Three

1996 Words
      HINDI siya okay. Hindi normal ang parang panghihina at panginginig ng katawan niya.       Nanahimik muna nang ilang minuto si Miguel bago niya narinig na nagsalita sa mahinang boses. “My grandmother shared one particular story when we were young. Pareho kami ni Gab na hindi naniniwala. Sa nangyari ngayon, napapaisip na ako,” simula nito. “Sa story ni Lola Soledad, ang lola niya noon—kung tama ang naalala kong name, si Lola Esperanza ay makapangyarihang haciendera. Napakahigpit daw at pinarurusahan ang mga trabahante na hindi sumusunod sa batas na si great great grandma rin ang may gawa. Ang last victim niya, ang caretaker ng property mismo. Nilooban daw ang bahay. Inakusahan niya ng kapabayaan ng nagbabantay. He punished the poor man by slamming bullets in his chest three times. Naging witness sa karahasang iyon ang teenager na anak ng caretaker.” Mig paused and looked at her. Hindi man nakikita ni Lara ang sarili, ramdam niyang nakatulala na siya. Mas nananakop ang nararamdaman niyang takot. Nahuhulaan na niya ang mga susunod na sasabihin ni Miguel—ang mga linya sa nabasa niyang punit na page ng diary.       “Ang impluwensiya ni Lola Esperanza ang laging nagliligtas sa kanya. Hindi siya nakulong. May katapat na halaga ang bawat nagtangkang magsalita. Walang kalaban-laban ang isang teenager sa inaabot ng impluwensiya niya. Umalis ng lugar ang anak ng caretaker ilang araw pagkalibing ng ama. At nang mamatay si Lola Esperanza, nagbalik sa hacienda ang teenager—a grown-up man, at dumalaw sa burol. May ilang taong nasa lamay noon ang nakarinig na sinabi raw ng lalaki na hindi sa death ni Lola Esperanza magtatapos ang lahat. And right there, in front of everyone, he slashed his neck.”       “Oh, God!” bulalas na Lara. Ang lakas ng pagsinghap niya, natakpan ang sariling bibig. Nabibingi siya sa kabog ng puso. “A-Ano’ng name ng…ng anak ng caretaker, Mig?” Nagpapasalamat si Lara na nakaupo siya. Kung hindi, siguradong bumigay na ang mga tuhod niya.       “Dante.”       Napahawak si Lara sa dibdib. Hindi na normal ang paghinga niya. Panay ang pag-iling niya pero hindi na nagawa pang magsalita. Nahuhulaan na ng dalaga na wala nang kulay ang mukha niya.        “Si…Si Dante nga,” nasabi niya, hinahagod ang dibdib. “Sa kanya ang…sa kanya ang diary…”       “Ano’ng diary?”       Wala na sa tanong ni Miguel ang focus ni Lara. Halo-halo na ang emosyon niya. Kung puwede lang na hindi na mag-isip, isa-shut off niya ang utak at magpapahinga siya. Hindi nga lang posible iyon. Ang choice lang niya ay magpakatatag. Panghawakan ang katinuan para hindi tuluyang bumigay.       “Ang lines sa diary…ang…ang scene sa nighmare ko—God, no…” wala na halos tunog na sabi niya, mas dumiin ang kamay sa tapat ng puso. “Nagbalik nga siya. Nagbalik si Dante, Mig…He’s back to avenge the death of his father—” itinabi ni Miguel ang kotse at bigla silang huminto.       “Lara!” malakas ang boses nito, naramdaman niya ang higpit ng hawak sa kanyang balikat. “Lara. Lara!” sa boses na parang ginigising siya. Nagtama ang mga mata nila. “Breathe.”       Nag-inhale-exhale si Miguel at wala sa loob halos na sumabay siya. Ilang segundo nilang ginawa iyon. Saka lang na-realize ni Lara na hindi na nga normal ang paghinga niya. Dumaan sa buhok niya ang kamay ni Miguel bago pabagsak na sumandal sa backrest ng driver seat.       Umusad na uli sila.       “Ano’ng diary?” si Miguel nang nasa kalsada na uli sila.       “Sa basement, may napulot akong parang old pages galing sa diary. Nagna-narrate ang writer, Mig…ang linaw ng sinasabi—that his father was killed by a woman, three bullets!  Sumumpa siyang babalik para maghiganti, para maningil. At... at sa panaginip ko, ‘yong anino…’yong aninong nakita ko…sinabi niyang…sinabi niyang…” napahinto si Lara, hindi niya mapigilan ang pagtaas ng emosyon. Napasubsob siya sa sariling mga palad. “T-Taglay ko na raw ang marka...”       Nagmura na naman si Miguel. Naramdaman ni Lara na dinagdagan nito ang speed ng kotse. “Ano’ng marka?”        “Hindi kaya…hindi kaya—” nanlalaki ang mga matang ibinaba niya ang mga kamay para titigan ang mga bisig. “Ang…ang mga patak ng dugo—Oh, God, a death mark!”        “WALANG confirmation ang kuwento ni Grandma,” si Miguel pagkatapos ng mahabang minutong pananahimik nito. Hindi umimik ang kaibigan pagkabanggit niya sa death mark kanina. Nagdilim lang ang mukha at kulang na lang ay magtagis ang bagang. Kilalang kilala niya ito. Alam niyang nagko-kontrol ito ng emosyon. Hula ni Lara, may mga gustong sabihin si Miguel pero mas piniling manahimik na lang. “Wala siyang magagawa, Lara. Hindi ka niya masasaktan,” mababa at mariing sabi nito. “Lalong hindi ka niya makukuha—kung totoo man ‘yan. Hindi ako papayag.”       Somehow, nakaramdam si Lara ng seguridad sa sinabi ni Miguel. “P-pero p-paano ko tatakasan ang kamatayang sinasabi niya—kung totoo nga ‘yon?”       Nahuli ng mga mata ni Lara ang paglunok ni Miguel. Hindi agad ito nakasagot. Ilang segundo bago nagsalita uli.       “Naisip ko dati na coincidence lang ang lahat,” sabi ni Miguel. “Three years after my grandmother’s death, namatay si Tita Mel—nag-iisang kapatid ni Dad. Kakakasal lang niya sa States noon. Three years later, sumunod ang mommy ko. Both of them died in their sleep. Si Mommy, may heart problem pero si Tita Mel, nakapa-health conscious. Wala siyang problema sa katawan. Fast forward three years later, si Keira, girlfriend naman ni Gab ang namatay.”       Si Gabriel ang twin brother ni Miguel na nasa States. Identical twins ang dalawa. Sa kuwento pa rin ni Miguel, hindi pa rin matanggap ni Gabriel ang pagkamatay ng girlfriend.       “Ang cause of death ng girlfriend ni Gab, nightmare,” patuloy ni Miguel. “Hindi ko pinansin dati, Lara, pero may nakita si Gab na dugo sa wrist niya, gaya ng kay Mommy noon at sa iyo ngayon...”       Sabay ng saglit na paghinto ni Miguel ang panlalamig na naramdaman ni Lara. Hindi man niya gustong marinig ang kasunod ng kuwento ay kailangan. Hindi biro ang sitwasyon niya ngayon kung pagdudugtungin niya ang scene sa kanyang bangungot at ang mga binanggit ni Miguel.        “Ngayon ko na-realize na posible nga na may koneksiyon ang mga nangyaring kamatayan sa pamilya. Ang year na ‘to, Lara, pang-three years na mula nang mamatay ang girlfriend ni Gab. Ang kuwento ni Lola Soledad tungkol kay Dante ay…ay totoo. Gusto kong magsisi ngayon na hindi ko tinandaan ang iba pang details.” Pagbaling sa kanya ni Miguel, malinaw ang nabasa niya sa mga mata nito—nag-aalala at natatakot rin si Miguel.       “Dante was a cult member,” si Miguel uli. “Kinatatakutan daw ang grupo, nakatira sa isang tagong isla, southern part of Luzon, if I remember it right. Ang grupo daw ang tumanggap kay Dante noon pag-alis niya ng hacienda. Ang leader daw ng kulto, kilalang skilled sa paggamit ng black magic.”       Umawang ang mga labi ni Lara. “Black magic?”       Tumango si Miguel. Hindi na nito kailangang ipaliwanag ang kayang gawin ng black magic. Naisulat na niya ang ilan. “Sa ginawang paglaslas ni Dante sa sariling leeg sa harap ng kabaong ni Lola Esperanza, kinutuban nang masama ang nag-iisa niyang anak, si Lola Alejandra—mama ni Lola Soledad na nagpasa sa kanya ng kuwento—kaya nagpaimbestiga na. At napatunayan niyang si Dante at ang dalawa pang kasama nitong dumating nang araw na iyon ay mga miyembro ng Vendetta.”       “Vendetta?” ulit ni Lara. “It is an Italian word for ‘vengeance.”       “Akala ko noon, isa lang iyon sa mga kuwentong imbento ni Grandma. Madalas niyang gawin iyon para aliwin kami ni Gab o kaya ay takutin. Pero ngayon…that nonsense old story’s finally making sense, damn it!” mariing sabi nito kasunod ang paghampas sa manibela. “Sabi pa ni Grandma, Vendetta was a cult where all the members have one thing in common—a vengeful heart. Vendetta Knights daw ang tawag sa mga miyembro na bawat isa, may suot na kuwintas kung saan sila makikilala. Halos lahat ng members, sumali sa grupo para sa pare-parehong purpose—maghiganti sa kahit ano’ng paraan. Ang leader daw ng kulto, may kakayahang utusang maglaslas ng pulso ang sinumang miyembro gamit lang ang tingin at orasyon. Ang bata pa namin ni Gab noon para maintindihan ang kuwento, Lara.”       Tumango-tango siya. Salamat na lang at natatandaan ni Miguel ang ilang importanteng detalye sa kuwanto.       “Heart attack ang cause of death ni Lola Esperanza. Si Lola Alejandra?” Tanong ni Lara. Parang wala sa kuwento ang anak ng great great grandmother ni Mig na nakatuklas sa lihim ni Dante.       “Wala akong matandaang binanggit ni Lola Soledad pero only daughter din lang siya. Si Dad at si Tita Mel naman ang naging anak ni Grandma.       “Hindi kaya heart attack din or nightmare?”       “Hindi ko alam, Lara.”       “Si Lola Soledad, ano’ng cause of death?”       “Heart attack,” sagot ni Miguel. “Sa pagkamatay niya, nagsimula na rin ang parang magkakadugtong na kamatayan. Tita Mel died after three years—nightmare. Sumunod si Mommy tapos ang girlfriend ni Gab. Nagsimula akong maghinala nang makita kong may dugo sa magkabilang wrist ang girlfriend ni Gab tulad ng kay Mommy noon. If they had a nightmare, saan posibleng manggaling ang dugo kung tulog lang naman sila?”       “May bisa ang sumpang nasa diary ni Dante,” si Lara na sigurado na. “Para magkabisa ang ganoong klase ng sumpa, isa lang ang pagmumula ng kapangyarihan—ang kakayahan ng leader ng Vendetta.”       “Ang paniniwala ng mga maka-witness ng ginawa niyang suicide noon, ibinalik ng dalawa niyang kasama ang bangkay ni Dante sa kulto. Ang kapangyarihan ng leader ng Vendetta ang mas malapit na explanation sa lahat, Lara.”       “Tama…” sang-ayon niya. “Kaya nagawa ng kaluluwa niyang bumalik at pumatay sa bangungot.”       “Yeah…every three years.”       “At... at may marka na rin ako, Mig…” Napahagod na naman siya sa dibdib. “Pero bakit ako? Hindi n’yo ako kadugo!”       “Si Mommy at ang girlfriend ni Gab, hindi rin kadugo ni Lola Esperanza, Lara. Kami lang ni Gab ang nasa bagong henerasyon kaya siguro, mga babaeng malapit sa amin ang…ang target ni Dante.”       “P-pero may girl ka, ‘di ba? ‘Yong lagi mong date? B-bakit ako?”       Hindi sumagot si Miguel, lumunok lang.       Tataglayin nila ang marka...marka ng kamatayan…       “Best friend mo lang ako, Mig. ‘Di mo ako girlfriend! Mali ng target si Dante, eh!”       Tahimik pa rin si Miguel.       “Pero k-kung ang tama tayo na ang dugo ang death mark, bakit ako nagising?”       “Hindi ko alam,” ang mababang sinabi ni Miguel. “Three years...three bullets—Lara?”        Bumaling siya kay Miguel. Nagtama ang mga mata nila.        Siguro, sa tagal nilang magkaibigan at sa closeness nila, nababasa na nila ng tama ang nasa mga mata ng isa’t isa.       “May…may third drop ang dugo?” si Lara, hindi inaalis ang titig kay Miguel na nasa kalsada na ang tingin.       “Kung tama ang kutob natin, sigurado akong sa susunod na pagtulog mo, you’ll be marked with the last drop of blood and he’d kill you in dread. Gagong multo. Hindi lumaban ng patas. Ano’ng laban ng mga biktima niya sa bangungot?”   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD