bc

Ex (Complete)

book_age16+
1.9K
FOLLOW
4.0K
READ
comedy
sweet
bxg
lighthearted
small town
friendship
self discover
bodyguard
naive
shy
like
intro-logo
Blurb

Hindi inakala ni Yarra na sa isang iglap ay magbabago ang buhay niya. At twenty, clueless and innocent about being a mother, ay biglang ginampanan niya ang tungkulin ng isang ina sa isang limang buwang gulang na sanggol. Nagkapatong-patong pa ang banta sa kaligtasan ng sanggol dahil sa lolo nitong mukhang pera. Kaya itinakas niya ang baby at inilayo sa siyudad.

Sa lugar na pinuntahan niya ay nakilala niya si Ex, isang super-guwapong hubadero. Nakayanan niyang nasasalubong ito na hantad ang perpektong dibdib at abs nito pero hindi ang mapasukan ito sa silid na manipis na kumot lang ang nagtatakip sa "bahagi" ng katawan nitong hindi niya dapat makita!

Naloka siya nang bonggang-bongga. Na-"in crush" agad siya rito. At nang mas makilala pa niya ito ay nag-intrude na ito nang tuluyan sa puso niya. Na-in love siya rito. Hindi nga lang niya nahulaan na sa likod ng sobrang kabutihan nito ay nagkukubli ang isang sugatang puso na naghihintay ng ganap na paghilom.

Siya ba ang nakatakda upang paghilumin ang puso nito o puso niya ang masusugatan sa bandang huli?

chap-preview
Free preview
One
LUMINGON ang babaeng sinusundan niya ng tingin. Mabilis na ikinubli ni Alexander "Ex" Del Mundo ang sarili. Wala na siyang balak magpakita rito. Napaniwala na niya ito na okay na siya, na wala nang dapat pang isipin kundi ang maging masaya sa pinili nitong buhay kaya walang dahilan para ipakita pa niya ang sarili. Nasa airport siya nang sandaling iyon para Makita ang babae sa huling pagkakataon. Hindi niya alam kung paano niya haharapin ang mga susunod na bukas pero kailangan niyang sumulong... Nakita niyang kinabig ng lalaking kahawak-kamay nito ang babaeng kahulugan ng buhay niya—naglapat ang mga labi ng dalawa. Pakiramdam ni Ex ay tumigil sa pagtibok ang puso niya. Kung may masakit man kaysa sa kamatayan, iyon ay ang sandaling iyon. Ang puso niyang nawasak nang sabihin ni Haley na nagmamahal ito ng iba at hindi na masaya sa kanya, ay nadurog na nang tuluyan. Kung paano niya pupulutin at bubuuin ang mga pirasong iyon ay wala siyang ideya. Ni hindi nga niya alam kung posible pang mabuo uli iyon—may kutob siyang hindi na. Ibinigay niya kay Haley lahat ng kaya niyang ibigay. Pero hindi pa rin naging sapat. Alam ni Ex, mananatili ang napakalaking puwang na iyon sa puso niya. Binawi niya ang tingin  at sumandal siya sa matigas na dingding. Hindi pa rin normal ang paghinga ni Ex. Tila may mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib niya. Mariin niyang hinagod iyon, ang mabagal na mga  habang ay naging lakad-takbo na. Kailangan na niyang makalayo sa lugar. Pagkalabas ni Ex ay hindi kapayapaan ang hatid ng hanging sumalubong sa kanya kundi lungkot. Pakiramdam niya ay sobrang tahimik ng paligid. Na-realize rin niya mismo nang sandaling iyon na ang pinakamiserableng pakiramdam sa mundo ay ang pakiramdam nang maiwang mag-isa. Mas binilisan niya ang lakad. Sa isip ni Ex ay lihim niyang nahiling na sana, katulad ng paglayo niya sa lugar ay ang pagkawala rin ng sakit na tumutupok sa kanya nang sandaling iyon. Hiling din niya na sana sa bawat pagsilip ng bagong umaga ay mabawasan ang sakit na iyon sa kanyang dibdib. Tumingala siya bago ang mariing pagpikit. Sana... Two years later... THIS way to Corazon. Ilang minutong nakatayo lang si Yarra at nakatitig sa signage, particular sa arrow na nakaturo sa direksiyon ng lugar na sadya niya. Niyuko niya si Shelly, o baby Elle para sa kanya, ang limang buwang gulang na sanggol na nasa poder niya ngayon dahil sa aksidenteng pumatay sa stepsister niyang si Shalani. Nawalan ng kontrol ang sasakyan nito at bumangga sa poste ng kuryente. Payapa ang tulog ng sanggol na karga niya sa buong oras na nasa biyahe sila. "Corazon..." usal ni Yarra habang iniikot ang tingin sa paligid. Hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanya sa bagong lugar pero umaasa siyang makahanap ang katahimikan ng loob. Tama pala ang nakilala niyang wanderer na si PJ, tahimik ang lugar. Ayon rito ay ang Corazon daw ang lugar na kailangan niya. Manatili raw siya sa lugar ng ilang linggo at sa pagbabalik niya sa siyudad ay maiiwan sa Corazon ang lahat ng bigat sa dibdib niya. Magagandang alaala na lang daw ang iuuwi niya pabalik. Hindi kilala ng personal ni Yarra si PJ kaya nag-research siya tungkol sa lugar—na magandang feedback naman ang mga nakita niya, Hindi na siya gaanong nag-isip. Itinuloy niya ang biyahe bago pa siya mabaliw sa pag-iisip kung paano niyang haharapin ang mga susunod na bukas ngayong iglap ay nag-iba na bigla ang buhay niya. Dati, siya si Yarra Leron, nineteen years old college student na walang ibang pamilya kundi ang stepsister niyang si Shalani, na kasama nga niyang nakatira sa iisang bahay pero halos isang beses lang niyang makita sa loob ng isang buwan. May ibang bahay ito na inuuwian. Sa financial aspect ay hindi nagkulang sa kanya  ang stepsister pero iyon lang ang tanging naibigay nito. Hindi niya naramdaman na may oras ito sa kanya. Hindi niya naranasan kahit minsan ang magkaroon ng bonding moment kasama nito. Hindi rin ito naging kapatid sa kanya sa tunay na kahulugan ng salita pero dahil si Shalani na lang ang tanging pamilyang mayroon siya ay hindi na nagreklamo si Yarra. Pinilit niyang maging sapat ang kung anumang naibibigay nito. Sinabi niya sa sariling hindi siya maghahangad ng higit sa kaya nitong ibigay. Sapat nang hindi siya nito itinaboy matapos silang mawalan ng magulang may dalawang taon na lumipas. Ngayon, siya na si Yarra Leron na twenty years old, nahinto sa unang semester sa huling taon niya sa kolehiyo para maging ina sa limang buwang gulang na sanggol na naiwan sa pangangalaga niya. Maraming bagay ang itinuro sa kanya ng aksidente ng Ate Shalani niya—ang kawalan ng katiyakan ng buhay, na kung anuman ang nais niyang gawin o sabihin sa isang tao ay sabihin na agad dahil walang nakakaalam kung sa susunod na bukas ba ay nasa tabi pa niya ang taong iyon. Tulad nang naging karanasan niya. Namatay ang stepsister niya na hindi man lang siya nakapagpasalamat sa mga naibigay nito sa kanya. At namatay ito na wala man lang siyang alam na kahit ano tungkol sa ama ni baby Elle kaya heto siya ngayon, sa isang iglap ay naging ina ng sanggol. Iniisip pa lang niya kung gaano kabigat ang naiwang responsibilidad sa kanya ay naiiyak na si Yarra. Pinipilit na lang niyang maging matatag dahil wala naman siyang pagpipilian. Kinailangan din niyang baguhin ang mga naunang plano niya sa hinaharap para kay baby Elle. Ang paghinto sa pag-aaral ang unang mabigat na pagbabagong iniyakan niya. Isang taon lang naman, iyon ang pangako niya sa sarili. Kapag mahigit isang taon na si Elle ay mapapanatag na siyang iwan ito sa ibang tao. Maghahanap na siya ng yaya tutal ay sapat naman ang perang iniwan sa kanya ni Ate Shalani. Ang mga properties naman nito ay inangkin lahat ng iresponsableng ama nito na nang-iwan noon, na naging dahilan kaya naging bahagi ng buhay ng ama niya ang mag-inang Carolina at Shalani. At ngayong may makukuha ng pakinabang sa namatay na anak ang iresponsableng ama ay saka iyon nagpakita—dalawang linggo matapos ang libing ni Ate Shalani. May kutob siyang matagal na nitong hinuhuthutan ang anak. Sa palagay ni Yarra ay alam na ng stepsister niya na ganoon ang mangyayari kaya nag-iwan ito ng malaking halaga sa pangalan niya, kasama ang susi ng condo unit na hindi alam ng ama nito at isang sulat na naghahabilin na huwag niyang pababayaan si baby Elle. Hindi na siya nakipag-argumento sa ama nito nang sumugod iyon sa bahay, kaagad siyang umalis dala ang lahat ng gamit niya at ni baby Elle. Alam niyang hindi interesado sa sanggol ang lolo nito kaya lumayo na siya bago pa man nito maisip na pagkakitaan pa ang walang malay na apo. Mag-iisang linggo siyang nanatili muna sa isang hotel sa labas ng Maynila bago niya naisip na magtungo sa Corazon—at pansamantalang tumira sa address na ibinigay sa kanya ni PJ. Bakante raw ang bahay at wala silang aalalahanin ni baby Elle kung kaligtasan ang pag-uusapan. Ibinigay nito sa kanya ang contact number ng taong dapat niyang kausapin. Tinawagan niya ang numero at tiniyak ng taong nakausap niya na nagpakilalang landlord na bakante pa nga ang tutuluyan niya. Larawan ng isang batang-ina na nag-alsa balutan ay sumulong siya sa Corazon—napapitlag siya sa tunog ng busina. Lumingon si Yarra sa pinagmulan niyon, hindi na niya pinansin ang naramdamang pagtagaktak ng pawis. Naisip niyang kailangan na niyang sanayin ang sarili sa ganoong sitwasyon—na karga niya si Elle at bitbit pa niya ang mga gamit nila—dahil iyon na ang magiging buhay niya. Kailangan na niyang masanay bilang isang ina kahit wala siyang ideya kung paano niya gagampanan iyon. Huminto ang dark green na van sa tapat niya. Bumaba ang tinted na salamin at sumilip ang isang lalaki na sa tantiya niya ay malapit nang maging senior citizen. Napansin kaagad niya ang magiliw na ngiti nito sa kanya. "Magandang tanghali, hija. Ikaw ba si Yarra?" Tumango siya, tumugon ng ngiti nang mag-sink in sa kanya kung sino ito. "Mr. Wenson?" "Wala nang iba, hija. Lolo Dolf na lang. Sumakay ka na. Ako na'ng bahala sa mga gamit mo." at lumabas iito ng sasakyan. Si Adolfo Wenson ay ang nagpakilalang landlord ng bahay na tutuluyan niya. Ang taong tinutukoy ni PJ na dapat niyang kausapin para makuha ang bahay na tinuluyan nito. Ligtas raw ang Corazon para sa mga bakasyunista pero mas maganda raw na makuha niya ang bahay na nirekomenda nito. Makakatagpo raw siya roon ng bagong pamilya sa lugar. Lahat ng tulong na kakailanganin niya ay makukuha raw niya nang hindi siya kailangang magdalawang salita pa. Tama si Pj, heto nga at mas maaga ng limang minuto ang sundo niya. Natatandaan ni Yarra nang kumpirmahin niya kay Lolo Dolf ang pagdating niya ay nagboluntrayo kaagad itong susunduin siya. Idinagdag pang anumang oras daw na kailangan niya ng tagahatid ay itawag lang niya rito. Nararamdaman raw ni Lolo Dolf na may silbi pa ito sa mundo tuwing ginagawa iyon para sa mga bisita sa Corazon. Libre raw ang serbisyo nito. Ngiti at salamat lang daw ang tinatanggap nitong bayad sa serbisyo. "Mukhang nahimbing sa biyahe ang baby mo," si Lolo Dolf nang bumalik ito sa driver seat, nakangiti pa rin ito. "Napuyat ho kasi," nakangiting sagot niya. "Halos hindi natulog kagabi—" naudlot ang pangungusap niya nang may bumusinang sasakyan bago lumampas sa kanila. Sa tingin niya ay kakilala iyon ni Lolo Dolf. Nakita niya ang pagkaway ng matanda bilang tugon sa busina. "Sa tingin ko ay hindi ka mahihirapan sa bakasyon mo rito, hija. May maaasahan kang kasama sa bahay." Natigilan siya. "K-Kasama ho?" ulit niya. May makakasama siya sa bahay? Pero... "Hindi ba nabanggit ni Pj na pang-apat hanggang limang tao ang bahay na inirekomenda niya?" "Hindi ho..." "May problema ba sa 'yo kung may makakasama ka, hija?" "Wala naman, Lolo Dolf. Mas gusto ko nga na may iba kaming nakakausap ni Elle. Ilan ho ba kami sa bahay?" "Hindi dumating ang naunang kausap ko kaya dalawa lang kayo," sagot nito. "Maluwang ang bahay sa dalawang tao lang kaya sa tingin ko ay wala namang magiging problema. Nasa ibaba ang silid ng kasama n'yo at sa itaas naman ang sa inyo ng baby mo." Tumango siya. Pinausad na nito ang sasakyan. Nagising si Elle sa gitna ng biyahe at naglilikot kaya hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong tingnan ang dinaraanan nila. Naging abala na siyang tugunin ang pakikipaglaro ni Elle—iyon ang isa sa mga sandaling hindi kayang tapatan ng kahit ano, ang sandaling nginingitian siya ng sanggol at nilalaro ang pisngi niya na para bang kilang-kilala siya nito, na para bang siya talaga ang tunay na ina nito. Masarap na init ang humahaplos sa puso niya tuwing tititigan siya ni Elle at ngingitian habang nasa mukha niya ang maliit na palad nito. Nakakalimutan ni Yarra ang pagod niya maghapon sa pag-aalaga rito. "Malapit na tayo, baby," pagka-usap niya rito. "Hindi mo pa pala na-meet si Lolo Dolf. Hi Lolo Dolf, I'm Elle," nakangiting hinawakan niya ang maliit na kamay nito para kawayan ang matandang kumislap naman ang mga mata sa pagkaaliw bago ngumiti nang magiliw sa kanila. "Hi, Elle. Welcome sa Corazon munting anghel," sabi nitong tumingin sa rearview mirror. "Thank you po, Lolo Dolf," aniyang itinaas uli ang kamay ng sanggol na ngumiti naman na parang naiintindihan talaga sila. Sabay lang ang masayang pagtawa nila ng matanda.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
70.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook