2

1422 Words
One year ago... NAG-VOLUNTEER si Lenlen na magsampay ng mga damit ni JD sa rooftop. Nakatulog na si JD, ang baby na alaga niya. Si Ate Shaleng na cook lang, labandera na rin tuwing weekend. Kailangan nito ng pondo para sa pag-aaral ng pamangkin. Nasa sala ng condo ang kuna ni JD. Nasa sofa naman si Ate Shaleng, minamasahe ang mga binti. Parang sobrang pagod na kaya siya na ang nag-volunteer magsampay. May naabutan si Lenlen na bagong mukha sa rooftop. Chubby girl na parang mabait. Ngumiti agad sa kanya. Natawa si Lenlen nang nag-introduce ito ng sarili na parang beauty queen. Ellah pala ang pangalan nito at magkapitbahay lang pala sila! Game siya sa ala beauty queen peg na trip nito. Rumampa din siya na pang-Bb. Pilipinas bago nag-introduce ng sarili. Tawanan sila nang tawanan na parang matagal nang magkakilala. Naging instant friend sila ni Ellah. Una nilang napagkuwentuhan kung may artista bang nakatira sa building na iyon. Wala siyang alam kaya walang nai-share si Len. Nagbiro na lang siya na may artista siyang kasama sa unit—si Sir Eduardo. Tinawanan niya si Ellah nang hindi agad nito nakuha ang joke. Nag-explain pa talaga siya kung sino si 'Sir Eduardo' Sabi ni Ellah, pasensiya na lang daw, si Eddie Garcia, Piolo Pascual at Sharon Cuneta lang ang kilala nitong artista. Nang sumunod silang nagkasabay sa rooftop, may kasama nang kuwentuhan habang nagsasampay. Umabot ang kuwentuhan sa pangarap nila pareho. Binanggit ni Lenlen ang simpleng pangarap niya—magmahal at maging masaya lang. "Bakit 'yon lang?" parang hindi nagustuhan ni Ellah ang binanggit niyang pangarap. Ang haba kasi ng listahan nito ng mga pangarap. Mula sa maging mala-diyosang businesswoman hanggang sa limpak limpak daw na salapi na hihigaan nito sa pose na ala diyosa. "Walang medyo mataas, Len?" sabi pa ni Ellah sa kanya. Gusto nito na taasan niya ang pangarap. Mukhang masyadong simple ang pangarap niya. Pero iilan ba ang suwerteng nagmahal at naging masaya? May mga nagmahal na nasaktan lang. May mga masaya naman na hindi nagmahal. Para sa kanya, hindi simpleng pangarap ang magmahal at maging masaya. Nagsampay na si Lenlen ng maliliit na underwear ni JD. Nilingon niya ang kaibigan. "Mas mataas na pangarap 'te Ellah?" ulit ni Lenlen. "Hindi ba ang taas na no'n? Na maging masaya? Ayoko ng yaman, ng kasikatan, o ng kagandahan na hinahangaan ng madla—pangarap 'yan ng ibang babae 'di ba? 'Pag nakuha ba nila, sigurado ka bang masaya talaga sila? O ba't may mga nagsu-suicide na mayaman naman? Na artista? Na magaganda? 'Kuha mo ba 'te?" Hindi sumagot si Ellah. Napatitig lang sa kanya. Parang hindi agad na-absorb ang sinabi niya. Hindi yata ini-expect na marinig iyon sa kanya. Nasanay siguro ito na hindi siya nagseseryoso. Na puro lang siya tawa at jokes. "Kaya short cut na lang ako do'n sa pangarap na gusto ng lahat—maging happy! 'Di ba okay 'yon? Do'n naman sa magmahal, mag-isa kasi ako, Ate Ellah, eh. Walang pamilya. Walang nagmamahal kaya 'yon. Pangarap kong may magmahal sa akin..." dagdag pa niya. Na totoo naman talaga. Simula nang mamatay si Tito Nello, naging dream na niya ang magkaroon ng isang bagong pamilya. Nagkaisip siyang si Tito Nello at Mamang Dally lang ang kinilalang pamilya. Two years bago ang aksidente ng tiyuhin, iniwan na sila ni Mamang Dally. Ang patunay na itinuring sila nitong totoong pamilya kahit walang dugo na nag-uugnay sa kanila, ipinamana ng matanda sa kanila ang mga properties nito, kasama ang apartment na tinitirhan nila. Paglipat niya sa unit ni Sir JC—Joshua Christian Alcazar ang full name—nagpasya si Lenlen na parentahan na lang ang bahay nang sa ganoon ay may karagdagang income siya. Nag-iipon talaga siya para sa plano niyang pagbabalik kolehiyo kapag kaya na niyang suportahan ang sarili. Malaking parte ng kanyang suweldo, iniipon niya. "'Di ka ba minahal no'ng sinasabi mong ex mo?" si Ellah. Napamaang si Lenlen bago natawa. Mali ang intindi ng kaibigan. Hindi ex-boyfriend ang binanggit niya. Ex crush lang. Si Maximiano o Max ang lalaki, isa sa guard sa building. Crush niya lang dahil laging nakangiti. Naging friends sila sa f******k—gumawa siya ng bagong account dahil nagpilit ito na mag-usap sila sa sss. Akala ni Lenlen, okay si Max. Mali siya. Nagpapa-cute lang pala dahil gusto ng kalandian. Turn off agad siya. Nakabalandra kasi sa f******k nito na may girlfriend tapos gusto ng isa pa at siya yata ang target na maging third party? Ang laking pasalamat niya nang mawala sa building ang guard. Nalipat yata ng assignment. "Ex crush lang 'yon, 'te Ellah. Two timer si Kuya! Nakita ko sa sss may gf! Inaaya ako ng date 'tapos Sogo daw kami? Gago lang? Kaladkarin ang tingin sa akin? Turn off! 'Buti nga wala na 'yon sa 'baba. Walang wala siya kay Sir, eh!" hindi namalayan ni Lenlen na naidugtong niya. "Si Sir..." si Ellah, may kahulugan ang ngiti at tingin sa kanya. Hindi na napigilan ni Len na dagdagan ang kuwento tungkol kay Sir JC. Kasama na sa kuwento ang kilig moment niya. "Sobrang gentleman! Nakatulog na akong nakasandal sa kanya, paggising ko nasa parehong posisyon pa rin siya. Busy sa cell phone ang isang kamay, nakaakbay sa akin 'yong isa pa." Nangyari nga iyon isang Sabado. Sila lang ang nasa bahay kaya pagod siya kay JD maghapon. Nakatulog siya nang wala pa sa oras. "Uyyy...may akbay moment? Sinadya mong sumandal 'no? Duma-da-moves ka?" si Ellah sa kanya. Nanunukso ang tingin at ngiti. Matunog na tawanan na ang kasunod. "Hindi, ah!" tunog defensive siya. "Crush ko 'yon pero secret lang. Ako lang ang may alam—at ikaw ngayon. 'Di ako nagpapacute do'n kasi sobrang bait at sobrang matino. Nakakahiyang magpa-cute, 'te!" "O, ano pala 'yong sandal moment n'yo?" "Si baby kasi sobrang likot no'n," tukoy niya sa anak ni Sir JC na si Joseph David o JD. "'Pag nakatulog, saka lang ako napapahinga. Eh, sobrang dali lang magising. Kaya 'pag nakatulog na karga ko, hindi ko na lang inilalapag sa kuna para hindi magising. No'ng minsan na nasa bahay si Sir, inantok na ako sa sobrang pagod. Naupo siya sa tabi ko para i-check si baby. 'Di ko na namalayang nakatulog ako sa sofa. Natakot siguro siyang baka mabitawan ko si baby, hindi na umalis sa tabi namin hanggang nagising ako." "Hindi ka nag-beautiful eyes sa kanya pagkagising mo?" "Sobra ka, ate Ellah!" Pang-aasar at panunukso na ang inabot niya nang mga sumunod na minuto. Naalala tuloy ni Lenlen ang mga eksena nila ni Sir JC. Hindi na naman niya mapigilang mapangiti. Laging may kilig effect sa kanya kahit binabalikan lang niya sa isip ang scene. Hinayaan na lang ni Lenlen ang sarili. Sino ba naman kasi ang hindi magkaka-crush kay Sir JC na ala Ian Veneracion pati tangkad? Hindi rin ito mukhang nagma-manage ng sariling negosyo. Mukhang athlete na alaga ang sarili sa Gym. Ang ganda ng katawan! Isa lang talaga ang nakukulangan siya—ngiti. Hindi ngumingiti si Sir JC. Parang wala rin na emosyon. Level lagi ang tono at blangko ang tingin. Parang kulang sa feels! Si Lenlen na rin ang nagbigay ng explanation kung bakit ganoon si Sir JC. Feeling niya, naging sobrang sakit para sa lalaki ang pagkamatay ng asawa. Pinili na lang nitong maging manhid ang puso. Ayaw nang makaramdam kasi hindi gustong balikan uli ang sakit. Parang kusa nitong sina-shut off ang sariling emosyon. Dumaan rin si Lenlen sa parehong sakit kaya alam niya ang pakiramdam. Hindi rin kasi iisang beses na naisip niyang i-freeze ang puso para tumigil nang makaramdam—para matapos na ang sakit. Bago sila naghiwalay ni Ellah, nalaman ni Lenlen na three months lang pala ito sa kabilang unit. Tawa siya nang tawa nang sabihin ng kaibigan na pinagbigyan lang nito ang model-actor na si MD Greech. Nakangisi talaga si Ellah nang confident na sabihin na patay na patay daw sa ganda nito si MD Greech. Hindi raw ma-resist ang kaseksihan kaya ipinilit na mag-stay ito sa condo. Ngisi pa lang ng kaibigan, alam na niyang nagbibiro lang. Ginagawa lang nito iyon para maging lively ang pag-uusap nila. Naging dagdag kulay si Ellah sa mundo ni Lenlen. May nakakausap na siyang kaibigan, naite-text kapag gusto niya ng mapagsasabihan, at may kasama na rin siyang magsimba tuwing linggo. Ramdam ni Lenlen na nagiging normal na uli ang buhay niya pagkatapos ng maraming buwan na parang stuck siya sa isang malungkot na mundo. Tanda nang dalaga na ang mag-amang JC at JD lang ang nagpapasaya sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD