hindi na nito inalis sa mga mata niya ang titig. "Si...Si Ate Shaleng lang, Sir..." at wala sa loob na nilingon niya ang drawer. Lalong kumabog ang puso ni Lenlen. Kaya ba niyang iabot kay Sir JC ang red heart? Now or never na ba ang drama ko? Binawi niya ang tingin. Tumingin sa sahig, mariing pumikit at nag-exhale. Right time na ba, Lord? Bahala na nga! Kinuha ni Lenlen sa drawer ang red heart card at iniabot kay Sir JC—kasama ang puso niya. "Happy Valentine's Day, Sir." Obvious ang pag-awang ng bibig nito. Alam ni Sir JC na kahit pagbati ay hindi niya ginagawa sa Valentine's Day. Napalunok na si Lenlen nang mula sa mukha niya ay bumaba sa red heard ang mga mata nito. Ramdam ni Len na parang lalabas na sa dibdib ang puso sa lakas ng kabog. Pati tuhod niya, parang nawawalan na rin ng lakas. Ang tagal tagal ba namang tumitig lang ni Sir JC sa 'I love you' niya sa red heart card! Nanghihina na siya kakaisip kung ano ang naglalaro sa isip nito. Forever na bang tititigan lang ang 'I love you' niya? Nahiling ni Lenlen na sana ay sumagot na lang ito ng simpleng 'thank you' tapos ay i-fire na siya kaysa ganoong parang maatake na siya sa puso sa sobrang katahimikan ng lalaki. Sa wakas ay nag-angat ng tingin si Sir JC. Sa mga mata niya tumutok ang tingin. Walang kakaiba sa tingin nito. Ang parehong tingin na pamilyar siya—blangko. Walang kahit anong clue na may effect rito ang 'I love you' niya. "I brought dinner. Ayusin mo sa table," ang sinabi ng lalaki at iniwan na siya para pumasok sa sariling kuwarto—dala ang red heart card...pati ang puso niyang nabasag na. Kung cartoon character siya, nakita na ng audience ang unti-unting pagkabasag ng puso, ang exaggerated na luha at kung ano ano pang tanda ng pagkasawi. Pero hindi cartoon character si Lenlen. At ang eksenang iyon ang realidad na kailangan lang niyang tanggapin. Then, life goes on, sabi nga sa note ni Heart. Nag-inhale-exhale muna si Lenlen. Lumabas na siya ng kuwarto para ayusin sa mesa ang dinner na binanggit ni Sir JC. Lutong bahay pala ang mga pagkain. Galing sa parents nito—chicken adobo, tempura at ang paborito nitong half-cooked na mix vegetables guisado. Ilang taon na niyang iniisip kung bakit si Madam Cerena lang ang nakakagawa ng ganoon kasarap na ginisang gulay. Ginagaya iyon ni Ate Shaleng pero hindi sing-sarap. Walang Sir JC na lumabas sa kuwarto kaya nagpasya si Lenlen na katukin na ito. "Sir? Handa na po ang dinner!" Walang sagot. "Sir JC?" katok uli, na wala na namang sumagot kaya pinihit na ni Lenlen ang door knob. Pagkabukas ng pinto, ang nakatalikod na matangkad na built nito ang tumambad sa kanya. "Handa na ang pagkain sa mesa, Sir—" hindi niya natapos ang sentence nang humarap ito na may hawak na red rose—plastic red rose na hinugot yata nito sa base. Medyo itinaas nito ang rose. "Hindi natin gusto pareho ang Valentine's Day," ang sinabi nito. Seryoso ang mga mata pero medyo ngumiti. Nag-skip ng beat ang puso niya. Parang blue moon ang ngiti ni Sir JC. Ang dalang magpakita. Minsan nga, naisip niyang nawalan na siguro ito ng kakayahang ngumiti. Sa mga tawa lang ni JD ito nahahawa. Kapag nilalaro ang anak, saka lang ito ngumingiti. "So...Merry Christmas, Len." Magaang natawa si Lenlen. Nakatulong iyon para sa nate-tense na puso niya. "Hindi mo kailangang humugot ng rose sa vase, Sir," magaang sabi niya. "Ngiti mo lang, okay na!" Tumawa rin si Sir JC. Wala na. 'Yong puso ni Lenlen na nahulog na, lalo pang nalubog. Mas naging guwapo si Sir JC sa tawang iyon. Parang mas bumata rin kaysa sa totoong age nito na thirty two. Nagpigil lang talaga siya. Muntik na niyang tawirin ang pagitan nila at yakapin ito nang mahigpit na mahigpit. Paisa-isang humakbang si Sir JC palapit sa kanya. Napalunok naman si Lenlen. Papalakas ang kabog sa dibdib. Naghintay siya ng sasabihin nito pero wala. Nakatitig lang sa kanya. Hindi na rin nakangiti pero may kakaibang kinang sa mga mata. Nagtitigan at nagngitian lang sila nang ilang minuto. "'Yong dinner, Sir JC...ah—lumamig na?" Walang reaksiyon ang lalaki. Nakatitig lang sa kanya na parang sila lang ang tao sa mundo at wala nang iba pang mas mahalaga. "Len." "Sir?" Medyo ngumiti na naman ito bago tinawid ang isang hakbang nilang pagitan. Inabot sa kanya ang plastic rose. Natawang umiling lang si Lenlen. "Ibalik na lang kasi 'yan sa vase," sabi niya at nagbawi ng tingin. Hindi na niya kaya ang titig nito nang ganoon sila kalapit. Matutunaw na siya! "Hindi ko naman kailangan ng kahit ano, eh. Gusto ko lang talagang alam mo, Sir. Naisip ko kasi, tama si Heart, baka bukas wala nang chance. Hindi naman required na ibalik mo 'yong parehong feelings. Alam ko namang imposible. Okay lang naman sa akin ang ganito—na friends tayo. Hindi bola, Sir JC, ah? Gusto ko 'to kasi...kasi masaya kang mahalin...kayo ni JD. 'Yong makita ko lang na safe at happy kayo pareho, sapat na." Walang reaction si Sir JC. Ang tagal lang na tinitigan siya. Hindi alam n Lenlen kung ano ang mayroon sa mga mata nito, parang tumaas ang kanyang emosyon. At gusto niyang pagtawanan ang sarili na naging misty mayamaya ang mga mata niya. Maiiyak siya nang walang dahilan? Marahang ngumiti si Sir JC. Hindi na talaga ma-explain ni Lenlen ang emosyon niya. Tinawid na lang niya ang pagitan nila at niyakap ito. Overwhelming ang emotion. Mahirap ipaliwanag. Hindi rin niya maintindihan kung bakit umiiyak na siya mayamaya lang. Walang dahilan. Parang halo halo lang ang emosyon at hindi niya kayang sabay-sabay na tanggapin. Na-realize din ni Lenlen na sobrang tagal na pala niyang hinihintay na mangyari ang sandaling iyon. Sana lang posibleng pigilan ang oras. Pero hindi. At ang lihim na dahilan kung bakit halos ibigay niya ang buong buhay sa mag-ama, kapag nabunyag ay nanakawin ang bawat masayang sandaling mayroon siya. Pero kahit ganoon, gusto pa rin ni Lenlen na sumugal. "Kung ayaw mo na akong mag-stay kasama n'yo ni JD," sabi niya, sa isip ay nakikita ang eksenang inilalantad sa kanya ni Madam Cerena ang madilim na katotohanang hindi alam ni Sir JC. "Sasabihin mo lang, Sir. Aalis ako—" Kiss sa ibabaw ng ulo niya ang pumutol sa sasabihin ni Lenlen. Nangilid lalo ang mga luha niya. Ang nakakalunod na emosyong nararamdaman ay mas naghatid ng takot. Takot na baka magtapos din agad ang masayang sandaling iyon. Na isang araw, babalik din siya sa pag-iisa...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.1K
bc

His Obsession

read
70.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook