Two

1466 Words
NAGMULAT ng mga mata si Lara. Mabilis na umikot sa paligid ang tingin. Nasa loob siya ng isang tahimik na kuwarto? May pumapasok na liwanag—sinag ng buwan? Ano’ng ginagawa niya sa parang lumang kuwarto na iyon? Nasaan si Miguel?       “Lara...”       Biglang napalingon sa pintuan ang dalaga. Boses-lalaki ang tumawag sa pangalan niya. Malalim ang boses, parang galing sa malayo at sumama lang sa hangin? Ang weird, ah. Kaninong voice ‘yon?       Napahiyaw si Lara sa gulat nang pabalabag na sumara ang isa sa bintana—na na-realize niyang doon pala galing ang liwanag ng buwan. Ihip ng hangin ang kasunod, gumalaw ang mga luma na ring kurtina.         Napaurong si Lara. May hindi tama. Hindi maganda ang kutob niya. May something sa kuwartong iyon. Nagtayuan ang mga balahibo niya. Agad nakilala ni Lara ang pakiramdam—takot. Parang nasagap ng mga senses niya na may ibang tao sa kuwarto. At sinasabi ng pakiramdam ni Lara na nakatitig sa kanya ang taong iyon—pinagmamasdan siya…       “Lara...”       Napasinghap si Lara, napahawak sa sariling dibdib. Kumilos ang isang paa niya, umatras—na nahinto rin kasabay ng pagsigaw nang masipa niya ang wooden chair. Lumikha ng ingay sa paligid ang tunog.       Bumagsak si Lara sa sahig. Mabilis na umikot sa paligid ang tingin pero wala siyang taong nakita. Mag-isa siya, kung ang mga mata ang paniniwalaan ng dalaga. Pero kung base sa pakiramdam, may kasama siya sa lugar na iyon.       “Lara…”       Napalunok ang dalaga. Pinapakabog ng boses ang puso niya. Hindi man gusto, may kutob si Lara na maiiwan sa isip niya ang timbre ng boses… at ang paraan nito ng pagtawag na parang sinasabing: ‘Lumapit ka…’       Walang nakitang tao si Lara pero sapat ang nararamdaman niyang paninikip ng dibdib, ang parang pagtambol ng heartbeat, at ang pananayo ng balahibo para masigurong hindi siya nag-iisa sa kuwartong iyon.       Hindi tumigil sa paggalaw ang mga kurtina.       Mabilis na tumayo si Lara. Kailangang makalabas siya agad! Inilang hakbang lang niya ang mga baitang ng sementadong hagdan. Ang pinto ang sadya niya pero pabalabag na sumara iyon—bigla at mabilis, parang nasa kontrol ng kung sino at nahulaang lalabas siya!       Miguel! malakas na sigaw ni Lara pero walang boses na lumabas galing sa kanya! Inulit niya ang pagtawag—isa, dalawa, tatlo—wala talaga. Sobrang effort siya sa pagsigaw pero walang tunog na lumalabas.       Wala siyang boses!       Nagsimulang manginig si Lara. Panginginig na tumitindi sa bawat segundong dumaan. Ramdam din niya ang ang panlalamig ng buong katawan. Bigla at mapuwersa ang ginawa niyang pagpihit sa door knob…       Naka-lock ang pinto!       “Lara...”       Muli, ang boses…at kasabay ang pagbagsak ng kung ano sa tapat ng kanyang pulso. Ang kamay niyang nakahawak sa doorknob ang napatakan. Natigilan si Lara. Pamilyar ang warm liquid  na parang…       Mula sa sinag ng buwan na tumatagos sa bintana, itinapat ni Lara ang bisig at tinitigan ang pumatak na iyon…       Dugo!       Pigil ang hiningang unti-unting tumingala si Lara. Walang kakaiba sa kisame pero nang matuon ang tingin niya sa ibaba, ganoon na lang ang pagkasindak ni Lara nang makita niya ang duguang katawan ng isang lalaki—mismo sa may paanan niya!       Sumigaw siya nang sumigaw sabay nang pagtakbo palayo sa pintuan. Kung saan saang sulok siya nakalapit pero mga matigas na pader lang ang nahawakan ni Lara. Walang labasan. Nakakulong siya sa kuwartong iyon kasama ang duguang bangkay!       Nanghihinang napasandal siya sa dingding, pinangingiliran na ng luha. Tumaas-baba ang dibdib ni Lara sa paghinga. Siguradong mamamatay siya sa mga susunod na sandali kung hindi siya makakalabas!       “Taglay mo na ang marka, Lara!”       Kasunod ng boses na iyon ang pagbukas-sara ng mga bintana bago bumasag sa katahimikan ng paligid ang makapanindig-balahibong pagtawa. Umihip uli ang hangin... at sa likod ng naggagalawang kurtina ay naaninag ni Lara ang isang anino.       Anino ng isang lalaking nangangako ng panganib ang tindig. Kahit hindi nakikita ni Lara nang malinaw ang mukha nito, sigurado siyang sa kanya nakapako ang tingin!       Narinig uli ni Lara ang malademonyong halakhak ng lalaki.       Sa pagkakataong iyon, nagdilim na ang paligid niya. “LARA! Lara!”       Habol ang hiningang nagmulat siya ng mga mata.       “Kanina ka pa umuungol.”       Sunud-sunod ang pagkurap ni Lara. “M-Mig?” nalilitong nasabi niya, napatitig sa mukha ng best friend na nakatitig rin sa kanya.       “Who else?” balik ni Miguel, medyo nagsalubong ang mga kilay. “Napa’no ka? Namumutla ka, eh, nag-nap ka lang naman? Ano ba kasing kalokohan ang naisip mo at dito mo pa sa basement naisipang matulog? At nang nakaupo, ha?!” Ang kaibigan sa tonong-nanenermon. “Nakita ko lang sa `taas `yong camera mo kaya alam kong dito ka pumunta. Hey...” Tinapik pa nito ang pisngi niya. “Para kang binangungot, ah.”       Napabaling siya ng tingin dito. “I... I did have a nightmare, Mig...” usal ni Lara na halos hindi naglagos sa lalamunan.       “W-what?”       “Oo…” at napalunok si Lara. Parang nanayo uli ang mga balahibo niya nang bumalik sa isip ang eksena. “Ang samang panaginip, Mig. I thought…h-hindi…hindi na ako magigising...” nakatitig pa rin siya kay Miguel nang maalala ang ‘something’ na pumatak sa tapat ng pulso niya. Hindi pala ‘something’ lang—dugo.       Pigil ang hininga na unti-unting itinaas ni Lara ang kanang bisig. “Oh, God!” bulalas niya sa nanlalaking mga mata kasunod ang pagtaas ng isa pang bisig. Parehong may patak ng dugo ang mga bisig niya!       “Hey, why? Lara! Lara…magsalita ka!” Nag-aalalang sabi ni Miguel na nakita sigurong nawalan ng kulay ang mukha niya. Dahan-dahan niyang inilapit sa kaibigan ang mga bisig. “D-droplets of blood, Mig,” halos wala nang tunog na sabi niya. Ramdam ni Lara na nagmumula sa loob niya ang takot. Nanginginig siya. Nanunuyo na rin pati ang  lalamunan niya.       “I…I didn’t know what happened…basta…basta bigla na lang akong inantok kanina. Sobrang antok, Mig. Kaya…kaya naupo ako sa…sa old chair. ‘Tapos…tapos bago ako nakatulog, may naramdaman akong something na pumatak dito,” itinaas niya ang isang bisig. “Sa…sa panaginip ko—bangungot rather, may dugo rin na pumatak, sa wrist ko rin—sa tapat ng pulso ko…” Nanginginig ang na ang kamay na ipinakita niya sa kaibigan ang mga bisig na may patak ng dugo.       Matagal na tinitigan ni Miguel ang mga patak. Ginamit pa nito ang daliri at inilapat sa dugo, pinakatitigan at inamoy. “Blood,” sambit nito kasunod ang buong-buong mura. Hinawakan agad ang kamay niya at hinila siya palabas pagkatapos daanan nang mabilis na tingin ang paligid.       Lumabas sila ng basement—at ng bahay. Mabibilis ang hakbang ni Miguel, hila siya. Sa kotse siya dinala ng kaibigan. Binuksan nito ang pinto ng passenger seat. Hindi pa man siya nakakapasok, patakbo nang lumipat si Miguel sa kabilang side ng kotse. Agad binuksan pinto sa driver side at pumasok. Ang lakas ng paglapat nito sa pinto.       Nanahimik ito nang ilang segundo, tumitig lang sa harapan na parang may malalim na iniisip.       “Mig—”       “Ano’ng nangyari?” baling nito sa kanya. “Gusto kong marinig lahat, Lara.” Seryosong-seryoso ang ekspresyon nito, lalo ang mga mata.       Napalunok muna si Lara bago tumango. Tahimik na tahimik si Miguel habang nagkukuwento siya. Wala siyang pinalampas na detalye. At na-realize ni Lara, tanda niya ang bawat eksena sa kanyang bangungot. Nagkuwento siya na nakikita sa isip ang mga eksena.       “Stay here,” si Miguel pagkatapos niyang magkuwento. Inilabas nito ang cell phone at may tinawagan. Narinig niyang nag-utos na puntahan ang bahay at i-lock. Lumabas ng kotse ang kaibigan at bumalik sa bahay sa malalaking hakbang, kausap pa rin sa cell phone ang hula ni Lara ay ang katiwala sa ancestral house.       Paglabas ni Miguel ay bitbit na ang mga gamit nila. Dumeretso ito sa likod, ipinasok sa trunk ng kotse ang bags nila. “Kahit ano’ng mangyari, huwag kang matutulog, Lara,” matigas na utos ni Miguel pagkaupo sa driver seat. Pinausad na agad nito ang kotse. “Kung hindi mo na kaya ang antok, sabihin mo, okay? We’ll stay at the nearest hotel.”       Wala na sa sinasabi ng kaibigan ang atensiyon ni Lara. Nakatuon sa isang bagay ang utak niya—bagay na kanina pa niya iniisip. “M-Mig, bakit ganoon? Bakit ‘yong patak ng dugo sa panaginip ko... nasa…nasa wrist ko pa? Ibig sabihin, totoo…totoo ang lahat?” napapalunok pa rin na pagbuo niya sa tanong. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD