bc

Death Mark (Complete)

book_age16+
602
FOLLOW
1.5K
READ
dark
fated
friends to lovers
brave
tragedy
bxg
mystery
city
friends
like
intro-logo
Blurb

Tatlong bala.

Tatlong taon.

Tatlong patak ng dugo.

Mga panaginip na nagkakatotoo.

Mga inosenteng biktimang namatay na may marka.

Nakita ni Lara lahat...

At nagising siyang taglay na ang marka.

SIYA NA ANG SUSUNOD NA BIKTIMA.

chap-preview
Free preview
One
UNANG putok. Umawang ang mga labi ni Itay. Sinapo niya ang kanyang dibdib. Nakita kong umagos ang dugo. Tanda ko pa rin maging ang kulay. Napaluhod si Itay. Kitang-kita ko ang pagsamo sa kanyang mga mata, ang pagmamakaawa para sa buhay. Ikalawang putok. Suminghap uli si Itay. Unti-unting lumamlam ang mga matang alam kong pinipilit na lamang niyang imulat. Pinipilit na lamang niyang panatilihin ang kamalayan, pilit na nilalabanan ang kamatayan. Ramdam ko ang sakit na bumubundol sa aking puso. Nahirapan akong huminga. Mas madaling umalis at tumakas sa lugar ngunit hindi maari. Mananatili akong naroon, pinapanood ang kalupitang dinaranas ng aking ama. Ikatlong putok. Muling bumaon ang bala sa dibdib ni Itay. Alam kong nalagutan na siya ng hininga. Ang buhay ng aking ama, tuluyan nang nawala sa kanya. Sapilitang binawi ng isang malupit na babaeng walang karapatang kumitil ng buhay ng kanyang kapwa. Hindi ako tuminag. Ang eksenang iyon ay mananatili hindi lang sa aking isip, o sa pusong namamanhid na sa sakit at galit—hanggang sa kaluluwa. Lumipat sa babaeng may hawak ng baril ang aking mga mata. Mula sa aking pinagkukublihan, kitang-kita ko na nagawa pa niyang ngumiti habang nakatitig sa duguang katawan ni Itay. Tandang-tanda ko ang mukhang iyon. Babae. Magandang babae. Ang mukha niya, ang kaawa-awang bangkay ni Itay, ang sariwang dugo na kumalat sa paligid at ang lugar na iyon...ah, tatandaan ko lahat. Mananatili sa akin ang bawat detalye ng kalupitan. Aalalahanin ko nang paulit-ulit ang bawat marka ng karahasan. Hindi ako makakalimot. At hindi ako magpapatawad. Sa tamang panahon, babalik ako at maniningil. Ipaghihiganti ko ang kamatayan ni Itay... INAANTOK na napasandal si Lara sa lumang upuan sa basement. Napangiti siya, napatitig sa binabasa. Page galing sa diary? Napunit siguro at nahiwalay sa mismong diary na pinaggalingan. Napulot niya ang page na iyon nang pumasok siya sa lugar. Parang horror movie, naisip ni Lara. "Nag-start sa curse, sa character na gustong maghiganti 'tapos babalik from death as vengeful soul. 'Ayun, sa kanya magmumula ang chaos. Ang mga gumawa ng masama sa kanya, babalikan niya lahat. Maniningil with a twist si ghost—iba't ibang klase ng pagpatay," dagdag niya, kausap ang sarili. Nakatitig pa rin sa page na hawak. Saan kaya galing 'to? Hindi naniniwala si Lara na totoo ang ganoong kuwento pero may ilang beses na rin niyang naisulat na may bagong bihis. Napahikab si Lara. Sunset time na yata iyon nang pumasok siya sa basement kanina. Nasaan na ba si Miguel? Mag-aalas-tres pa lang ng hapon nang dumating sila sa bahay. Galing silang Maynila. Napilit niya ang best friend na samahan siya. Kailangan ng dalagang kumuha ng mga pictures na gagamitin niya sa isang bagong kuwento. Lumang bahay ang setting ng horror novel niyang work in progress. Pagkakita pa lang sa bahay kanina, natuwa na agad si Lara. Ganoon na ganoon ang kailangan niyang view para ma-set ang tamang mood sa isinusulat niyang bagong manuscript. Pamilya Galvez ang may-ari ng ancestral house na iyon—pamilya ni Miguel. Ayon sa kaibigan, matagal nang for sale ang bahay pero hanggang nang mga oras na iyon, hindi pa rin nabebenta. Marami na raw ang tumingin, ang nag-check sa buong bahay pero pagkatapos maglibot, hindi na bumabalik ang prospective buyer. Inamin ni Miguel kay Lara na pinaniniwalaang puno ng kababalaghan ang lumang bahay, bagay na lalong nagpaigting sa hangarin niyang makita iyon. At pagkatapos nga ng isang linggong pilitan, napapayag din ni Lara ang panay 'No' na best friend. Journalism students sila pareho ng kaibigan at nasa huling taon na. Bukod sa pagiging estudyante, may isa pa siyang pinagkakaabalahan—pagsusulat. Writer si Lara ng horror novels at may ilang libro na siyang na-published. Research materials, interviews, and a wide collection of horror books—ang mga iyon ang pundasyon niya sa pagsusulat. Walang personal experience si Lara sa ghost o sa psycho. Hindi pa siya naka-witness ng 'real' ghost na nagpakita o sa wala sa katinuang killer. Hindi rin siya naniniwala na nag-eexist talaga ang ghost. Sa totoo lang, kahit si Lara mismo ay hindi rin alam kung bakit siya effective magsulat ng scary scenes gayong hindi naman talaga siya naniniwala sa ghosts. Hindi siya naniniwala pero aminado ang dalaga na matatakutin siya. Books lang, short stories at articles ang kaya niya. Pagdating sa horror movies, may gulo muna bago siya mapapayag na manood. Hindi niya gusto at hindi niya gugustuhin. Kuwentong barbero lang ang sinasabing misteryong bumabalot sa ancestral house, iyon ang paniniwala ni Lara kaya malakas ang loob niyang pilitin si Miguel na puntahan nila. Buo na sa isip niya na walang ghosts kaya walang anuman sa kanya ang maiwang mag-isa sa lugar. Umalis si Miguel para bumili ng pagkain nila. Gusto pa nga siyang isama pero tinawanan lang ni Lara ang pagiging OA ng best friend. Naglibot siya mag-isa pagkaalis nito. Hanggang dinala siya ng mga paa sa basement. Ilang segundong inilibot niya ang tingin sa lugar, tinatandaan ang mga kailangang detalye para gamitin sa kanyang kuwento. At sa minsang paghakbang, napansin ni Lara ang two pages na iyon—mga lumang papel, na nang basahin ay naisip niyang mga napunit na pages galing sa isang lumang diary. Muling binalikan ni Lara ang binabasa. Tatlong bala ang bumaon sa puso ni Itay... Sariwang dugo ang umagos mula sa kanyang mga sugat. Kitang-kita ko ang buhay na kulay ng dugo, dumidilig sa katawan ni Itay. Ang babaeng iyon, magbabayad siya...magbabayad ang pamilya niya! Napahikab uli si Lara. Hindi niya alam kung sa naipong pagod o boredom ang dahilan ng antok kanina kaya naghanap siya ng mauupuan. Hinihila talaga siya ng antok na hindi niya magawang labanan. Ibabalik ko ang kalupitan. Daranasin nila ang sakit na dinanas ko. Ang malalim na sakit na idinulot sa akin ng kamatayan ni Itay... Napaungol si Lara, naging blurry na ang paligid. Talagang sinasakop siya ng antok. Okay naman siya kanina bago siya pumasok sa basement. Ang katahimikan siguro at dilim sa lugar ang dahilan ng biglaang antok. Tataglayin nila ang marka. Marka ng kamatayan! Tanikala ng kamatayang mapuputol lamang ng isang wagas na pag-ibig—ng magkalabang dugo. At sa kamatayan ng isa magtatapos ang aking paniningil... Umihip ang hangin mula sa kung saan. Nawalan na ng chance si Lara na isipin pa kung saan galing ang hangin sa basement. Para siyang hinaplos ng ihip. Mas tumindi ang antok. May pumatak na kung ano—warm liquid yata. Bumagsak iyon sa bisig ni Lara—sa tapat ng pulso. Sinasakop na siya nang matinding antok kaya hindi na na-check pa ng dalaga kung ano ang warm liquid na iyon at kung saan galing. Nakapikit na si Lara. Hindi na talaga niya malabanan ang antok. Hindi rin kasi huminto ang hangin, na parang iba ang lamig kaya mas inantok siya. Mas sumandal ang dalaga sa backrest ng upuan, at napaungol nang mahina nang humangin uli—ang ihip na iyon ang huling naramdaman ni Lara bago siya nakatulog.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.7K
bc

His Obsession

read
71.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook